34. Drugged

86 1 0
                                    

Drugged

LJ's POV

Agad namin sinugod sa hospital si Abby nung dumating ang ambulansya. Nagulantang nga ang buong party dahil sa nangyari. Pati yung adviser nila, hindi malaman ang gagawin dahil sya rin ay nagulat sa nangyari sa estudyante nya.

Out of the Exo members, si Lay at Kris lang ang sumama sa amin pati na rin si Katrine at M.M. The rest ay naiwan para pag-usapan ang nangyari sa school at makakuha ng more info sa nangyari kanina.

"Bakit ba ang tagal lumabas ng doctor?" Paikot-ikot si Lay sa hallway ng emergency room at literal na hilong-hilo na ako sa ginagawa nya.

"Chillax Lay, I'm sure malapit na rin matapos yung examinations nya. Magiging okay din si Abby." Pag-assure ni Katrine kay Lay. Nabuhayan naman ng loob si Lay doon at naupo na lang.

Worried na rin ako para sa kanya. Wala naman kasi syang history ng sakit or what para mangyari ito sa kanya. Nakita ko kung gaano sya kaputla at halos wala ng buhay sa girls' bathroom kanina. Naawa nga ako kay Lay dahil worried na sya kay Abby at halos hindi mapakali sa kakaikot.

Bumukas ang emergency room at lumabas ang doctor ni Abby. Agad kaming nagsitayuan at lumapit sa kanya. "Doc, kamusta po yung pinsan ko?" Tanong ni M.M.

Tinanggal nung doctor ang face mask nya. "Base from our examinations, may drugs sya na nainom na nakahalo sa ininom nyang juice."

"A drug?" Kris asked with widened eyes.

"Yes, and basically, it is very dangerous dahil unfamiliar sa katawan nya ang gamot na iyon, causing para mamanhid ang buong katawan nya at mahirapan huminga." Tinakpan ni Katrine ang kanyang bibig at halatang iiyak na. Pinatahan naman sya agad ni M at pinaupo muna. Agad naman syang bumalik para kausapin ang doktor.

"Eh doc, kamusta na po ba si Abby? Okay na po ba sya?" Tanong ni Lay.

"She's doing fine, Mr Zhang. She's currently sleeping at na-drain na rin lahat ng drug na napasok sa katawan nya. But yet, she has to stay for another week for more tests and medication."

Lay exhaled and shooked hands with the doctor. "Thank you, doc."

"Can we see her now?" Tanong ni M.

"Yes, she's in room 301."

------

"Dafuq! Eh saan naman manggagaling yung drug na yun?" Inis na saad ni Kris habang paikot-ikot sa loob ng kwarto ni Abby.

"Yun nga eh. Imposible naman na may alcohol din yung drinks dahil mga highschool palang tayo." Sabi ko naman. Ilang oras na kaming andito sa hospital. Umuwi muna kami saglit at nagpalit ng damit at agad din naman bumalik.

"Nasabi mo na ba sa iba?" Tanong ni M kay Lay. Tumango si Lay. "Oo, papunta na din daw sila. Tinatapos lang yung investigations sa school."

"One in the morning na rin guys, bakit hindi muna kaya kayo mag pahinga? Ako na bahala dito." Dagdag ni Lay.

"Tsk, okay lang kami pre. Pabayaan mo muna kami dito. Kayo girls? Hindi pa ba kayo inaantok?" Tanong naman ni Kris sa amin.

"Okay lang kami ni LJ, nocturnals kami eh. Ewan na lang kay Katrine na- Ay, tulog na pala." Natawa si M, at sinundan na rin ito ng tawa namin nila Lay at Kris.

Tsk, kahit kelan talaga antukin yan si Katrine.

"Iuwi muna kaya si Katrine? Mahihirapan matulog yan eh. Reklamador pa man din yan sa umaga." Sabi ko. Sumang-ayon naman kami.

"Sige, ako na mag-uuwi sa kanya. Mag bantay na lang kayo dito. Babalik na lang ako agad." Kinuha ni Kris ang car keys nya at binuhat si Katrine na bridal style.

"Bet, mag handa ka na ng pera LJ. Baka tayo pa ang magpa-therapy kay Kris pag nabalian ng tailbone yan." Binato naman ni Kris ng unan si M.M. at natawa na lang ang magaling kong pinsan.

"Tigilan. Siguraduhin mo na sagot nyo talaga ni LJ ang hospital fees ko hah." Sabi ni Kris bago umalis ng kwarto ni Abby.

"Oy Kris! Alam mo na ba bahay nila Katrine?!" Sigaw ni LJ.

"Oo!!" Sigaw ni Kris galing sa labas. Nag echo naman ang boses nya sa hallway at nakarinig na lang kami ng pintuan na bumukas.

"Hijo, nagpapahinga na ang mga pasyente. Sa laki mong yan, hindi mo ba alam na malakas ang boses mo?" Sabi ng isang babae sa kabilang kwarto.

"Ayy, pasensya na po." Narinig namin galing kay Kris. Sumara na ang kabilang kwarto at mukhang umalis na rin si Kris.

Nagkatinginan kaming tatlong natira dun at tumawa ng malakas.

"Lakas tama talaga kayong dalawa mag pinsan." Sabi ni Lay habang umiiling na may ngiti sa kanyang labi.

"Say naman ni Kris. Haha! Pinahiya lang naman nya yung sarili nya sa labas." Sabi ni LJ. Sinundan nanaman namin iyon ng isang round ng malakas na tawanan.

------

"Owwkayy~ So meaning, may nag lagay ng gamot sa inumin ni Abby at hindi pa natin alam kung sino ang may gawa nun?" Sabi ko. Sumunod kasi si Chen dito a few minutes nung umalis sila Kris at Katrine. Ibinalita nya sa amin ang mga nangyari.

"Pero yun nga ang tanong, sino ang nag lagay nun." Sabi ni M. Napakamot sa ulo si Lay at halatang nagiisip ng mabuti.

"Lay, wala ba kayong matandaan na nakaaway ni Abby or may galit sa kanya?" Tanong ko.

Umiling si Lay, ganun na rin kay Chen.

"Eh sa tingin nyo sinong may possibility na gawin ito aside sa mga nakaaway nya or may galit sa kanya?" Sunod na tanong ni Chen.

"Kung ako siguro, si Michelle. Eh lagi kasing mainit ang dugo nya sa amin eh. Sya rin ang may cause ng gulo minsan kapag naiinis sa isa sa amin." Saad ni M. Napatigil naman si Lay doon sa comment ng pinsan ko at agad na may tinawagan sa cellphone nya.

"Hello attorney." Umpisa ni Lay.

"Ay sosyal, may lawyer? Sige sya na.." Mahinang bulong ni M. I giggled dahil sa kakulitan nya.

"Yes, actually I want to ask your help. I want you to hire an investigator and investigate Ms Michelle Ramos. I'll pass out some information about her." Nakikinig na lang kami sa mga sinasabi ni Lay sa lawyer nya.

"I want you to investigate, kung nasaan sya at anong ginagawa nya during the night of December 13. Also yung mga naka interact nyang mga tao."

"I'm counting on you, Mr Lee. Thank you." Right after that, he hung up the phone.

"Investigate? Are you sure that's a good idea, Lay hyung?" Tanong ni Chen with a little hesitation.

"Well, we don't have any choice though. Kung hindi sya, fine abswelto sya. But if this has something to do with her, ehdi bye-bye sya." Lay looked serious with his comment.

Boom! Whoever did this, ay nakatapat na talaga ng katulad ni Zhang Yixing a.k.a. Lay.

Weh? Di nga? You're a GIRL?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon