First Day of School
"Hello sa lahat, my name is Louise Cruz, 17, and I just currently transferred here from US. Hope we'll go along well." Nag bow ako after mag pakilala.
Umupo ako sa may bandang likod, as instructed by our adviser. Jusko~ Bakit halos lahat ng classmate ko eh pogi? Don't tell me nung nag paulan ng kagwapuhan si Lord, eh silang lahat ang sumalo?
Di man lang nag share... Tsk.
Marami-rami din akong napapansin na dumadaan ang tingin sakin. Para bang ngayon lang sila nakakita ng tao.
Siguro hindi tao ang tingin nila sa mga kasama nila dito sa room..
Yeah I know, nonsense.
Medyo boring ang klase since advance na rin naman kami sa US. Sinubukan ko na lang makinig kahit antok na antok na ako.
"Okay, class dismissed."
Para bang isang magical words na bigla na lang sasaya ang mga estudyante pag narinig yun.
Nag ayos nako ng gamit at lumabas ng room. OP yata ako eh. Lahat kasi sila may mga ka-tropa, samantalang ako, outcast ang peg.
Pumunta na ko sa locker ko, kumuha ng ibang gamit at sinara na ulit ito.
Habang naglalakad na ko sa hallway, may biglang umakbay sa balikat ko. Nagulat ako at agad tumingin sa may-ari nito.
"Hi Louise!" Nakita ko ang ngiti hanggang tenga ni Jacob. Nasa likod din namin sila Zedrick, Alex at Jared.
"Hi Jacob." Bati ko din sa kanya.
"Sabay-sabay na tayo bumalik ng dorm. Mag-kakasama naman tayo dun eh." Tumingin ako dun sa tatlo. Nodding with smile si Alex at Zedrick. Si Jared naman, the usual poker faced guy.
Pathetic...
Eh?
Ah ewan! -___-
Sabay-sabay na kami bumalik sa dorm. Dahil sa kapaguran namin, nagpa-deliver na lang kami. Si Alex na ang nag pick-up sa school gate.
While waiting, nanood muna kami ng tv. Si Jacob naman, napapasigaw habang naglalaro ng The Walking Dead sa PSP nya.
I chuckled because of his childish behavior. Daig pa ang 5 year old kid na sumisigaw sa sobrang tuwa.
Eh sya? Sumisigaw pag nagugulat. Iba talaga ang ugali ni Jacob, nakakatuwa syang kasama, para bang sya yung bunsong kapatid na hindi ako nagkaroon.
Sumimangot sya nung natalo ulit sya. "Hayy, nakakainis naman kasi tong game. Nakakatakot kasi mga mukha nung mga multo." Ang cute ng pout nya. Sarap pisilin ng cheeks!
"San ka ba nakakita ng multong hindi nakakatakot?" Tanong ni Alex habang papasok ng dorm. Nilapag nya yung pizza sa center table. Sumimangot nanaman si Jacob. Childish talaga eh noh.
"Bakit? Hindi naman lahat ng multo namatay sa marahas na daan ah? Yung iba namatay sa sakit!" Tumingin sakin si Jacob at sumenyas ng pleading look.
Ahh... Nagpapa-resbak sakin to.
Hahaha. "Nga naman, Alex. Kung nabibigay ang common sense, kanina pa kita binigyan." Tumawa ng malakas si Jacob at Zedrick.
"Ewan! Palibhasa dumating si Louise eh, kayo nanaman ang mag tteam-up sakin." Pati si Alex nag-pout. Hahaha! Ang cute talaga nilang tingnan.
"Psh, shut it Alex! Tama na ang isang baby dito sa dorm.." Pinatamaan ni Zedrick si Jacob, na tinamaan naman talaga.
"Heh, I hate you kuya Zedrick."
"Yah! Would you stop calling me that? Months lang ang tanda ko sayo noh!"
"Tumigil na nga lang kayong dalawa diyan. So childish..." Bulong ko. Biglang lumabas ng kwarto si Jared.
O.O
At hindi talaga nakakatuwa yun...
He's only wearing his boxers!
And damn those 6 pack abs!
Hindi talaga ako maka get-over dun! May bigla namang lumipad na unan at sakto ang tama sa mukha ni Jared.
"Takte ka, Jared! Wag ka nga mag model dito ng abs mo! Kumakain kami eh!" Inirapan sya ni Jacob at pinagpatuloy kumain.
Ako?
Ehto nga-nga pa din!
Lord, pigilan nyo kong reypin-- este patayin tong si Jared! Hindi ba nya alam na may babae dito?!
'Tanga! Nag papanggap ka nga na lalake eh!' Sigaw ng isang maliit na boses sa utak ko.
Oo nga pala. Ako yata ang may kailangan ng common sense eh.
"Tsk. Inggit ka lang kasi bunso." Binato pabalik ni Jared ang unan kay Jacob. Umiwas naman ito at sinamaan ng tingin si Jared.
"Tigil-tigilan nyo nga yan." Sabay na sinabi ni Alex at Zedrick. Parang ewan lang na umupo sa tabi ko si Jared at kumuha ng pizza slice.
Napansin nya yata na nakatitig pa rin ako sa kanya. Bigla syang nag-smirk at lumapit sa akin.
"Like what you're seeing?" Tinaas, baba nya ang kanyang kilay. Nagising naman ako sa katotohanan at tinulak palayo ang mukha nya.
Sheett! Ang pogi talaga! Bakit kasi apat na pogi pa ang nakasama ko sa dorm? Sobrang blessings na ito!
"In your dreams, Jared." Reply ko at humarap na sa video game ni Jacob.
Napansin ko ang pag iling nya at naramdaman ko ang pag lapit ng bibig nya sa may tenga ko.
"Sabihin mo, kinikilig ka kasi bakla ka." Sinamaan ko sya ng tingin.
"Di nga? Baka ikaw ang bakla, Jared. Para ka kasing tanga diyan na shirtless at pinaparada ang abs mo para mapansin namin'g mga GUYS. Oh diba? Asan ang point ko?"
Halatang nainis sya sa comment ko kaya lumayo na lang sya.
Saktong tumingin si Zedrick sa amin, napansin sigurong tahimik kami ni Jared.
"Bakit parang ang tahimik nyong dalawa?" Tanong ni Zedrick.
Natawa ako sa expression ni Jared habang tinitignan ako ng masama. If looks could kill, I'll be probably dead as of now.
Binigyan kami ng weird look ni Zedrick. Lumingon din si Jacob at Alex matapos i-pause ang game dahil sa curiousity.
Natatawa-tawa akong tumayo para pumunta sa kwarto ko. "Wala yun. Tuloy nyo lang yan."
Tumingin si Jared sakin. "Hoy! Anong wala-- HMPFFMM!"
Sinubo ko sa kanya ang natira kong pizza at nag walk out ng tumatawa. Narinig kong nag chuckle yung tatlo sa labas.
Naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko sa bulsa ko. Kinuha ko ito at binasa ang text.
Bar hopping tonight?
Eh?
Message from Katrine.
Whutduh--!
~~~~~
Update ulit!
Thanks sa pagbabasa. Votes and comments are highly appreciated! =D Stay safe sa lahat!
BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Teen FictionPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?