SINGIT EFFECT PRESENTS: Ang Lovelife ni Katharine
M.M.'s POV.
"HAHAHA!" Nagtawanan kaming mag pipinsan. Nangunguna si Gemar sa pagtawa, halos mamatay naman kami nung iba sa kakatawa.
Isang araw ng Sabado at wala kaming ginagawa. 10 am in the morning na at nakatambay kami dito sa Starbucks. Napag desisyunan namin na magkita-kita dahil gagala nanaman si Gemar sa Italy.
Lakas din ng sapak nyan. Kahit school days, may guts talaga syang gumala overseas. Lagi naman nyang niyayabang yung good looks nya eh, sa pogi daw nya, NEVER daw syang papagalitan ng teachers.
Asa naman, eh pingot sa tenga inaabot nya sa nanay nya eh.
"Grabe. Naalala nyo pa ba nung gumulong sa hagdanan si Katrine? Hahaha! Napag-sabihan pa sya nung isang lalake eh!" Tumawa nanaman kaming lahat. Pinapalo ni Katrine si Gemar habang tumatawa sila, halos makuha na nga rin namin yung mga atensyon ng tao dito.
"Nakakainis ka Gemar! Tumigil ka nga! Baka bunutin ko lahat ng ngipin mo diyan eh!" Humalukipkip si Katrine matapos nyang paluin si Gemar.
"Hayy nako, Katrine. Hilig mo din kasi mag swimming sa sahig. Pero mas epic pa rin nung lumipad tsinelas mo sa hallway natin." Natawa sa Abby sa memory na yun. Ayan nanaman ang mga tawa namin.
Naalala ko yun. Kasama nya akong tumatakbo sa hagdanan pabalik sa room namin. Tuwang-tuwa pa sya nung mga oras na yun. Nasaktuhan naman na nag m-mop yung iba naming batchmates sa hallway.
Eh sadyang dakilang tanga sya, sinabihan ko na ngang madulas, gora pa din sa running. Ayun, pinulot sya sa sahig. Mga limang minuto ko syang tinawanan at nakalimutan na rin tulungan tumayo.
"Tsk! Nakakainis talaga kayo! Bakit ba puro ako na lang napapansin nyo? Pwede naman si- AY WAIT!" Napatigil kaming lahat. Tumingin si Mary sa kanya with a questioning look. Tinuro ni Katrine ng nguso nya ang katabi ni Mary.
"Ahhh..." Naintindihan na namin ang tinutukoy ni Katrine. Kung tutuusin, kanina ko pa sya napapansin na ganun. Lutang na parang ewan. Tatahimik na lang bigla tapos hindi nakikitawa sa amin.
"Ehem." Umpisa ni Mary. "Ate? May problema ka? Lalangawin ka na sa istatwa mong itsura eh."
Nagulat naman si Katharine kay Mary. Para tuloy multo si Mary na bigla na lang sumulpot sa harapan nya.
"H-Hah?" Ay? Wala syang alam sa paligid nya? Hindi nga yata nya alam na nagtatawanan na kami eh.
"Ay? Earth to Katharine.. Yow?" Inaasar-asar na sya ni Gemar.
"Bakit ba ang tahimik mo?" Diretsang tanong ni Abby.
"Wala..."
"Washu~ Ayaw mo nanaman mag share diyan. Tsk. BH ka no?" Tinaas-baba ko ang isa kong kilay. Hahaha! Caught off-guard, my dear!
"Ano nanaman yang 'BH' word mo hah?" Tanong nya. Halatang ayaw nya talaga magsabi. Luh! Nagiging secretive nanaman tong nilalang na ito.
"BH means BROKEN HEARTED." Explain sa kanya ni Katrine. Sumimangot naman si Katharine. Hah! Alam na!
"Bakit? May syota na ba si Kent?" Tinanong sya ni Mary. Bigla naman dumilim ang mukha ni Katharine, halatang naiinis na ewan sya.
"Wag nyo na nga lang akong tanungin. Hindi naman sya yung rason eh." Humarap sya sa may labas ng bintana at hindi na kami pinansin.
Pero sorry sya, hindi kasi kami satisfied sa sagot nya. It took us minutes ulit para makausap si Katharine. Ayaw nya kasing umamin na busted sya kay Kent.
BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Teen FictionPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?