Awkward
LJ's POV
"Alex, paano ito?" Tinuro ko ang isang math problem sa libro ko. Medyo nahihirapan kasi akong maki-catch up dahil kung ano-ano ang ginagawa ko.
"Madali lang. Ehto turo ko sayo." Nag start syang sabihin sa akin kung paano i-solve yun. At first, hindi ko talaga makuha, pero kahit papaano, hindi naman short tempered si Alex para turuan ako.
"Thanks, Alex." Nginitian nya lang ako at ginulo ang buhok ko. Muntik nga matanggal sa hair pin yung wig ko, buti na lang at nahawakan ko yung sa may batok. Luhh~
Pero teh, ampogi ng ngiti ng kuya mo. Hahaha! Teka, baka ma-reveal ang totoong katauhan ko dito. Hindi maganda yun.
"Class, finish or not, I want you to pass your papers now." Isa-isa naman tumayo ang mga studyante para ipasa sa teacher namin yung quiz namin sa math.
Sakto ang ring ng bell. Agad naman nag impake ang lahat ng mga classmates ko ng kani-kanilang gamit. Slowly, ako yun. Mabagal ako mag impake ngayon sa hindi malaman na dahilan. Para kasi akong napapagod.
"Louise, bilisan mo naman diyan oh. Bagal eh." Nakita ko si Jared sa harapan ko, naghihintay sya habang nasa bulsa ang pareho nyang kamay.
"Ehdi mauna ka na umuwi." Sabi ko sa kanya. Tsk, hindi na naman ako bata para hintayin nyang umuwi.
"Eh. Papagalitan nanaman ako ni Zedrick pag hindi kita kasama umuwi. Baka sabihin nun, inaapi nanaman kita." Hindi sya nakatingin sa akin nung sinabi yun.
"Drama mo. Sigurado ka bang hindi ka bakla?" Napatingin sya sa remark ko. Tinaasan nya ako ng kilay at nag-smirk.
"Ako, bakla? Hah, baka ikaw. For all we know, baka ayaw mo lang talaga umamin kasi matatanggal ka sa school na ito AT matitigil ang pag-nanasa sa mga lalake dito."
"At least sila, may appeal." Comment ko habang nag-aayos ng gamit.
"Mas may appeal naman ako sa kanila." Tumingin ako kay Jared. Naka-pose sya ng mala-Superman ang peg. Tsk, halatang proud sa sarili nyang comment.
"Sa pagkaka-alam ko, sarado yung mga bintana. Pero bakit mahangin pa rin?" Natawa sya.
"Kasi nakabukas pa yung aircon?" Tumingin ako sa kanya. He has that proud smile on his face. I looked around the room, and damn he's right.
He got me there -,-
------
Nakauwi kami ng hindi naging bits and pieces. Paano naman kasi, wala kaming ibang ginawa ni Jared kundi mag-asaran habang pauwi sa dorm. Inaasar pa rin talaga nya akong bakla. Tsk, kainis talaga.
Pumasok kami sa dorm at nakita yung tatlo na nanonood ng tv. 5 pm na ng hapon nung makauwi kami. Pumunta muna ako sa kwarto ko para magbihis.
"Jared! Wala na yatang groceries eh. Punta muna kaya tayo sa market?" Narinig ko yung boses ni Jacob galing sa sala.
Agad akong nagbihis ng damit. Kumuha din ako ng beanie since malapit na mag gabi at malamig na sa labas.
Lumabas ako ng kwarto at nakita silang lahat na nakabihis. "Tara?" Tiningnan ko lang si Zedrick at tumango.
------
Nakarating kami sa market. Nilakad lang namin ito dahil konti lang naman ang distance sa school namin. Napagtripan pa nga namin si Alex.
Binitbit kasi sya ni Jared at Jacob at hinagis sa isang pile ng snow. Literal talaga na tili ang nangyari kay Alex. Hinabol nya yung dalawa hanggang sa mapadpad na sila sa market. Tumawa na lang kami ng malakas ni Zedrick.
BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Novela JuvenilPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?