Kinabukasan....Kulas: ulley!!!
Ulley: uy! Kulas..Carlo! Ano tara na??
Carlo: saan tayo magsisimulang maghan-.......
nang biglang sumulpot ang barkada ni ryan
Ryan: guys look who's here!!! ....yung three little bibs!!!! Wahahahaha!!! mukang may lakad kayo ha....saan ba punta ng mga kwak-kwak boys ng Eucchiharo university??? pangisi ngising wika ni ryan
Kulas: Kay sailormoon sama ka??? Ulley..Carlo...remember yung superhero topic natin kay Mr. Vargas? may isa kasing classmate nating lalaki ang superhero nya ay si sailormoon.....sabay tingin ko kay Ryan..at sabay taas baba ng dalawa kong kilay...
Biglang namutla si ryan sa sinabi ko...hehehe...alam ko na ang secret nya...yung time na binulong nya kay Sir Vargas kung sinong superhero nya..walang iba kundi si sailormoon...kaya pala pigil na pigil ang tawa ni Sir nun....aba't ang loko avid fan ni sailormoon..kumpleto sa collectible items..sama mo pa posters and CDs...nalaman ko lang naman yan sa classmate din namin na nasa harap nung time na binulong nya kay Mr. Vargas yung sagot nya....e may pagka bionic yata tenga nun kaya kahit bulong lang narinig pa rin nya..e ka clan ko yun sa COC..ayun chinismis sakin hahahaha..nalaman kasi nun na madalas kaming binubully ng grupo ni Ryan kaya voila! may secret weapon na kami sa kanya....
Carlo: o ano yung tungkol dun?
Kulas: gusto nyo bang sabihin ko sa inyo...pati na rin sayo Ryan at sa grupo mo para masaya...hahahaha!....ano nga yung famous line ni sailormoon bago magtransform...wait niresearch ko yun e....ah.. ayun naalala ko na!...."moon prism power make up"
Ryan: t-tara n-na g-guys...l-laro na lang tayo dota iwan na natin sila kulas...namumutlang wika ni ryan
"pero boss nagsisimula pa lang happennings....gusto ko rin malaman yung sinasabi nitong mokong na kulas na toh"
Napalunok si ryan sa narinig nya at nagbubuo buo na ang butil butil nyang pawis...hehehe...hot seat...
Ryan: di ba sabi ko tara na!!! gusto mo bang samain!!! kung gusto mong magpaiwan ikaw na lang!!!! pero pag nagpaiwan ka dito tanggal ka na sa grupo!!!
"sorry na boss...eto na po susunod na"
Dali daling umalis ang grupo ni Ryan..
Ulley: anong nangyari dun? parang nabahag ang buntot ni Ryan ah...
Kulas: hahahaha!! syempre mahirap nang masiwalat ang pinakatatago nyang lihim..at matapos ang astiging career nya...
Carlo: don't tell me si Ryan yung tinutukoy mo...
tumango naman ako at tawa ng tawa yung dalawa..minabuti ko ng ikwento sa kanila yung nalaman ko atlis kung di man kami magkakasama di sila guguluhin ng grupo ni Ryan..ayaw din kasi naming masangkot kami sa anumang away lalo na sa loob ng school namin syempre nakakahiya sa mga magulang namin... Kaya mas mabuting umiwas sa gulo...
Carlo: hahahaha!! kaya pala epic fail yung mukha ni Ryan kanina..kala mo tinakasan ng dugo sa mukha e...ngayon alam ko na Kung bakit sila siyam sa grupo...sya si sailormoon at yung walo yung sailor warriors...kaya pala nung gustong sumali ni magtanggol sa grupo nila di sya pumayag kasi sosobra daw yung members... Hahahahaha!!
Ulley: kayo talaga puro kalokohan..pero mas mabuti na rin siguro yun para walang mangugulo sa gagawin natin...
Kulas: bakit ano bang gagawin natin?
Sinenyasan kami ni ulley na sumunod sa kanya...
Carlo: teka...di ba magubat na parte na ito ng school natin...hindi ba delikado dito.. mamaya may ahas dito matuklaw pa tayo...
BINABASA MO ANG
Superpower Village
AdventureSabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa napili sa so called life changing experience at ang life changing experience na ito ay ang magkaroo...