26. Hyper Mode

114 5 1
                                    

Hyper Mode

Jared's POV

"ZEDRICK VINCENT GUTIERREZ!!"

Halos malaglag ako sa sahig nung narinig ko ang buong pangalan ni Zedrick na tinatawag mula sa kabilang kwarto. Naalala ko tuloy si mama kapag matigas ang ulo ko, isang signal na sa akin kapag tinawag nya ako ng buong pangalan ko, alam kong galit na sya nun.

Umayos ako ng upo sa sofa at lumingon sa kabilang kwarto. Nakita kong lumabas si Zedrick na may poker face na mukha. "Asan yung dalawang asungot?"

"Umalis. Gagawa daw ng project." Tumango sya at umupo sa tabi ko. Inagaw nya yung kinakain kong popcorn at nanood ng movie.

Kumuha ako ng popcorn, "Problema mo? Para kang pinagsaraduhan ng gate ng langit ah.."

"Gusto mo malaman?" Tumango ako at pinagmasdan sya.

"Nakita mo yung kwarto ni Louise?" Tumango ulit ako. "Pumasok ka dun para malaman mo." Tiningnan ko sya ng medyo may pagtataka. Hinatak na lang nya ako patayo at tinulak sa loob ng kwarto ni Louise.

Dang it! Bakit parang biglang kumalat yata dito sa kwarto nya? Eh sya nga itong pinaka malinis sa aming lima. Lumibot ako sandali sa kwarto nya at hindi sya mahanap. Asan kaya yung baklang yun?

Umupo ako sa may dulo ng higaan nya at inilibot ang mga mata ko sa loob. Ano naman ang gustong iparating sa akin ni Zedrick?

Hinatak ko yung kumot sa higaan nya at inayos iyun. Amoy vanilla ang kwarto nya, tsk, pambabae. Di kaya bakla talaga yung lokong yun? Kaya lang siguro sya pumasok dito sa all boys school eh para i-enjoy kami. Hmm, bahala na nga.

Lumabas na ako ng kwarto ni Louise at dun ko din lang napansin na biglang tumahimik yung sala. Sumilip ako sa sala at nakitang nakapatay na yung tv at wala na si Zedrick. Isa pa yun, aalis na nga lang hindi pa marunong magsabi.

Binuksan ko ulit yung tv at nilipat sa HBO. The Conjuring yung palabas ngayon. Nanood na lang ako habang nagpapalipas ng oras.

Bigla naman akong may narinig na nalaglag sa kwarto ni Louise. Tumingin ako sa pintuan ng kwarto nya at nakita itong nakasara.

Ano bang kahibangan ang ginagawa ni Louise? Kanina pa kasi sya hindi lumalabas ng kwarto nya at pati si Zedrick, eh busangot ang itsura paglabas ng kwarto ni Louise.

Tumayo ako at dumiretso sa kwarto nya, wala ng katok-katok at dumiretso agad ako sa loob. Saktong bukas ko ng pinto, sinalubong ako ng isang malakas na bato ng unan.

Nakita ko na ubod nanaman ng kalat ng kwarto nya. I frowned. What in the world is happening with this guy?

"Louise Cruz. Paki-explain nga yung itsura ng kwarto mo?" Napalingon sya sa akin. He gave me a sly smile at kinamot ang batok nya. He's acting pretty weird today.

"Just playing around, Jared." She shrugged the matter off and sat down on the edge of his bed.

This guy, really.

"So what if you're playing? What happened to Zedrick anyway?" I plopped down beside him and layed down comfortably. Oh, this makes me sleepy.

"Zedrick? Uhh.. Oh- I bothered him through the core of his heart. I was bored anyway." This guy is totally insane.

"Bakit mo naman ginanun? Sama tuloy ng mukha paglabas kanina. Pati tuloy ako nadamay. Tsk, pasaway ka talaga kahit kelan." Umupo ako ng maayos at pinitik yung noo nya. "Ayusin mo nga tong kwarto mo, ang gulo-gulo oh!"

Tumayo sya at sinimulan yun. Humiga lang ako sa kama nung makaramdam ako ng kalabit sa may bandang binti ko. "Ano yun, bakla?"

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na hindi ako bakla? Pang-asar ka din eh noh..."

"Eh mukha kang isa eh."

WHACK!

"Aray!! Bakit mo ko pinalo?!" Tumayo ako at hinimas yung hita ko na pinalo nya. Seriously? Para syang babae kumilos, sigurado ba syang hindi sya bakla?

"Tulungan mo ko maglinis!"

"At bakit ko gagawin yun? Ikaw naman nagkalat dito eeh. Kwarto mo ito, fyi." Tumalikod ako sa kanya.

"Sige na, Jared. Ililibre kita ulit sa labas." Pag-mamakaawa nya.

"Ayoko nga! Mamaya mapahiya nanaman ako sa ginawa mo sa akin noon. I won't take the risk!"

"PICK-A-BOO!!!"

The heck!

~~~~~

Author's note:

Magiging mabagal na po update ko guys. Sa drafts ko po kasi, tapos ko na i-type ang story. The problem is, aksidente pong na log-out yung account ko sa cp, reason para mawala lahat ng drafts.

It'll take me time to retrieve it since medyo marami po iyon. Hope you guys understand.

Thanks!!

#it'sM

Weh? Di nga? You're a GIRL?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon