Ehto po yung story ni LJ at ni Pick-a-Boo nung mga bata pa lang sila sa USA.
Enjoy reading this part guys!
- epicHigh -
Pick-a-Boo
"Pick-a-Boo!"
"Ay panget!" Naihagis ko ang hawak kong notebook sa gulat at takot. Naman! Ginulat nanaman nya ako. Nakakainis talaga sya.
"Ganun ba ako kapanget para magulat ka?" Tanong nya ng pa-inosente.
"Ikaw talaga! Lagi mo na lang ako ginugulat!" Sa takot at kaba ko kanina, napaiyak na lang tuloy ako ngayon.
"Hala! I didn't mean to scare you!" Nag papanick sya sa state ko ngayon. I wonder kung paano ko sya naging bestfriend.
"You didn't mean it again? But you always scare me! Wahhhh!" Lalo akong umiyak. Hmpf! Lagi na lang kasi talaga nya ako ginugulat. Di na nakakatuwa.
"This will be the last, bestfriend! Promise, I won't scare you anymore!" Nag sosorry sya sa akin.
"Tsk! I hate you na talaga, pick-a-boo! You always say 'this would be the last', but you're still doing it!" Iniwas ko sa kanya ang tingin ko at sakto naman na nakita ko ang mga pinsan ko na papalapit sa amin.
"Kuya Gemar!!!!" Para naman syang nabingi dahil napangiwi sya nung sumigaw ako. Pero nung nakita nya akong umiiyak, biglang naging seryoso ang mukha nya.
"Oh? Bakit umiiyak ang pinsan ko?" Lumapit sila sa akin. Pinunasan ni Gemar ang mga luha ko habang nakikinig sa sagot ko.
"Si pick-a-boo kasi! Tinakot nanaman ako! Wahhhh! Nakakainis na sya!"
Umupo si Mary sa tabi ko at tinignan si pick-a-boo, "Ikaw talaga pick-a-boo, ginulat mo nanaman si LJ. Alam mo naman kung gaano ka-sensitive yan eh."
"Hoy, pick-a-boo! Mag sorry ka nga kay LJ! Ikaw na lang laging cause kung bakit sya umiiyak at inaatake ng hika after..." Binulong ni Katrine yung last part, pero enough lang para marinig ni pick-a-boo yun.
"Hala! Sorry talaga! Promise yun na yung last na gulat ko sayo! Promise talaga!" Lumuhod sa harapan ko si pick-a-boo at nag-mamakaawa sa akin.
"Sigurado ka? Last na yun? No more?" Sinasabi ko habang sumisinghot-singhot. Na-onse tuloy yung ilong ko dahil sa kanya.
"Ahhh... Oo? Siguro, bahala na kung trip ko ulit." Hinampas ko sya ng malakas sa braso, dahilan para tumawa ng malakas. "Oo na! Last na yun! Promise!"
"Hoy, lalake! Siguraduhin mo hah? Mahirap syang patahanin kapag pinapaiyak mo. Langhya ka! Sasaktan kita isa pang makita kong umiyak yan dahil sayo!" Sigaw ni Katharine sa kanya. Napatakip naman kaming lahat ng tenga dahil sa lakas ng boses nya.
"So ganun? Naiingayan kayo sa akin? Osige! Ganyanan na tayo!" Lumapit si M.M. at Abby sa kanya, at inakbayan sya.
"Huminahon ka, Katha. Mahirap na, baka atakihin ka pa dahil sa estado mo ngayon." Sabi ni Abby sa kanya. "Oo, Katha. Wala kaming pera pang-ospital sayo. Baka mabaon pa kami sa utang at ikamatay pa namin ang pag hanap ng pera para sayo." Comment ni M.M. na seryoso ang mukha. Tsk ano kaya problema nya ngayon?
"Masyado ka naman, M! Parang hindi tayo mag-pinsan ah!" Humalukipkip sya at sinamaan ng tingin si M.
"Nga ba?" Ngumisi si M.M. at nag simulang tumakbo nung habulin na sya ni Katharine.
BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Teen FictionPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?