Out With Katrine
"Pinsan!!!" Nagulantang ako sa may bus stop ng marinig ko ang isang pamilyar na boses na palapit sa akin habang tumatakbo.
At sya ay nadapa at namatay- DeJK!
Biglang yumakap sa akin si Katrine na parang ngayon lang kami nagkita sa buong taon ng buhay namin. Maraming tao ang tumingin sa amin kaya't agad kong pinigilan si Katrine.
"I miss you!!" Bumeso sya sa magkabila kong pisngi at niyakap ulit ako.
"Katrine, para kang sira! Tama na nga, hindi na ko makahinga sa ginagawa mo!" Pinilit kong ialis ang mga yakap nya kaso masyado syang malakas. Hyper much nanaman sya.
"OMG, girlalu! Naka damit pangbabae ka ngayon!" Sinimangutan ko sya ng tingin. Obvious naman eh, kelangan talaga nyang i-broadcast.
Nung isang araw pa kasi sya nagsasabi sa akin na gusto daw nyang lumabas, kaso busy ang iba naming mga pinsan. Si Gemar naman daw ay nasa Italy at nagsasaya. Ang daya nga naman nya eh, di man lang nagsama.
"Tigil-tigilan mo nga ako. Tara, sumakay na tayo sa bus, alam ko naman na excited kang mag mall." Para syang batang nakakuha ng candy at excited itong kainin.
Mala-fashionista nga ang peg ni Katrine ngayon, para syang rarampa sa isang fashion show. Naka denim short-shorts sya at may pang-ilalim na black leggings. Naka black 3 inch close shoes din sya. Simple gray winter coat with a furry hood. Pwede na syang pang-model sa Basic House.
Ako naman, medyo simple na rin siguro. Black winter coat, black jeggings at knee level na 2 inch boots. Nakalugay din ang brown hair ko, at grabe, na-miss ko ang pagiging babae.
Nakasakay na kami sa bus at hindi naman ganun karami ang mga tao. Paano nga ba ako nakalabas ng ganito? Simple lang, syempre sa isang cr ng coffee shop na malapit sa school namin ako nagbihis. Nagdala na lang ako ng extra clothes.
"Musta naman ang dorm life pinsan? Mahirap ba? Binubully ka ba dun? Sabihin mo at maupakan ko sila!" Pataas ng pataas ang boses ni Katrine. Buti na lang talaga at kaunti lang ang nakasakay sa bus ngayon.
"Umayos ka nga. Oo, okay lang ako. Mababait mga ka-dormates ko." Tumango-tango naman sya pero biglang natigilan.
"Mga? Meaning, hindi lang isa ang kasama mo sa dorm?" Tumango ako at parang naging excited nanaman ang itsura nya.
"Hulaaa! Tell me about them! Mga pogi ba sila?" Parang nag twinkle ang mga mata nya.
"Uhh.. Oo, apat sila at puro pogi. Actually, sila yung mga pinaka popular sa school namin."
Niyugyog nya ako. "Mygee! You're so lucky, pinsan! I hope I'll meet pogi boys like them! Wait, you're sure they're pogi ah? Baka you're just making kwento kasi you're nahihiya about your dormates."
"Tungak! I'm not making stories! Next time, papadalhan kita ng pictures nila and I swear, tulo ang laway mo sa inggit." Pagmamayabang ko. Binigyan nya ko ng isang kurot na pinigilan ko ang sigaw ko. Langhya! Masakit yun ah!
"Ihhh! I'm so naiinggit tuloy! Can I come to your dorm na lang?" Pagmamakaawa nya.
"Are you crazy? Hindi pwede ang girls sa amin! Baka kick-out ang abutin ko dahil sayo."
"Awww~ Tsk, basta you'll make padala pictures to me ah?"
"Fine."
"Promise?" Hala! Para talaga syang bata! Anyare dito? Ano bang kahibangan ang ginawa ng mga pinsan namin sa kanya?
"Aish. Yaksok!"
-----
Ang dami na naming dala na shopping bags ni Katrine, pero parang kulang pa sa kanya lahat ng napamili namin.
BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Teen FictionPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?