Chapter 30 - Si Thymós

634 38 0
                                    

Arcus: "panginoon nagawa ko na po ang iniuutos nyo sa akin at mukang sumusunod naman sya sa inyong napagkasunduan"


Thymós: "magaling kung ganun, hindi ako mahihirapang makuha ang kwintas"


Arcus: "panginoon kung inyo pong mamarapatin..ano po ba ang kayang gawin ng kwintas na nasa kamay ng mga batang dayo?


Thymós:  "hindi ko rin alam..kaya nga gusto ko itong mapasakamay ko.. Bukod sa ituturo nito ang kinalalagyan ng hinirang..tingin ko ay isa itong makapangyarihang kwintas"


Arcus: ngunit panginoon duda po ako sa katapatan ni Pagoméno..hindi po ba't dating matalik na magkaibigan si gurzil at Pagoméno?


Thymós: naisip ko na yan pero nasa atin ang kanyang tycherós..kaya wala syang pagpipilian kundi ang sumunod..

Arcus: si gurzil ay matalik nyo rin pong kaibigan hindi ba?

Thymós: hah!!!matagal nang natapos ang panahon na yun at matagal ko na ring kinalimutan..

Arcus: panginoon wag nyo pong masamain ang aking sasabihin..bakit hindi nyo na lang po hayaan na patayin ni Pagoméno si gurzil..tingin ko'y kaya nya namang gawin iyon..

Thymós: wag mong mamaliitin ang kakayahan ni gurzil..hindi mo sya lubos na nakikilala..saka walang ibang dapat na pumatay sa kanya kundi ako! nalalapit na ang panahon ng paghihiganti...

Isang alipin ang lumapit sa kinasasadlakan ni thymós..

"panginoon nandito na po ang mga bihag"

Thymós: mabuti kung ganun..dalhin sila sa silid ng ekchylisma...arcus!!! tulungan mo silang dalhin ang mga bihag..pag may nakatakas dyan mananagot kayo sa akin.. Umalis na kayo sa harapan ko!!

Yumukod lang si arcus at ang alipin at tuluyan nang lumabas sa silid ni thymós..

Thymós: kaunting panahon na lang at makukuha ko na ang aking nais..nalalapit na ang pagbangon ng dati'y nilalang na inyong inapi!! tandang tanda ko pa ang lahat....hindi pa thymós ang pangalan ko kundi dakyra..

Bata pa lang ako tampulan na ako ng tukso ng mga kababata ko..

Dakyra: maari ba akong sumali sa inyong laro?

Bata 1: hindi maari!! baka iyakan mo lang kami..akalain pa ng mga magulang mo inaaway ka namin!!

Bata 2: oo nga!! pang malalakas lang ang aming nilalaro..bawal ang iyakin dito!

Dakyra: malakas naman ako ah...

Bata 1: malakas ka nga..malakas umiyak! Wahahahahaha....

Tumakbo sila at patuloy pa akong inuyam

"dakyrang iyakin!!! wahahaha!!! Napakaswerte mo dahil ikaw ang may pinakawalang kwentang kapangyarihan!!!

"dakyrang iyakin!!! wahahaha!!! Napakaswerte mo dahil ikaw ang may pinakawalang kwentang kapangyarihan!!!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Superpower Village Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon