Jared's Revenge
Jared's POV.
Believe it or not, but my soul left my body when that gaySHIT kissed me! Every people in this place stared at me in amusement.
Amusement? Because a guy just kissed a guy. And that made me want to vomit and die.
Tsk. So hindi pala basta-basta na lalake to si Louise. Sya pala yung tipo na gumaganti ng doble sa ginawa mo sa kanya. All I need to do, eh ang umisip ng igaganti ko sa kanya dahil sa ginawa nya kanina.
And I'll make sure na nakakahiya at mas nakakainis ang ganti ko. Kung gantihan lang pala ang gusto nya, why not na gawin ko din sa kanya yun diba?
We're currently walking on the crowd of people. Ang laki pa rin ng ngiti ng loko-lokong lalake na ito sa mukha nya. Samantalang ako, busangot at naiinis pa rin sa nangyari.
Eh sino ba naman talagang hindi mainis dun? Eh ikaw kaya humalik ng kauri mo? Kung lalake yun, siguro maiintindihan pa nya. Eh bakla yun eh! Instead na suntukin ako sa nangyari kanina, eh nagtatatakbo pa na parang tangang kinikilig. Tsk, kung pwede lang balikan yung mga nangyari kanina, sa kanya ko itutulak yung bakla at para maranasan nya yung kahihiyan ko ngayon.
Hindi ako umiimik nung matapos yung nangyari. Napagod ako kakahabol sa kanya, pero wala din naman nangyari. Masyado syang mabilis tumakbo sa height nyang yun. Eh hanggang leeg ko nga lang sya eh!
Napatigil ako sa paglalakad nung tumigil sya. Pumasok kami sa isang milktea shop. Nakapila sya sa unahan.
"Oy Jared, anong gusto mo?" Hindi ko sya sinagot. Ngunit tinitigan ko na lang sya na parang wala akong pakialam.
"Tsk. Dalawa pong large size ng oreo milktea." Nag bayad na sya at kinuha yung number na ibinigay sa kanya. Umupo kami sa may bandang dulo at walang imikan habang hinihintay yung order namin.
Kinuha ko yung phone ko at chineck kung may message ako. Wala naman, so nag wifi na lang ako. Wifi zone naman dito eh.
Binuksan ko yung twitter ko at nagbasa ng ibang interesting tweets. Pero halos lahat naman ay puro sa lovelife or break-up. Andrama talaga ng mga ito.
Since wala naman akong kahahantungan kung puro basa lang ang gagawin ko, nag post muna ko ng isang tweet.
'All I want to do is to sleep and forget this fvcking day. Nothing happened good...'
I posted the tweet at sakto naman dumating yung order namin. Kahit walang imik, ay kinuha ko yung isang milktea at ininom. Hindi man lang ako nag bother na mag thank you kay Louise.
"Hoy... Kung magtatampo ka dyan, eh wala naman mangyayari." Sinabi nya habang umiinom ng milktea.
Tsk. Walang mangyayari? Eh hiyang-hiya na nga ako dun sa ginawa nyang trick sakin eh! Assuming man kung sabihin, eh feeling ko ay tinalikuran na ko ng mundo.
"Hayy. Don't make dramas, Jared. Come on, talk to me. I'm getting bored over here."
You want me to talk? Nu-uh. Asahan mo na hindi kita kakausapin hanggang sa makauwi na tayo. What's worse eh kung hindi na kita kausapin hanggang sa matapos ang pag-aaral natin ng highschool.
"Okay. Sorry."
Sorry? Kung maibabalik mo yung nangyari kanina at iba ang ginawa mong trick sa akin, eh baka mapatawad pa kita.
Seriously, kung papasagasaan mo ako sa truck or pison, okay lang talaga sakin. Eh ipahiya sa pamamagitan ng 'ipahalik-ako-sa-bakla' at 'mainis-sa-galit', mas magtatanim ako ng grudge sayo dun!
BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Teen FictionPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?