Kapag Bangag si Jacob
Isang umaga nanaman ng pasukan at nakahanda na kaming umalis. Habang hinihintay ko sila Jared, umupo muna ako sa may sala at sinaksak ang Beats studio type headset ko.
Nakabalot ako sa jacket dahil malamig na, umuulan na nga yata ng snow sa labas.
Bumukas na ang pinto sa kwarto nila at lumabas din yung apat na nakabalot sa hoodie jacket. Pero kakaiba lang ang itsura ni Jacob ngayon.
Halata ang eyebags nya at parang mas lamig na lamig pa sya sa aming apat. Umupo sya sandali sa may sofa katabi ko at sumandal.
Napatingin ako sa tatlo. "Problema nito?" Turo ko kay Jacob.
Nag shrug lang yung tatlo at kinuha ang mga backpack nila. Tumayo na ako at kinuha din yung akin. Lalabas na sana kami ng bigla akong tumigil.
"Bakit, Louise?"
"Eh, nakalimutan natin si Jacob." Isa-isa kaming nagtinginan at binalikan si jacob sa loob. Nakita namin syang nakahiga sa sofa at yakap ang isang unan.
Lumapit si Zedrick sa kanya para gisingin sya. Tinapik-tapik na nya si Jacob, kaso parang wala lang ito sa kanya.
"Hoy, Jacob. Gumisingin ka na nga diyan, papasok na tayo." Gumalaw si Jacob, ngunit inayos lang nya ang kanyang paghiga.
"Jacob, tayo na. Mala-late na tayo sa klase." Nakisama na si Jared at Alex sa paggising sa kanya.
Mukha talagang puyat si Jacob. Tumigil muna kami sa paggising sa kanya at nag-isip ng pwedeng gawin.
"Buhusan kaya natin ng malamig na tubig o yelo?" Suggest ni Alex.
"Sige, mukhang yun na lang ang pag-asa." Agree nung dalawa.
"Tanga. Wag nyong gawin yun." Sinabi ko. Mukha na ngang kawawa si Jacob, ganun pa gagawin nila. Grabe kaya ang lamig!
"Eh yun na nga lang pag-asa natin eh!" Na-frustrate na si Zedrick at umupo sa ulunan ni Jacob.
"Mas lalo tayong mala-late pag nabasa sya, mag-papalit pa sya ng damit. Eh alam nyo naman istasyon nya sa buhay ngayon diba?" Nagkatinginan muna yung tatlo at tsaka nag buntong hininga.
"Eh anong gagawin natin?" Tumayo si Jared at pilit na hinatak paupo si Jacob. Wala rin naman akong maisip na pwedeng gawin.
"Louise, idea naman diyan oh." Umakbay sa akin si Alex habang ang tingin ay kay Jacob pa rin.
"Eh kung iwan na lang natin sya dito para magpahinga?" Suggestion ni Jared.
"Hindi pwede. May try-out daw ngayon sa basketball at sya muna ang bantay kasi may meeting ang coach nila mamaya." Explain ni Zedrick.
"Eh kung buhatin na lang natin sya all the way papunta sa room, tapos dun na lang sya gisingin?" Tumingin sa akin yung tatlo at lumaki ang ngiti.
"Geh. Tara."
Nasa magkabilang balikat kami ni Jared at suporta din namin ang likod nya, si Zedrick at Alex naman ay hawak ang binti nya.
Pinagtitinginan kami sa hallway habang buhat ang isang tulog na si Jacob. Nakakahiya man sabihin, pero ayaw naman namin na malagot si Jacob sa coach nila.
Nagmamadali kaming maglakad dahil maraming tao na ang nasa hallway at nakikita kami. Lalake man sila, pero grabe din makasagap ng tsismis.
"Hala,, ano kaya nangyari kay Jacob?"
"Baka may sakit.."
"Mukha syang patay."
Gagita ka! Hindi ba pwedeng tulog muna bago patay? Minamadali yata eh.
BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Ficção AdolescentePaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?