Game
P.E. time nanaman. I don't know what happened pero, noon kasing elementary pa lang ako, I really love this subject. Pero ngayong nasa highschool na ako, parang tinamad na ako during this subject. Parang okay pa kung music na lang, kaso makakatulog naman ako sa klase namin.
May free sport kami ngayon at bahala na kami kung anong gusto naming laruin. Since matigas ang ulo ko since birth at tinawag na akong 'adrenaline junky' ng mga pinsan ko because of my hobby na car racing. Kung tutuusin, kami lang ni M.M. ang interesado sa sport na ito, takot kasing maaksidente yung iba.
Pag bumibisita sa States yung mga pinsan ko dati, hindi na sila magugulat kapag bigla na lang kami naglaho ni M. Madadatnan na lang nila na maalikabok ang race track sa may downtown. Alam na. Hahaha!
"Anong free sport mo?" Umupo sa tabi ko si Zedrick. Kakatapos lang nya mag stretching dahil maglalaro muna sila ng soccer.
"Car racing." Naibuga nya yung iniinom nyang tubig. Nag-sorry sya dun sa nabugahan nya ng tubig at nilingon ako.
"Seriously?! Nagpapakamatay ka ba?! My goodness, Louise!" Naihilamos nya ang kanyang mga palad sa mukha nya at pinatong ang mga siko sa may tuhod nya.
"Bakit? Yun ang hobby ko eh." Kinuhat ko yung car keys ko at yung helmet.
"Nga pala, asan si Jared at Alex?" Tanong ko.
"Wala. May pinuntahan silang convention sa Daegu. Mamaya pang gabi ang uwi nung dalawa." Tumango ako. Hmm... Medyo boring nga lang sa car racing ngayon, paano naman kasi, walang masyadong kumuha ng free sport na iyo ngayon.
Aha! Wait nga...
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. I dialled a contact number and waited for seconds.
(Hello? How may I help you?)
"Is this the principal's secretary?"
(Oh, yes. Do you need anything?)
"Can you direct this call to the principal? I just want to talk to him about something.."
(Sure. Please wait for a moment.)
Naghintay ako ng ilang sandali. Siguro medyo busy si principal since paparating na ang pasko. Baka busy sa shopping.
(This is the principal speaking.) Ayun oh!
"Good afternoon, sir. I would just like to ask a favor from you. Is it okay though?" English. My dearest. Anong lahi ba ng kaluluwa ang sumanib sa akin at english ang language ko ngayon?
(Who is this?)
"Oh, where are my manners? I forgot to introduce myself, I am Mr Cruz. The transferee student from USA."
(Oh, Mr Cruz! Go on, what is your favor?)
"Uhhh, since I'm on my free sport for the next three hours, I would like to ask your permission if I can call someone to join me playing."
(Hmm... Sure, it doesn't matter anyway-)
"And it's a girl."
(Oh a gi- WHAT?!)
"Can I? Just for once Mr Principal. It's my cousin anyway." May pause ng konti sa linya.
(Arraso, arraso. But, it's you who'll take care of anything? I'll be out of it.)
Yes! "Sure thing, sir. Happy holidays."
Yeah ba! Hahahaha! Pumayag si Principal! Now all I have to do is to call my lovely cousin.

BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Teen FictionPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?