17. SINGIT EFFECT: Ang Lovelife ni Katharine 2

139 4 2
                                    

SINGIT EFFECT PRESENTS: Ang Lovelife ni Katharine 2

M.M.'s POV

"Pinsan! Tell me na hindi talaga ako nananaginip kanina!" For the tenth time, gusto ko na talaga sapakin 'to si Katharine eh. Hindi talaga sya makapaniwala na tao yung nakita nya kanina.

Eh sa pogi ba naman ni Suho, sino kayang hindi makapaniwala na tao ang isang nilalang na iyon. Pati tuloy ako, gustong tanungin ang sarili ko kung panaginip ba yung kanina.

"Hayyy, Katharine. Sabi ko naman sayo, hindi panaginip ang lahat. Totoo si Suho noh, hindi sya isang fictional character lang sa isang story at ISA PA, hindi rin sya pokemon noh! Saan mo ba nadampot yun?"

Yes. Totoo. Halos ma-paranoid sya dahil kay Suho. Pati tuloy mga inosenteng pokemon, ay nabulabog ni Katharine sa kaingayan nya. OA na nga masyado eh, pati si Squidwart napagkamalan nyang pokemon character.

Tulala pa rin si Katharine at malamang ay iniisip pa rin yung kanina. Kung pwede lang sya iuntog sa pader, kanina ko na ginawa yun. Kaso naman, masayado pa akong mabait para ganunin sya. Natatawa na rin sa amin yung nurse.

Nung dinala ko kasi sya dito, nagulat yung nurse kung bakit hatak-hatak ko sya sa paa. In-explain ko lahat ng nangyari kanina at normal lang daw talagang may himatayin matapos makita ang Exo.

Pagtataka nga lang nya, eh nalaman nyang nakita ko rin sila. Ang kaibahan lang daw, ako lang ang hindi daw hinimatay sa kagwapuhan nila. Inamin din nyang fangirl sya nung labing-dalawang estudyante na yun.

"Tama na nga pagiging lutang diyan. Mukha ka na kasing takas sa mental eh. Tsk, hindi ko pa nga nasasabi dun sa tatlo na andito ka. Wag na natin sabihin kay Gemar, baka biglang lumipad pabalik yun dito."

Mukha na talaga syang takas sa mental. Paano kasi, nakaupo sya sa isang hospital bed at rocking back and forth ang peg nya. Para bang paranormal activity din.

"Hayy. Ewan ko ba, M. Pero feeling ko, andito nanaman yung destiny eh." Seryoso ang mukha nya habang sinasabi yun. Hindi tuloy ako makapilosopo sa kanya.

Tumingin ako sa wrist watch ko at nakitang 10:15 na ng umaga. Three subjects na ang hindi namin napuntahan at malamang, ma-detention kami pag nakita kami nung three subject teachers namin kanina. Tigok nanaman ako kay Gemar pag nangyari yun.

"Hindi ka pa ba nagugutom?" Tanong ko kay Katharine.

"Medyo. Pero nahihilo pa ako." Pinahiga ko muna sya. Pumunta muna ako sa nurse at sinabing aalis muna ako para pumunta sa cafeteria.

Bumalik ako kay Katharine at sinabing aalis muna ko. Nag request pa ng kape ang loka. Frappe daw ang gusto. Tsk, daig pa nya yung naglilihing buntis eh.

-----

Kumuha ako ng pass slip para makalabas ng school. Medyo nahirapan pa ako kasi ubod ng tigas ng ulo nung isang staff.

Bakit daw ako lalabas. Bakit daw kelangan ng kape. Bakit daw hinimatay ang pinsan ko.. Eh kulang na lang, pati talambuhay ng ipis itanong eh.

Lumalamig na since malapit na ang pasko, pero medyo mataas pa rin ang sikat ng araw. Naglakad lang ako since ilang blocks lang naman ang layo ng Starbucks dito.

Nang makarating ako, medyo crowded yung coffee shop kaya umorder ako kaagad. Napansin ko din na halos puro babae ang customers nila ngayon. Wala naman yatang girls day out ngayon.

Nag wait ako sa isang two-seater table malapit sa may bintana. Medyo maingy sa loob dahil puro babae nga ang andun. Hindi naman makukumpleto ang araw nila hangga't walang chikahan.

Weh? Di nga? You're a GIRL?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon