Aftermath
Around 2 am na rin ako nakauwi. Good thing, at tulog na yung apat. Pero, hindi pa rin mawala-wala sa isip ko yung nangyari kanina.
I just hope I'm just dreaming by that time.
Hindi ako makapaniwala sa nangyari... Si Jared? Hinalikan ako?
Gahh! Kauna-unang araw ko dito tapos ganun ang salubong sakin? Kung tutuusin naman, medyo exciting yun eh.
Akalain mo, he kissed the person who's his dorm-mate -slash- secret keeper. Hiding behind those boyish clothes and short wig just to act like a guy.
Dahan-dahan akong nag tip-toe papasok sa kwarto ko since nakalimutan kong magdala ng damit pang-lalake kanina.
Buti na lang at nakatulog yung guard sa may gate kanina, nag ninja moves nanaman si Abby at M.M. At si Gemar, na binuhat nanaman ako na parang sako.
Actually, dumaan kami sa bintana ng dorm namin eh. Baka kasi may makahuli pa samin pag dun kami sa front door dumaan.
As soon as I got inside my room, I plopped down on my soft bed. This is heaven!
Tumayo muna ako to take a shower. Masyado kasi kaming nag-enjoy kanina na halos mapatalsik kami ng bar sa ginawa ni Katharine. Tsk, nahihiya tuloy ako pag naaalala ko yun....
*flashback*
Napaupo ako sa may bar table right after kong sumayaw..
Dang it! Did Jared really kissed me?
Para akong tanga na nakatulala dun. Geez. Sana hindi nya ko namukaan, or else baka sa isang araw eh, mapabalik na ko sa US at ipakasal sa impaktong lalake na hindi ko naman kilala.
I just shook the thought away at umorder ng isang shot ng tequila.
My cousins are still on the dance floor. Sobrang kulit pa talaga nila dun. Si Mary yata lasing na, sobrang hyper na nya eh. Daig pa yung asong ulol. XD
Si Katrine may kasamang guy. Tsk, pogi naman, matangkad at halatang maputi. She looks like enjoying the dance. I never saw her this wild before.
Habang tinitignan ko sila, may napansin akong kulang. Binilang ko ang mga pinsan ko at kulang talaga.
Teka...
"LJ!" Tumakbo sakin papalapit si Abby. Hingal na hingal sya at halatang pinagpapawisan na.
"Abby, nakita mo si Katharine? Kanina ko pa sya hinahanap eh." Sabi ko sa kanya. She took deep breaths bago sumagot.
"Yun na nga.. Woo~ Wait lang!" Sabi nya ulit. Habang kinokondisyon nya ang paghinga, bigla naman sumulpot sa kabilang side ko ang hinihingal na Gemar at M.M.
"Ano? Nakita nyo na sya?" Tinignan silang dalawa ni Abby. Umiling naman si Gemar at M.M.
"Wait, ano ba kasing nangyayari?" Gusto ko na talaga malaman. Para kasi akong hangin dito sa tabi nila eh, electric fan ba.
"Lasing na kasi si Katharine... *hingal* ang s-sabi namin sa kanya *hingal* dito lang sya.." Explain ni Gemar.
Tumayo ng maayos si M.M. at nagsalita. "Masama pa man din pag lasing yun! Wala sya sa isip nya, baliw nanaman sya! Baka kung ano nanaman gawin nya."
Mag sasalita na sana ako nung bigla akong napaharap sa mini stage. Nanlaki ang mga mata ko.
Sinundan naman ako ng tingin nung tatlo, at gaya nila, mga dilat kami at halos bumaba na lahat ng dugo namin sa mukha.
BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Teen FictionPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?