Arrival
It was a total sunny day in Seoul, South Korea when I arrived. The people may not look familiar, but I know I can feel myself at home. Finally, I'm back to my hometown! Kung tutuusin, half Pilipino, half Korean ako. Si mama ang Korean, si Papa ang Pilipino.
I pulled my cellphone out and opened my note. Doon kasi naka save ang address ng school na papasukan ko.
Nang makita ko na, agad akong pumara ng taxi at binigay dito ang address. Nilagay ng driver yung luggages ko sa compartment at umalis na kami.
While we're on our way, sinubukan kong tawagan ang mahadera kong pinsan. Puro ring lang ang naririnig ko sa other line at nag direct ito agad sa voice call.
"Baklang to, sabi nya tawagan ko daw sya pag dating ko dito. Tinulugan naman pala ako." Sabi ko sa sarili ko. Biglang nag stop ang taxi at tiningnan ako ng driver sa rear mirror.
"We're here." Sabi ng driver habang nakangiti(pretend na lang na korean language ang eng/tag nila).
Tinulungan ako nito na ibaba ang mga gamit ko. "Kansahamnida, ahjussi." Nginitian ulit ako nito at agad ng umalis.
Lumingon ako sa harap ng ubod ng laking school for boys. Literal na nganga talaga ako. Pano ba naman? Eh halos doble ang laki nito sa dati kong school sa States!
Inayos ko muna ang aking 'boy' look at agad pumunta sa guard house. Habang papalapit ako, ay medyo kinabahan na rin ako ng konti.
"Ahh.. Excuse me?" Tumingin sakin ang guard at tinanggal ang earphones sa tenga nya. Binigyan ako nito ng knowing look.
"Uhm.. Andito po ako for enrollment." Binigay ko sa kanya ang isang brown envelope. Binalik nya ito sakin at pinapasok ako.
Sinamahan ako ng guard sa guidance office ng school. Habang naglalakad kami, ni-hindi ko maiwasan tumingin sa paligid. Sobrang laki talaga kasi nito. May fountain sa gitna ng campus, merong soccer field sa kabilang dulo, nadaanan din namin ang basketball court sa loob.
Fine! Mas gusto ko na dito!
Tumigil kami sa isang clear door at iniwanan na ko dun ng guard sa labas ng wala man lang paalam.
"Tch. In fairness, mataray din ang peg ni manong guard." Natatawa-tawa kong bulong sa sarili ko.
Binuksan ko ang pinto at napansin ko ang lahat na sobrang busy sa mga work nila. Actually, halos tumakbo na rin sila sa harapan ko ng wala man lang excuse at may dalang ubod ng daming papers. Ay, malapit na nga pala midterms.
May nakakita sa akin na isang babae, she looks young and beautiful. She's wearing a casual clothes of an employee. Siguro around 20's pa lang sya because of her look.
She approached me with a smile, "Are you the new tranferee student?" She asked in a very straight english. I nodded and she asked me to follow her.
Habang papunta kami sa cubicle nya, ay may dumaan sa amin na isang lalaking nasa mid-50's na siguro. Halata na galit at stress sya.
"Diba naman sinabi ko sa inyo na unahin yun! Eh bakit kung kelan kailangan ko na tsaka nyo pa lang gaga- HIJO! ANONG YEAR AT SECTION MO? BAKIT KA HINDI NAKA UNIFORM? DID YOU CUT CLASSES?" Sabi nito sakin ng pasigaw.
Tinignan ko ang name plate nya. Kim Jongguk ang name nito, at nakalagay sa ilalim ng pangalan nya ay PRINCIPAL. KFine~
Mag sasalita pa sana sya ulit ngunit biglang lumabas yung pretty lady na pumansin sakin kanina.
"Excuse me, sir. Pero sya po ang bago nating student. Galing po sya sa US at ngayon lang dumating." Napatingin sa akin yung principal at biglang ngumiti na parang nahihiya.
"Ay? Ganun ba?" Sabi nito sabay kamot sa batok nya. "Hindi ko alam, pasensya na, pagod kasi kami dito eh. Basta feel yourself at home." Sabi ulit nito at umalis na kasama ang isang staff doon.
Lumingon ulit ako kay 'pretty lady' at binigyan sya ng smile. "Anyway, my name is Ms Drea. I'm one of the guidance council of your level." She's speaking in english, mind as well na ako na rin.
Nilahad nya ang kamay nya sakin, "Hi Ms Drea, my name is Louise Cruz. Lee is my korean surname."
Nag shake hands kami ni Ms Drea. Nag-usap din naman kami, nalaman ko din na laking States din pala sya kaya fluent sya sa English. Isa syang funny person, kaya siguro mabilis ko syang makasundo.
"Anyway, ehto na yung schedule and dorm number mo. Tapos yung uniform mo ehto na rin." Binigay sakin ni Ms Drea lahat ng iyon.
"Pwede na po ba ako umalis?" Tanong ko. Di naman sa bastos ah, sadyang may jet lag lang talaga ako. Kelangan ko ng tulog!
"Sige sige. Alam ko naman na pagod ka. Pero, alam mo ba kung saan mo hahanapin dorm mo? Nga pala, may ka-share ka din dun na apat na tao."
Dun ako nagulat. Shet! Shet! Shet! Nakalimutan kong all boys school nga pala ito, at lalaki ang peg ko ngayon! Damn it!
"A-Ah sige po. Kaya k-ko na siguro." Ayan tuloy, nauutal na ko. Buiset!
"Sige, good lu- Ay wait! Zedrick!" Tinawag nya ang isang lalaki.
Tumalikod ako at nanlaki ang mata. Mga atengg! Ang pogi ng fafa sa harap ko! My feels, kelangan i-control ang sarili! Baka mabunyag ako sa unang araw sa school na itey!
Ngumiti sya ng nakakamatay, "Yes, Ms Drea?" Okay, I'm dead. @_@
"Kasi new student natin dito si Louise. Actually, sya yung bago nyong room mate. Hope you don't mind na ituro sa kanya ang dorm nyo?" Oh shetness! Isa pala sya sa mga ka-dorm ko. I wonder kung pogi din yung tatlo?
Humarap si fafa Zedrick sakin with a smile, "Sure. No problem."
Nag paalam na kami kay Ms Drea at kasalukuyan kong kasama mag lakad dito sa hallway si Zedrick. Medyo awkward teh...
"Ehem. Uhm.. my name's Zedrick Gutierrez. Half Pilipino, half Korean. You are?" Pakilala nya sakin.
"Uhh.. hi. Ako pala si Louise Cruz. Same din ako ng lahi." We shook our hands.
"Anyway, andito na pala tayo sa dorm. Number 303. Soo.. ready to go in na?" He asked.
I inhaled a long breath. Once he twist the doorknob, my normal life will change.
I nodded.
I counted to three... and there he twisted the knob.
BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Teen FictionPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?