"Miss dalawang large fries.. 2 piece chicken joy with spaghetti.. tatlong extra rice saka jolly sundae.. paki damihan po ng chocolate..salamat"
"grabe ka Carlo! kaya mo bang ubusin lahat yun?!"
"ano ka ba kulas! konti pa nga yun e..kasi medyo busog pa ko"
"langya ka! busog ka pa ng lagay na yun e pang dalawang tao yung order mo! matinde ka brad!" natatawang pailing iling lang sa amin si ulley
Habang kumakain..
"ulley sa tingin mo may lugar kaya na puro superhero yung tao? Astig siguro sa lugar na yun..lahat ng gamit makabago at advance"
"ano ka ba kulas..yung lugar na puro superhero agad nasa isip mo e hindi mo naman tinanong kung may superhero ba talaga na nag-eexist" segundang sagot sa akin ni carlo
"pwede..ewan..siguro.." sagot ni ulley
SAKLOLO!!!! TULUNGAN NYO PO KAMI!!!!
rinig naming sigaw nung aleng pumasok sa kainan..lahat ng tao sa kanya napunta ang atensyon..dali naman syang dinaluhan ng mga security guard..
"kuya tulungan nyo po ako!!! yung anak ko!!!! naipit yung binti dun sa punong natumba dahil sa tumamang kidlat!! tulungan nyo po syang maialis dun!!
rinig naming sambit nung ale na hindi mapakali sa sobrang taranta at patuloy lang sa pag iyak
"relax lang kayo misis..nasaan ho ba?"
Iginiya naman nung ale ang dalawang guard papunta sa pwesto nung bata
nagkatinginan kaming tatlo ng aking mga kaibigan.."tulungan natin" sabi ko
sabay tango ni ulley at carlo
Sumunod kami sa mga guard at aleng humihingi ng tulong
"Mama!!! huhuhu..asan ka na Mama?!!! tulungan mo ko mama.. huhuhuhuhu "
"anak! nandito na si Mama.. tutulungan nila tayo..wag ka nang umiyak"..dali daling dinaluhan nung ale ang kanyang anak
tulong tulong naming iniangat ang katawan ng puno paalis sa binti ng bata na naipit sa puno..pero lubhang mabigat ang puno.. kahit na marami na kaming nagbubuhat kasama ang iba pang mga kalalakihan..dahil na rin siguro sa mataba at malaking katawan ng puno
"pre di natin to kaya tawag ka ng tulong.. lubhang malaki yung puno" sabi ni kuya guard dun sa kasama nya, tumango lang ang kasama ni kuya at bumalik sa aming pinanggalingan
TUMABI KAYO!!! rinig kong sigaw nung mga tao sa tapat namin pero huli na sasalpok na sa amin yung SUV
IINNNGGGKKK!!! VVWOOOMMPP!! HHIIIIISSSSSSS!!!!!!!!!
rinig kong nagngangalit na makina ng SUV na pilit pinepreno...sa sobrang takot ko pumikit na lang ako at humawak kay Carlo ng mahigpit at nagdasal "Lord wag nyo pong pababayaan ang aking pamilya..bigyan nyo po sila ng lakas para malampasan ang kalungkutan ng aking pagkawala..patawarin nyo po ako sa aking kasalanan..kung kalooban nyo po na mawala na po ako sa mundong ito tatanggapin ko po ng bukal sa aking kalooban.. Kayo na lang po ang magbulong kay mama.. kay papa at sa aking mga kapatid na Mahal na Mahal ko sila..sorry po Kung hindi ako naging mabuting anak...ka-"patuloy ako sa pag usal ng dasal at nag aantay sa aming katapusan napatigil ako nang biglang nakaramdam ako ng kamay na humawak sa bewang ko..pagdilat ko nasa kabilang gilid na ako ng kalsada kasama si carlo..yung aleng naghi-hysterikal kanina at yung batang naipit ang binti sa nabagsak ng puno
paano nangyari yun??!! Himala?? tanong ko sa aking isipan
nakita ko na lang na nagtakbuhan yung mga tao sa kabilang kalsada papunta dun sa SUV..shock pa rin ako di ako makagalaw at parang nangangalay na nanginginig ang pakiramdam ko..gusto kong lapitan si Carlo pero di ko maigalaw ang mga binti ko..
"Diyos ko!! saan napunta yung mga bata at yung mag ina?!! sigaw nung isang matandang babae
"baka tumilapon ang katawan nila sa sobrang lakas ng pagsalpok nung van.." komento naman nung isang lalaki na medyo maskulado ang katawan
nakita kong humahangos na bumaba yung driver ng SUV.. na wala man lang sugat at mukhang hindi nasaktan
"sorry po sa sobrang bilis ng takbo ko bigla na lang hindi kumagat yung preno"
"G*go ka pala e! hawakan nyo yan! mananagot ka sa batas ilang buhay ang inutas mong hindot ka! kulang pa ang habang buhay na pagkabilanggo dahil sa ginawa mong animal ka! sigaw nung guard na kasama namin kanina na di sinasadyang napalingon sa pwesto namin
"hayun yung mga bata at yung mag ina!!! sigaw ni kuya guard napanganga naman yung mga taong napalingon sa amin sa sobrang gulat..ang iba'y napa antanda ng krus dahil sa hindi kapani paniwalang naganap sa amin
dali dali kaming nilapitan ng mga tao..kasabay ng pagdating ng MMDA, pulis at medical team..tinatanong kung kamusta ba ang aming pakiramdam at Kung may masakit ba sa amin..puro iling lang ang sagot namin ni carlo..isinakay naman sa ambulansya ang mag ina dahil sa sprain na tinamo ng batang babae dahil sa pagkaipit sa puno..
napakunot ako dahil parang may kulang..tama!! si ulley nawawala!! hindi namin sya kasama ni Carlo!!
bigla akong napabalikwas ng tayo sa pagkakaupo habang sinusuri ako ng doctor na kasama ng medical team"doctora saglit lang po yung kaibigan po naming isa nawawala"..naiiyak kong sabi at mabilis kong nilapitan yung pulis na malapit sa amin
"Sir pulis!! yung isa ko pong kaibigan nawawala!! tatlo po kasi kaming magkakasama..yung bestfriend ko lang po na si carlo ang nandito..si ulley po nawawala..tulungan nyo po akong hanapin sya.." mangiyak ngiyak kong sabi
"ano bang itsura nung kaibigan mong nawawala?
"matangkad po sa akin ng konti..payat po yung katawan..kulay brown po yung buhok na medyo kulot tapos po nakasuot din po ng ganitong uniform" paliwanag ko kay sir pulis
nag isip saglit si Sir pulis at nung tila naapuhap na nya sa kanyang isipan ang aking sinabi bigla syang may itinuro sa akin
"sya ba yung kaibigan mo na hinahanap mo?"
napatingin ako sa gawing tinuro sa akin ni sir pulis
Nanlaki ang aking mata sa aking nakita...
(dear readers sorry po sa sound effects.. Di po ako magaling sa ganun hehehe..kayo na po ang bahalang umintindi..salamat po ^_^)
BINABASA MO ANG
Superpower Village
AdventureSabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa napili sa so called life changing experience at ang life changing experience na ito ay ang magkaroo...