Getting Ready
LJ's POV.
"Ayoko nga ng pink eh!" Sigaw ni M. We're currently on a shopping since this saturday na yung ball.
I saw this cute pink gown that will totally suit her. Niyaya kasi sya ni Kai na maging date nya sa ball. Eh yung mga pinsan ko din pala, niyaya nung mga friends ni Kai. Pinakitaan kasi ako ni Katrine ng photos nila, pati na rin yung crush nyang si Luhan.
Hindi nga ako maka-recover kay Katrine nung dinedescribe nya sakin yung katauhan ni Luhan.
Mabait, gwapo, friendly at... Loveable.
"Maganda naman ah?" Umiling si M at sinimagutan ako.
"Kung gusto mo, ikaw na lang mag suot nyan. Alam mo naman na ayaw ko ng pink diba. Mas mabubuhay pa ako sa white."
"Arte mo." Sabi ko at tumingin ulit ng mga gown.
It's friday at nandito kami sa mall ni M.M. for a shopping, which is sinabi ko na kanina, at hanggang ngayon wala pa rin kami mahanap para sa aming dalawa.
Kung magtataka kayo kung nasaan yung mga pinsan naming girlalus, hindi ko po sinabi sa kanila na pupunta ako sa ball. Tinago namin ni M na secret yun, para na rin isang surprise sa kanila.
Malamang baka mamatay nanaman ako sa mahigpit na yakap nila. Beware of Katrine, leeg mo ang kakapitan nya.
"Ehto kaya?" Tumingin ako kay M at may tinuro syang dark blue gown na nakasuot sa isang manequin. Tube dress ito at long, bagay sa kanya dahil mga dark ang type nya at maputi naman sya.
"It looks good. Sukat mo na kaya." Pumunta sya sa isa sa mga sales lady at nagpatulong.
Dumiretso naman ako sa paghahanap ng akin. Hindi ko kasi alam ang bagay sakin kaya kailangan ko pa ng assist ni M. Marami ka rin kasi pag pipilian sa boutique shop na pinuntahan namin.
Mahirap pumili dahil magaganda ang texture ng mga tela as well as the designs. I was starting to look for help na nga since medyo mahina ako sa fashion.
Sakto naman na lumabas si M sa fitting room dala yung gown. Mukhang kukunin na nya ito. Binigay nya yung card nya dun sa sales lady na tumulong sa kanya para bayaran na yun.
"Got something?" Umiling ako. She pulled my wrist at tumingin sa ibang part ng store.
Dumaan kami sa isang side na puro high class gown ang naka showcase. Dun din pala nakita ni M yung kanya pero hindi ko napansin yung iba nung andun kami.
"Insan, mukhang maganda itong white." Tiningnan ko yung sinasabi nya. It looks really beautiful. Ang style nya ay sleeveless gown at medyo see through ang likuran.
"LJ, it looks perfect on you! Bilis, sukat mo na."
------
M.M.'s POV.
"Girl, chillax. Wag ka nga kabahan diyan. Hindi ka naman lilitsunin dun eh." I frowned at her. Kanina pa kasi nya sinasabi sa akin na kinakabahan sya.
"Ano ba! What if mapahiya ako? Or mapatid bigla? Hala! Baka mas gustuhin ko pa na lamunin na lang ako ng sahig dun!"
"Tama na nga yan."
"Tsaka hindi ako taga school nyo! Baka pag- ARAY! Bakit mo ko binatukan?!" Hinimas nya yung ulo nya at nag pout.
"OA mo kasi eh. Tumahimik ka na nga lang diyan. Parating na yung make-up artists eh." Nag-stay kami sa isang hotel after namin mag shopping, para hindi na kami mahirapan sa pag punta sa school namin. Medyo malapit lang kasi itong hotel sa university.
"Eh pag nangyari sa akin lahat ng 'what ifs' ko?"
"Ehdi nangyari. Hindi mo naman kasi maeexpect na perfect ang lahat." Explain ko. Narinig ko naman yung door bell kaya agad akong tumayo para sagutin iyun.
Bumungad sa akin si Stacy. Sya yung aayos sa amin ni LJ. Close friend namin sya magpipinsan dahil sya ang madalas mag ayos sa parents namin kapag may mga parties na pupuntahan.
"Stacy unnie!" Narinig ko si LJ. Stacy gave me a quick, but tight hug. "Hi girls, how are you doing?"
"We're doing good." Sabi ko with a smile. Dumiretso kami sa loob at binigyan nya rin ng hug si LJ.
"Hi LJ." Stacy patted her head and placed her things on the coffee table. Umupo naman ako sa tabi ni LJ at sa harap namin si Stacy. "So, I heard what happened to you. Good thing wala pang idea si tita at tito na andito ka sa Korea."
"Well, Jeremy could control them both. He always convince na wala ako dito kasi hindi ko idadamay ang mga pinsan ko sa gulo na pinasok ko." LJ explained.
Stacy chuckled, which I also followed. Alam ko na ang nasa isip nya. "Oh well, looks like you've already invaded their space."
Oha! I'm so tama!
"You got that one right." At pare-pareho kaming tumawa.
------
Three hours passed and Stacy's almost done with LJ's make-up. Nauna akong inayusan since nag shower pa si LJ. Tinamad kasi maligo dahil malamig -,-
"Ohhh~ We're almost done." Excited na sinabi ni Stacy. I saw how excited LJ is dahil panay ang ngiti nya kapag kino-compliment sya ni Stacy.
"Excited si LJ oh." Pang-aasar ko sa kanya. Medyo namula naman sya sa hiya at umikot ng konti para hindi ko sya makita.
"Tigilan mo nga ako, M. Ayan ka nanaman eh." I just chuckled.
Nakaramdam naman ako ng vibration sa bulsa ko at inilabas ang cellphone ko. Nakita kong nag message si Xiumin oppa.
'Are you girls getting ready?' -Baozi oppa
I chukled at his text. Malamang excited na rin ito.
'Yep, we're almost done.' -Me
'Kai is nagging me. He wants to see you already.' -Baozi oppa
'Tell him to stay still XD' -Me
'As if he would listen -,-' -Baozi oppa
Our conversation were cut nung tinawag ako ni ate Stacy para mag bihis na.
'I need to dress up. See you later, oppa! =D' -Me
'Arasso, see you later dongsaengs! ^_~' -Baozi oppa
Tumayo na ako sa sofa at pumasok sa kwarto kasama si LJ at ate Stacy.
BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Teen FictionPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?