Chapter 11 - Ang bugtungan

1K 57 7
                                    


Nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang bulwagan ng mga magos sa entrada pa lamang makikita ang dalawang malaking estatwa ng kuwago..ang nasa kanan ay nakasuot ng malaking eyeglasses sa mata na may hawak na libro..ang nasa kaliwa naman ay may hawak na pluma at pergamino (scroll sa ingles)

Tatapak na sana ako papasok ng tarangkahan papuntang bulwagan ng biglang may lumitaw na isang mahiwagang nilalang sa aming harapan..isang sphinx na may hawak na dalawang sibat

Sphinx : ako ang punong bantay ng lugar na ito..ang sinumang nagnanais na pumasok sa bulwagan ng mga pantas ay kailangang dumaan sa pagsubok..tatlong katanungan ang kailangan ninyong masagot para kayo ay aking paraanin..ang sinumang magkamali sa katanungang inihain ay kamatayan ang kapalit..sabihin nyo lang sa aking kung ang aking katanungan ay handa ng sagutin

Napatingin ako kay Carlo at napalunok..anu ba yan di naman kami na-inform na may Q and A portion pala para nakapagreview ako..

Kulas: ulley wala bang multiple choice o encircle the right answer? Mas malupit pa toh kay Miss biglang luhod pag nagkamali dedo agad..wala bang lifeline.. kahit phone a friend lang?

Ulley: ganoon talaga dito direktang kasagutan ang kailangan..dapat kapag sinagot mo ang kanyang katanungan dapat ay sigurado ka na

Carlo: ano ba usually tinatanong ng punong bantay?

Ulley: bugtong

Carlo: yun!! magaling ako sa mga bugtong!

Kulas: patay! sana madali ang mapuntang bugtong sakin..kundi..maling sagot buhay lagot

Carlo: anu ka ba kulas kaya mo yan..

Ulley: ano handa na ba kayo?

Tumango kami parehas ni Carlo..sa totoo lang marami naman akong alam na bugtong pero paano kung yung di ko alam na bugtong itanong sakin baka gawin akong barbeque nyang taong Lion na yan..o kaya lapain ako...naku mababawasan ang gwapo sa mundo..hehe

Kulas: punong bantay may tanong lang po ako

Sphinx: ano iyon binata?

Kulas: may time pressure po ba yung katanungan nyo? saka wala po bang available na lifeline tulad po ng phone a friend, 50:50 at ask the audience?

Sphinx: kung oras ang iyong tinutukoy dun sa nabanggit mong time pressure..ang sagot ay oo

Sabay litaw ng isang hourglass na lumulutang sa ere na may kulay ginto na mga buhangin

Sphinx: kung ang tulong ang ibig mong sabihin sa lifeline na iyong binanggit ang sagot ay wala..ikaw lamang ang tanging maaring sumagot ang sinumang makialam o mamagitan sa aking katanungan kamatayan ang syang makakamit

Hay..wala na talaga kaming kawala dito...its now or never..lumapit kami kay ulley upang simulan na ang pagsubok

Ulley: punong bantay maari nang simulan ang pagsubok

Sphinx: dahil ikaw ang nagbukas ng pagsisimula ng pagsubok ikaw na binata ang mauna

Tumango naman si ulley bilang tugon..nagsimula nang umikot ang hourglass na nakalutang sa ere hudyat na simula na ang oras

Sphinx: limang magkakapatid tig iisa ng silid

natahimik si ulley at nag isip..kita ko ang mabilis na pagbuhos ng buhangin sa hourglass..Sobrang nakakakaba..

Ulley: ang aking kasagutan ay kuko

Sphinx: tama ang iyong kasagutan..maari ka nang pumasok

Biglang bumukas ang tarangkahan at tuluyan nang naglakad papasok si ulley..sumenyas sya sa amin na hihintayin kami sa loob

Sphinx: ikaw ang susunod binatang malusog

Natawa ako sa sinabi ng sphinx kay Carlo..di lang pala sa mundo namin ang may bully pati pala sa exousia..at ang malupit pa dun..mythical creature yung bully.. Bulong ko sa aking sarili na nagpipigil ng tawa

Umikot muli ang hourglass na nakalutang sa ere hudyat na simula na ng oras ni Carlo

Sphinx: may dalawa akong kahon nabubuksan ng walang ugong

nakita kong nagpunas ng pawis si Carlo..siguro kung sa akin napunta yung tanong na yun baka natuhog na ako ng sibat nung sphinx.. Bulong ako ng bulong sa sarili ko na sana masagot ni Carlo yung tanong dahil pag nagkataon lenchon de leche labas nya pag tinuhog sya ng sibat ng sphinx

Carlo: m-mata?

Biglang bumukas ang tarangkahan..nakahinga ako ng maluwag dahil ligtas na ang bestfriend ko.. Nakangiting kumaway sakin si Carlo at sabing magkita na lang kami sa kabila, nagthumbs up pa sya at sinabing kaya mo yan..nakakapressure..yung dalawa nasa loob na..tumingin ako sa paligid ko tengene! Ako na lang pala yung naiwan!! biglang nagsalita yung sphinx

Sphinx: binata ikaw na ang huling haharap sa pagsubok

Kulas: wala po ba talagang lifeline? Kahit ask the experts lang..

biglang itinaas ng sphinx yung hawak nyang dalawang sibat

Kulas: joke lang po yun napakaseryoso nyo naman"..tumutulo na sa noo ko ang butil butil kong pawis..huminga muna ako ng malalim

Biglang umikot ang hourglass hudyat na simula na ng aking oras

Sphinx: hindi makita ng nagbukas ang kaharap ang nakamalas

Tengene! Ano yun di ko alam yun!..katapusan ko na yata..kulas kulas mag isip ka...napatingin ako sa hourglass..langya! Ayokong maging barbeque na butiki..tahimik lang akong nag iisip...inisip ko yung sagot ni ulley at Carlo..parehas na may kaugnayan sa katawan ng tao...maaring may koneksyon din sa katawan ng tao yung sagot sa tanong sakin..putcha! dalawa lang ang nabanggit na parte ng katawan ang dami pang naiwan! Alin sa mga yun?! lalo akong kinabahan nung nakita kong kalahati na lang yung buhangin sa hourglass..

Tiningnan ko isa isa yung parte ng katawan ko...huhuhu sino ba sa inyo pakitaas na lang yung kamay at magsabi ng present...

Ano ba kasi yung hindi nakita ng nagbukas at yung kaharap ang nakamalas.....isip kulas isip..

Ang bilis na ng tibok ng puso ko.. Konti na lang yung laman ng hourglass

Biglang itinaas ng sphinx yung dalawang sibat na hawak nya at handa nang iulos sa akin..

Muli kong tiningnan ang hourglass.. Paubos na ang laman!

Sphinx: ano ang iyong sagot binata?

Malapit nang tumama sa akin ang dalawang sibat

Kulas: sasagot na ako! Ang aking sagot ay..........
























Ay ano?? Naku anu kayang isinagot ni kulas?? Kayo ba alam nyo ang sagot? ako kaya alam ko ang sagot...hehehe...abangan.....^_^ by the way ang sphinx ay isang mythical creature na ang ulo ay sa tao at kalahating katawan ay sa Lion..ang ibig sabihin ng sphinx sa Arabic ay the terrifying one...sinasabing ang hari na si Oedipus Rex ang nakasagot sa bugtong ng sphinx na naging sanhi ng kamatayan nito..

Sphinx on the multimedia

Don't forget to vote and leave a comment... ^_^

Superpower Village Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon