2. Plan

248 6 1
                                    

Plan

"Girl, are you sure about this?" Tanong ni Jeremy habang inaayos ang iba kong mga gamit. "Wala na bang ibang plano ang pwedeng pumasok sa kokote mo?"

"Bakla, hindi ko naman to sasabihin kung may iba pa kong idea diba?" Sarkastiko kong sagot sa pinsan ko. Kanina pa kasi paulit-ulit ang tanong nya at mga sagot ko.

"Eh bebe girl naman kasi! Papasok ka sa isang all boys school sa Seoul para mag panggap na guy? Hindi ba kabaliwan yun!" Sabi nya. Habang sinasabi nya yun eh kulang na lang, kainin na ng higaan ko yung maleta dahil sa sobrang lakas ng pagkaka-salampak ng mga damit ko dun.

"I'll be fine, sis. Don't worry about me."

"I know you're strong LJ. But, I don't know what to do pag nalaman ito nila tita at tito. For sure, they'll be devastated to know your decision." He sighed as he sat down on my bed.

Lumapit ako sa kanya and patted his shoulder. "Kaya nga ako aalis agad habang nasa 3 months business trip sila sa Brazil diba? Ako na bahala kumausap sa kanila soon."

Tumayo naman ako sa higaan ko at pumunta sa banyo. Tiningnan ko ang reflection ko sa salamin at ngumiti. Alam kong kakayanin ko itong lahat.

"Jeremy!" Tawag ko mula sa CR.

"Girlalu?" Dungaw nya sa pinto. Nakita nyang hawak ko ang isang gunting at biglang nanlaki ang mga mata nito.

"BEBE GIRL! PWEDE NATIN ITO PAG USAPAN! PLEASE BITAWAN MO ANG GUNTING! DON'T YOU DARE PUT THAT BLADE ON YOUR WRIST... or throat? Bahala na, AH BASTA! DON'T KILL YOUR- Ouch!" Hinampas ko sya ng towel at tinitigan ng masama.

"Wag ka ngang OA! Di pa pwedeng may gugupitin muna? Ang chaka mong bakla." Sabi ko sabay balik ng tingin sa salamin.

"Tanga! Wala ka ngang ginugupit eh!" Reklamo nya.

"Kaya nga kita tinawag, kasi tatanungin kita kung anong magandang gupit na panlalaki."

Inagaw nya sakin ang gunting at tinapon ito sa kwarto ko. "May sapak ka? Eh yang most precious hair mo ang laging sinusuklay ni grandma Mely noon! Tapos ano? Balak mo lang gupitin?"

Sabagay, tama nga naman yung sinabi ni Jeremy. Lagi itong sinusuklay ni grandma Mely bago ako matulog noon. Kaso nung namayapa na sya, si Jeremy na lang ang nagtiyaga para gawin yun. Hindi kasi ako agad nakakatulog pag hindi sinusuklay ang bohok ko.

"Eh anong balak natin?" Binigyan ko syang ng patanong na tingin.

Parang may umilaw na light bulb sa itaas ng ulo nya at biglang ngumiti na parang sira ulo.

"Alam ko na, sistar!"

--------

Nakarating kami sa airport ng maayos. Sinabi ko kay Manang Linda na mag babakasyon lang ako sa China for a month at may balak din ulit mag out of town after.

Tinulungan ako ni Jeremy sa mga luggages ko. Ano nga ba ang nangyari sa bohok ko kanina?

Binigyan nya ko ng wig ng buhok ng lalaki. Inasar ko pa sya na kung baka saan lang nya iyun napulot at nagamit na ng iba, or much worse, baka may KUTO pa. Hahaha!

Tinuruan nya ko kung paano itatali ang long brown hair ko na halos hanggang waist ko na ang abot kapag oras na ng pasukan ko. At ganun na ang ginawa nya sakin.

Ayos naman daw ang height ko, kahit papaano eh mukha naman daw akong lalaki NA.

"Oh girl, hanggang dito na lang ako." Comment sakin ni Jeremy. "Basta, if you need anything just call me and I'll be there without you knowing."

Tumawa ako sa kanya at niyakap sya ng napaka higpit. "Oo na. Sorry din kung nadamay ka sa gulo namin. Kung bakit kasi hindi na lang ikaw yung pinakasal eh..." Binulong ko yung huli pero narinig pa rin ni Jeremy.

"Kung lalaking pogi, gorabelles nako. Eh hindi pa nakikita eh, malay mo shokoy pala." Tumawa kaming dalawa. Narinig ko ang P.A. at tinatawag na nito ang flight ko.

Lumingon ako sa pinsan ko at binigyan sya ng i-will-miss-you look. Para naman syang tanga na biglang humagulgol sa iyak.

"Bebe girl, I'll miss you so much."

Weh? Di nga? You're a GIRL?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon