28. Bully

106 5 0
                                    

Bully

Mary's POV

Ayowwn~ May moment nanaman ako sa story ni author! Akala ko kasi nakalimutan na nya akong isali dito. Hehehe.

Literal na nga-nga.

Oo.

LITERAL.

Sabihin na natin na sobrang boring dito sa room. Tinulugan lang ako ni M.M. Yung iba ko kasing pinsan, nasa ibang subjects nila as of now. Trip ko sanang kuhanan ng picture si M.M. habang tulog sya, kaso baka mabunyag, eh baka sakalin ako to death.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Sa baba nun ay yung soccer field na, kung saan nakikita ko ang Exo na naglalaro ng soccer dahil P.E. time nila. Nakikita ko kung paano maglaro si Baekhyun. Masasabi ko talagang sporty syang tao sa galaw pa lang nya.

I mean this, nakakaIN-LOVE talaga sya.

Well, crush ko na talaga sya. Hindi ko lang pinapahalata. Nakakahiya kasi noh.

Dumating ang teacher namin, sakto naman sa oras na nagising si M.M. Nakita ko pa na nakapikit sya habang ang direction ng tingin nya eh nasa harapan. Weird ma' friend.

"Okay, good morning class." Tumayo kaming lahat at nag greet back sa teacher namin.

"Okay, I won't have any lessons for today. Pero we'll talk about our upcoming grand ball next week." Nag-cheer ang lahat for that. Ngumiti lang ako, samantalang si M.M. ay nakasimagot. Hayy,, super hate nya kasi magsuot ng mga gown. Pero kung andito yung mga pinsan namin, malamang ngiting kita gilagid sila. Lalo na si Gemar.

Chickboy kasi. Tsk.

"We decided that our color will be an elegant type of dark colors. Whether it's black, dark blue or what, I want everyone to wear what's best in your eyes."

Napahinga na lang ako ng malalim, ayun yun eh, nakalimutan ko na ayaw ko din ng mga cocktail dresses or gowns whatsoeverrr!

Tuloy-tuloy ang pag-uusap tungkol sa grand ball next week. Pwede din daw kumuha ng partner na hindi taga-school namin para hindi naman daw lonely yung mga gustong pumunta pero walang partner.

Mabilis lang lumipas ang isang oras at marami silang naplano para sa ball. Hindi naman talaga ako nakinig eh, I was planning not to attend the ball since tinatamad ako. Oo. Tamad ako pag dating sa mga ganyan.

Kinuha ko yunh bag ko at lumabas ng room. Papunta na sana ako sa locker ko ng may biglang humarang na tatlong ulupong sa harapan ko.

Napasimangot ako, "Tabi."

"Eh kung ayoko?" She smirked at me. Hayy, ehto nanaman si kontrabida. Nung una si M.M. ang target, ngayon naman ako.

"Michelle, kung wala kang magandang idudulot sa araw ko, eh lumayas-layas ka na lang sa harap ko."

Unexpected ang sunod na nangyari. Hinatak ng mga 'barbie' friends nya ang bohok ko at tinulak ako sa may locker. Grabe ang sakit ng likod ko sa impact.

Nahirapan na din ako huminga. Since malakas ang pagkakatama ko sa likod, parang knocked-out din yung hininga ko. Napasandal ako sa locker at sinubukan habulin ang paghinga. Kaso mukhang hindi maganda, dahil masakit pag sinusubukan kong huminga ng malalim.

"Ano? Palag ka?" Inangasan pa ako nung isa nyang kaibigan. Napansin ko naman na lumuhod sa harapan ko si Michelle.

"Next time, layuan nyo na ng mga pinsan mo ang Exo oppas. Or else, hindi lang yan ang pwede kong gawin sayo." At tumayo na sya para umalis.

Sinundan ko ang paglakad nya ng bigla syang nawala sa paningin ko. Narinig ko ang tawanan ng lahat ng estudyante sa hallway.

Nakita ko na si Michelle na nakaupo sa sahig at nasa harapan nya si Katrine at yung iba ko pang mga pinsan. Pumunta sa harapan ni Katrine si M.M. at tinitigan ng masama si Michelle.

Weh? Di nga? You're a GIRL?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon