Hah! Hah! Hah!...."o mister lombardo bakit nandito ka pa sa labas magsisimula na yung klase"
"yes mam! sunod na po ako" ganito ang eksena ko araw araw tuwing papasok ako sa school.. hingal na hingal at pagod na pagod..langya kasi yang elevator na yan buong school year sira..oo tama kayo ng narinig may elevator nga yung school namin..sosyal di ba.. parang mall lang..pero walang silbi kasi araw araw kaming umaakyat ng hagdan..badtrip di ba..partida fully paid pa kami nyan sa tuition fee ha..tapos yung magaling na presidente ng school namin taon taon bago ang tsekot..astig si pres!..may pambili ng kotse pero walang pampagawa ng elevator..hay naku..kung di lang maganda turo sa school na to at hindi dito nag aaral yung bestfriend ko baka lumipat na ako ng ibang school..
"hoy kulas! tinatawag ka na ni mam..nakatanga ka pa dyan"
"uy carlo! dyan ka na pala..di mo ko tinext sana nagsabay tayo pagpasok"
"Mr. Lombardo and Mr. Baxxson..mukang dito nyo gustong magklase sa labas"
Hehe.."sorry po mam eto mam papasok na po ang dalawang pogi" biro ko habang papasok kami ng room
"both of you take your seat!!!"
"init ng ulo ni Miss biglangluhod ha" bulong ko kay carlo habang sabay naming tinahak ang aming kanya kanyang upuan
"baka my buwanang dalaw kaya mainit ang ulo" bulong pabalik sakin ni carlo
"ang sabihin mo menopause na kaya ganyan..hihihihi"
"kayong dalawa!! kung magkukwentuhan lang kayo sa klase ko better leave.. nakakaistorbo kayo sa mga gustong matuto!!"
"sorry mam" sabay naming sagot ni carlo
pagkatapos ng isa't kalahating oras na nakakaboring na discussion namin sa marketing management.. sa wakas natapos din..
"kulas canteen tayo..tomguts na ko.." aya sakin ni carlo habang abala ako sa paglalaro ng clash of clans..
"kaya ka lalong tumataba puro ka kain..kakaubos mo lang ng sandwich mo gutom ka pa rin?!..grabe naman yang tiyan mo..anu ba laman nyan sawa?.."saglit na lang naman
to pre..attack lang ako..""di ka ba nagsasawa dyan sa nilalaro mo?"
"hindi..saya kaya nito!..kaysa yung sa hilig mo.. magbasa ng libro..pero Ok na rin kasi ikaw kopyahan ko pag may assignment tayo..nyahahaha"
"ayun lumabas din..siguro kaya mo ko binesfriend dahil nakakakopya ka sakin noh"
"drama mo pre! bawas bawasan mo panonood ng pangako sayo ha..pati linya ni kathryn bernardo ginagaya mo...gutom lang yan! tara na nga sa canteen"
BLAAG!...BOOOGSH!.....TULONG!!!
Habang naglalakad kami ni carlo papuntang canteen nakarinig kami ng ingay..dali dali kaming lumapit sa pinanggagalingan ng ingay
"labas mo na kasi!! kung kanina mo pa binigay sakin yang pera mo e di sana hindi ka nasasaktan..matigas talaga yang ulo mong g*go ka ha eto sayo!!!!!...boooggshh!!..gruggssshh!!"
"hoy itigil nyo yan!!! T*ng in* mo ryan!!! Bitawan mo sya!!! ako harapin mo hindi yung walang kalaban laban!!!"
"aw..ang sweet naman may dumating kang tagapagtanggol...isang lampa at isang baboy!!! Pwe!!!
"boss para silang 3 bibe..hahahaha!!"
(3 bibe tune) " may 3 bibe akong nakita may lampa..may mataba mga bibe..ngunit ang may pasa sa mukha ay iisa sya ang bibe na mukhang kawawa...kawawa..kawawa....sya ang bibe na mukhang kawawa.."
"hahahahahaha..isang bagsak dyan boss.. galing mo.. Rhyme na rhyme... bagay sa tatlong bugok"
habang nagtatawanan sila ryan ng mga kasama nya..sinamantala ko ang pagkakataon...umupo ako at dumakot ng buhangin sabay hagis sa kanila..na lalong nagpagalit kay ryan at sa mga kasamahan nya
"G*go ka ha!!! gusto mo ring masaktan ha!!
nakita kong papalapit na sa mukha ko ang kamao ni ryan..iilag sana ako nang naramdaman kong hawak ako sa magkabilang braso ng mga kasamahan ni ryan..patay! sa isip isip ko.. Pumikit na lang ako para hindi ko makita ang pagdapo ng kamao ni ryan sa aking mukha..
Pprrrttttt!!!! Ano na naman yan ryan?! Lagi na lang ikaw ang promotor ng gulo sa eskwelahan na to!!!
"badtrip may dumating pang asungot..swerte kayo ngayon..antayin nyo pag nagkrus ulit ang landas natin sisiguraduhin ko na nakikipaglips to lips na kayo sa lupa" narinig kong sinabi ni ryan habang unting unting lumuluwag ang pagkakahawak nya sa aking kuwelyo..sabay tulak sa akin..
"hoy bumalik kayo dito!!
Nakita kong nagpulasan ang grupo ni ryan palayo sa pwesto namin
"Ok lang ba kayo?"
"salamat po mang nilo..muntik na ko dun hehe"
"walang anuman iho..sa susunod na guluhin pa kayo ng mga batang yun sabihin nyo lang sakin para ako na mismo ang magreport sa dean nyo..basta doble ingat lang kayo palagi at umiwas sa kanila..o sya mauna na ako sa inyo dahil dun ako sa gate 2 nakaduty..buti nadaanan ko kayo dito..sige ingat kayo "
"salamat po ulit.."..."iboto si mang nilo bilang tagapagtanggol ng mga naapi!!! pagchicheer ni carlo kay mang nilo..
"hahahaha..sige na mga bata baka malate ako.. una na ako" tango lang ang isinagot namin sa papalayong si mang nilo ang superguard ng aming university..
dahan dahan akong lumapit sa lalaking binubugbog nila ryan kanina
"pre ayos ka lang ba? gusto mo dalhin ka namin ni carlo sa clinic para magamot yung mga gasgas at pasa mo?""Ok lang ako pre konting gasgas lang to, saka maliit lang naman yung pasa sa mukha ko.. kaya ko na itong gamutin..uwi na lang ako sa dorm mamaya para makapagpalit ng uniform.. by the way Hercules nga pala pre but call me ulley (pronounced as youli).. salamat sa pagtulong nyo sakin..siguro kung di kayo dumating bugbog sarado na ako"
"wala yun pre..kahit sino namang nasa alanganin na kailangan ng tulong..dapat lang na tulungan.."di ba kaklase ka namin ni carlo sa Filipino?
"oo pre..umm..medyo mahiyain kasi ako..tahimik at laging mag isa kaya di ako masyadong pansinin..mga bully lang na katulad ni ryan at mga kaibigan nya ang nakakapansin sakin"
e di join ka na lang samin ni carlo..kami lang din naman ang palaging magkasama..since elementary pa hehe..saka para may bago kaming tropa..di ba carlo?
"oo nga ulley...nyum..nyum..nyum" segunda ni carlo habang patuloy sa pagnguya ng pritos ring na hawak nya..
"kaw talaga carlo puro ka kain..kadiri ka!nagtatalsikan pa yung pagkain mo sa bibig..ubusin mo muna kaya yang pagkain mo sa bibig bago ka magsalita..dahan dahan lang kasi sa pagkain..namumuwalan ka na o!..
"sabi naman kasi sayo nagugutom na ako e..nyum...nyum...nyum"
"pasensya ka na dito kay carlo ha matakaw lang talaga yan pero mabait yan.. ako nga pala si Nickolas..Kulas na lang pre.."..sabay abot ng aking kamay at nakipagshake hands kay ulley...."eto nga pala ang kaibigan ko na si carlo..sya yung matabang bibe..hahahahaha..."
"tara sa canteen libre ko kayo ni carlo pasalamat ko na din sa pagtulong nyo sa akin"
"kakain na tayo??!!! Yehey!!! gutom na talaga ako e"
"langya ka carlo..kakaubos mo lang ng kinakain mo gutom ka pa rin?!..tibay mo brad.. Iba ka..you're simply the best sa katakawan.."
napuno ng tawanan ang paligid habang tinatahak namin ang daan patungong canteen
(nakikiuso lang po sa tatlong bibe hahaha ^_^)...ulley..Carlo and kulas on the picture
BINABASA MO ANG
Superpower Village
AdventureSabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa napili sa so called life changing experience at ang life changing experience na ito ay ang magkaroo...