Dorm
Pag bukas ng pinto ni Zedrick, isang medyo mahabang hallway ang bumati sakin. White ang interiors nito at marami din nakasabit na paintings.
Aaminin ko, namangha talaga ako sa itsura ng dorm nila. Para lang talagang totoong bahay, yung feel at home ka talaga.
Nag lakad ako dun sa hall, hila-hila yung mga luggages ko. Grabe, pag pasok mo pa dun sa sala, isang napakalaking flat screen tv ang bubungad sayo.
"Uhh... Louise, dito pala yung room mo." Sumunod ako kay Zedrick after nyang buksan yung isang pinto.
Just what I requested, black and white ang interiors nito. Pati mga gamit black and white din. Pina-request ko yan bago ako umuwi dito, favorite colors ko kasi yun eh.
"Hmm... nice place you've got here." Sabi ko kay Zedrick. Open kasi sya, bale may terrace sa labas at makikita mo yung garden at soccer field. Hayy, pwedeng sumagap ng fresh air every morning dito!
"Yeah. Requested din namin ang ganito. Masaya kasi tignan, nakakagaan ng loob." Saktong pag lingon ko sa kanya, ay nakangiti sya ng bonggang-bongga. Ay jusko! Baka himatayin ako sa pogi mo kuya! @_@
"Anyway, thanks sa pag sama mo sakin dito." Tumango lang si fafa Zedrick at nginitian ako ulit.
"No problem, anywa-"
"WE'RE BACK!" May pumutol ng words nya. Once na narinig na namin yung ingay sa labas, alam kong andyan na yung mga ka-dorm din namin.
"Oyy, Zedrick! Asan ka ba?!" Narinig ko ang isang sigaw sa labas. Letchugas! Ganito ba sila kaingay? Parang hindi ako makakatulog ng maayos nito ah. -____-
"Uy, Zed! Andy- HI! IKAW BA YUNG BAGO NAMING ROOMMATE? AKO NGA PALA SI JACOB SUAREZ!" Bigla itong lumapit at nakipag shakehands sakin. Manners, dre?
"Ahh.. ako nga." Stutter. Eh bakit nga ba? Tungunu! Eh isa pang pogi toh eh! La sya? Kumekerengkeng nanaman ako ditey!
"Oy, Suarez! Umayos ka nga, umaariba nanaman yan'g bunganga mo eh.." Sabi ni Zedrick sabay hatak sa kanya palabas.
Bago pa sila nakalabas, lumingon sakin si Zedrick at nag salita, "Feel yourself at home. Sige, pahinga ka muna."
I nodded and he just closed the door.
------
Nakatulog ako ng ilang oras. Pag gising ko, around 11 am na ng umaga. Maaga pa for lunch. Pumunta muna ko sa cr at nag hilamos ng mukha.
Tinitigan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Akalain mo, lahat ng ito pala hindi panaginip -slash- BABY, EVERYTHING IS REAL!
Pinunasan ko ng towel ang basa kong mukha at lumabas ng banyo. Nag bihis muna ko ng navy blue jogging pants at yellow shirt. Lumabas ako ng kwarto at nakitang walang tao. Siguro nasa klase na lahat.
Nga pala, dalawa pa lang nakikilala ko sa kanila. Jacob yata pangalan nung isa? ... Nga ba? Hala, natulog lang ako wala na kong matandaan.
Ganun ba sila ka-gwapo para makalimutan ko mga pangalan nila?
Umupo ako sa may sala at nakatitig sa wala. Even though I was the one who decided to be here in the first place, I can't help but to feel home-sick. Namamahay na ko.
Tumayo ako at dumiretso sa kusina. Nag hanap muna ako sa mga cabinet ng pwedeng makain. Good thing may cereal sila dun! ^_^ Favorite ko kasi yun eh.
After ko kumain, I decided to give my cousin a call. I think he's up na by this time. Kinuha ko yung cellphone ko sa room at bumalik sa sala.
Calling Jeremy...
Calling Jeremy...
Calling Jeremy...
At sinagot na nya.
(Hello? Sino ka? Yaman mo naman para tumawag ng international.) Adik talaga to!
"Hoy bakla! Pinsan mo to!" Sigaw ko over the line.
(Pinsan? Heh! Nandito sa bahay yung pinsan ko noh! Sino ba to?)
Tanga naman neto! Kinalimutan agad? -____-
"Letchugas naman oh! Pabo yah.. Si LJ to!" Bulong ko. Kahit ba mag-isa lang ako dito sa dorm, malay ko ba kung may naiwan pala dito.
(LJ?.... Ay shootness overload! Bebe gurrrlll!)
"Oh? Nahimasmasan ka na ngayon?"
(Sensya na bebe hah? Nakaka- stress kasi tong project namin. Bulabugin ba naman ako ng mga classmates ko during my beauty sleep, may biglaang project daw sa Math.)
"Hahaha! Kaya pala para kang may PMS." Asar ko sa kanya. Malamang nakanguso nanaman si bakla. =P
(KaaZar kasi eh. Not funny at all!)
"Oo na. Ikaw na busy-busyhan."
(Che! Anyway .... MAY MGA POGING BOYS BA?)
Ay shoot. Ehto na nga ba sinasabi ko eh. "Aaminin ko. Mga ka-dorm ko puro pogi."
(PUTAKELS!! INGGIT ANG LOLA MO!)
"Ehdi punta ka dito." Hahaha!
------
Cut muna ko. Next chapter, makikilala na ni LJ lahat! :))
BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Fiksi RemajaPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?