Kidnapped for a Night Out
*Flashback*
"Seriously, Katrine?! Alam mo naman ang istasyon ko sa buhay ngayon!" Inis kong sabi sa kanya. Kahit kelan talaga tong mga pinsan ko, saksakan ng tigas ang mga ulo.
"Don't you like it? Kahit papaano makakapag-release ka ng stress. Hirap kaya magtago sa dilim!"
"Release ng stress? Eh lalo nga akong na-stress sa balak nyo eh!" Jusko~ Bagong estudyante pa lang ako dito, eh parang mapapatalsik din ako in no time.
"Umayos ka nga! Tsaka andito naman si M.M. at Abby para sayo eh. Trust me, kaya ka nilang itakas diyan." Nabatukan ko na siguro ito kung nasa harap ko ngayon.
"Tungak! Eh pano kung mahuli sila sa CCTV? Ehdi bye-bye-world kaming tatlo nyan? Malalaman pa nila na babae ako?" Come to think of it, hindi pa nya yata pinagisipan ito bago sabihin sakin eh. -______-
"Oh come on, LJ baby. As if naman hindi pa natin ginagawang tumakas noon sa States diba? Hindi nga sila nahuli ni tita at tito eh." Sabagay, totoo yung sinabi ni Katrine.
"Bahala na nga!" At hindi na rin ako nag salita ulit!
"Great! Pupunta kami diyan mamaya, 8 ang time so be ready. It's Friday baby!!!!!"
*end of flashback*
Kasalukuyang mag-isa ako dito sa dorm. Yung apat yata eh umalis, wapakels na lang ako kung asan sila.
30 minutes before mag 8 pm. Gaya nga ng sinabi ni Katrine kanina, never pa nahuli nila mama at papa si M.M. at Abby na tinatakas ako nung nasa States pa kami.
May ninja moves kasi yung dalawang yun. Hindi na kami nagugulat kung isa sa kanila ang bigla na lang mawawala at susulpot na parang kabute.
Before ko kasing gawin itong plano ko, ay sinabi muna namin ni Jeremy ito sa mga pinsan ko dito sa Korea.
Nung una, hindi pabor si Mary sa gagawin namin. Pinigilan lang sya ni Abby kasi no choice rin naman kung sya ang nasa yapak ko ngayon.
Balik tayo kay M.M. at Abby.
Ni-minsan, inisip ko na under yata sila ni Katrine. Kahit mas matanda pa ng ilang months yung dalawa sa kanya.
Kahit kelan kasi, matigas talaga ang bungo ni Katrine. Mabait yan, oo, pero may times na may topak din. Pala-tawa, at big fan ni IU. Kaloka nga lang pag narinig mo ang boses nyan...
Si M.M. at Abby, halos the same ang ugali. May oras na tahimik, may oras na maingay at wild. Pero wag kayo, masama magalit yung dalawang yun. Papatay at papatay sila kung kinakailangan.
Shudders...
Si Mary naman ang pinaka innocent actress samin. Mabait sya at mala-anghel yan. Friendly at protective. Para ko nga syang nanay eh, ayaw akong pinapalapit sa mga boys.
Eh sorry na lang sya ngayon. Apat na poging lalake ba naman makasama ko sa dorm eh.. Ehto nanaman ang pagiging sadista ko eh.
Si Katharine, ang pinaka wild samin. Wild? Yung napaka kulit at madaldal. Once na alam nyang awkward yung atmosphere, she'll really find a way to ease it. That's what I like about her.
At last, ang isa naming lalake na pinsan. Dami namin noh? Hahaha!
Si Gemar. Sabihin na nating sarcastic sya, rude sya kung ganun din ang ugali mo sa kanya. Pero sya lang ka-close namin sa lahat ng pinsan namin na guy.
Kahit ganun ang outer attitude nya, he's very warm and caring inside. Kahit isa lang sya, nagagawa pa nya rin kaming i-monitor na anim.
Para syang may laser sa mata na pag tinitigan mo ito, bigla ka na lang matatakot sa kaba. Hilig din kasi nun ang pakikipag basag-ulo.

BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Teen FictionPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?