SINGIT EFFECT PRESENTS: Ang Lovelife ni Mary
Mary's POV
"Mary Angela!!"
"Ay kalabaw!"
Nagulat ako ng biglang may sumigaw sa hallway habang naglalakad ako papasok sa classroom namin. Tumalikod ako at nakita si Katrine na tumatakbo at may malawak na ngiti, nasa likuran naman nya si M.M. at Katharine.
"Good morning, Mary!" Tsaka nya ko nilagpasan at pumasok na sa room namin. Luh? Nu kaya problema ng loka-loka ngayon?
"Pagpasensyahan mo na yung pagiging wild nya ngayon, lakas ng tama sa something eh.." Sabi ni M habang natatawa-tawa.
Something? "Huy! Alam nyo naman na bawal sya dun! Strict kaya parents nya!"
"Hala, eh ano ba magagawa namin? Nangyari na eh. Tsaka, hindi naman siguro mahahalata nila tita at tito kung aasta syang wala lang." Sabi naman ni Kaharine.
"Eh baka maamoy yung hininga nya..." Sabi ko with concern.
"Hininga?" Nagtaka ako kung bakit nila ako binigyan ng questioning look.
"Bakit? Hindi ba sya lasing?" Nagkatinginan yung dalawa at biglang tumawa ng napakalakas. Natumba na rin sila sa hallway habang hawak ang kanilang tiyan sa kakatawa.
Halos pagtinginan na kami ng mga estudyante sa hallway dahil sa ingay na ginagawa nung dalawa kong pinsan. I frowned a little while waiting for them to stop laughing. Pinunasan nilang dalawa ang mga luhang tumulo sa kanilang mata dahil sa kakatawa.
Tumayo si M.M. "Woo! Akala ko nakukuha nya tayo, hindi pala!"
"Oo nga eh!" Tumingin ako sa dalawa with a cautious look.
"Malay ko ba! Ano bang meron sa kanya?" Nagtinginan ulit yung dalawa. Maya-maya, isang palabirong ngiti ang tumambad sa mga labi nila at sabay tumingin sa akin.
"SECRET~"
"Hala! Andaya nyo!"
------
Isang boring subject ng History class namin. Tulog si Katharine at M.M. dahil andito kami sa likuran at hindi kami napapansin ng teacher. Si Katrine naman, ayun may sinusulat na kung ano sa notebook nya, malamang bored na rin. As of now, si Abby ay nakikinig ng mp3 nya ng palihim sa tabi ko. Laking pasaway din ito.
Ako? Nga-nga. Hindi ko kasi feel mag lesson ngayon. Para bang drained masyado yung energy ko. Wala akong planong makipag-kulitan dito sa mga pinsan ko mamaya. I heard din na babalik ni si Gemar from his Italy trip, na saksakan ng daya at hindi man lang kami naisipan isama. Buiset sya -,-
"Okay, class dismissed." Lumabas na yung teacher namin at sumunod na yung ibang mga classmates namin.
Kami na lang magpipinsan ang natira dito sa room. Kahit ako ay walang balak umalis, dahil sadyang dakilang tamad ako ngayon. Nagising si M.M., ngunit instead na lumabas ay natulog muli sya.
"Ang boring naman..." Reklamo ni Katrine.
"Punta tayo canteen?" Biglang nagising si Katharine at nag salita.
"Eh, daming tao dun." Biglang reply ko.
"Eh kamo-" "HELLO GIRLS!!!"
BOOGSH!
Napatingin ako sa harap nang may sumigaw papasok ng room. "Hi Chanyeol!" Narinig kong bati ni Katharine.
May sumunod na 11 guys sa likod nya. Literal na jaw drop ako at hindi makapaniwala. Grabe, parang mga model na lumabas sa magazine!
"Hi Luhan!" Masiglang bati ni Katrine. Hmm... Kaya siguro sya hyper dahil sa Luhan na ito. Now I know...
"Ano ba yan..." Nakita namin na tumayo galing sa sahig si M.M. at Abby. Hahaha! Malamang nagulat sila doon sa sigaw nung matangkad na lalake. Sarap kasi ng tulog ni M samantalang si Abby naman ay naka-headset. Biglaan yung entrance eh.
"Oh, who do we have here?" All eyes were on me. Hindi na ako nagulat dahil alam ko naman na ako lang ang may hindi kilala sa kanila.
"She's another cousin of ours, Kris. Her name is Mary." Sabi ni M.M.
"Hi, nice meeting you. My name's is Kris." He gave me a warm smile that will totally put me down. I can't believe na may mga poging lalake ang nasa harapan ko ngayon at isa-isa nagpapakilala.
So on and so forth. Sa dami nila ay medyo nahirapan akong i-memorize ang mga names nila. Pero sabi nila, sooner or later, kilala ko na daw silang lahat.
"Huy, kain tayo sa canteen! Nagugutom na ako!" Nagrereklamo na daw ang tiyan ni Tao. Magsama sila ni Chanyeol sa katakawan.
"Kain na tayo. Gutom na ba kayo?" Nagtanong sa amin si Baekhyun.
Nagkatinginan na lang sila at saka tumango.
-----
Ayoko ng masyadong crowded. Andito ako ngayon sa may school garden at nagpapalipas ng oras matapos magbasa ng wattpad. Walang masyadong pumupunta dito sa school garden dahil sa paniniwala nilang may multo daw dito. Pero never ako naniwala sa mga tsismis nila.
Maganda ang sikat ng araw ngayon. May mga paro-paro na lumilipad sa bawat makukulay na bulaklak.
Nakaupo ako sa isa sa mga bench dito sa garden. Malawak itong lugar na ito at pwede din maupo ang mga estudyante sa damuhan.
"Bakit mag-isa ka?"
"Ay butiki!" Damnit! Sino ang putapeteng tao ang gumulat sa akin?!
"Ganun ba ako kapanget para sabihan mo ng butiki?" Lumingon ako sa aking likuran at nakita si Baekhyun na may pa-inosenteng tingin.
"Eh bigla-bigla ka na lang kasi susulpot eh! Sino ba naman hindi magulat sa ganyang ugali mo?" Tinarayan ko sya.
"Ehto naman si Mary, hindi mabiro. First meeting, bad impression ako. Hayyy..."
"Kasalanan mo rin yan." Sabi ko at iniwas na ang tingin ko sa kanya.
"Harsh naman neto. Kung hindi ka lang maganda eh.." W-What? Maganda? Did I heard him right?
Is that a compliment?
"Anong sabi mo?" Tinitigan ko sya. I can feel the heat on my face.
"Sabi ko, kung hindi ka lang maganda." Diniin pa nya talaga sa akin yung mga sinabi nya kanina.
"A-Ano?" Nauutal na tanong ko.
"Ehdi pinatulan na kita." Takte!
"Ganun? Masyado ka naman. Tsk, di ka uunlad kapag ganyan ang ugali mo."
"Pero wag ka-" Pinutol ko ang sasabihin nya. "Wag akong ano?"
-,-
"Ikaw lang ang babaeng nakausap ko ng maayos."
Dug dug...
Dug dug...
Ay?
Bakit parang biglang uminit ng bonggang-bongga?
BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Teen FictionPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?