Tinawag kami ni Carlo at sinabing pumasok na kami sa loob ng bulwagan..dahil makakapasok na daw kamiAstig talaga ng bestfriend ko napaka brainy..nasa harapan na kami ng pinto ngayon..bubuksan na sana ni Carlo yung pinto..kaso pinigilan ko sya
Kulas: wait lang Carlo! naiintriga lang ako ano ba yung nakasulat sa pinto?
pinakita sakin ni Carlo yung dahon na pinagsulatan nya nung dinecode nyang mga letra..."KZHLP YFPZH ZMT KRMGL"
"PASOK BUKAS ANG PINTO"Kulas: tengene nemen telege!!! Yun lang yun?! nagpakahirap pa tayo labas masok e pwede naman palang pumasok na dahil bukas yung pinto! Kaya ka pala tawa ng tawa kanina..ulley alam mo ba toh?
Ulley: hindi.. ngayon lang din ako papasok sa bulwagan ng mga magos
Kulas: e paano mo nakakausap ang mga magos?
Ulley: sa panaginip..may kakayahan silang pasukin ang panaginip ng sinuman at magbigay ng mensahe o babala
Tuluyan na kaming nakapasok sa pangalawang pinto.. Bumungad sa amin ang napakalawak na silid aklatan..kaso kakaiba itong silid aklatan na ito sa mundo namin..para kang nasa langit..parang aklatan sa kalangitan..
Carlo: Wow ang ganda naman dito!..parang ang sarap tumambay dito para magbasa..ulley ang librarian ba dito ay angel? para ka kasing nasa langit maulap ang paligid ng aklatan
Biglang kaming nakarinig ng langitngit na tila may bumukas na pintuan
May nakita kaming anino na napakalaki na papalapit sa amin..nakakatakot sino kaya yun?
"Ako ang tagapamahala ng silid aklatan na ito"
Hinanap ko yung pinanggagalingan ng boses..wala akong makita ano yun may power din na invisibility
"dito sa baba"
Tumingin kaming tatlo sa sahig at doon namin nakita ang nilalang na may ari ng boses...isang uod na may suot na togang itim
Carlo: happy graduation po...este magandang araw po bati ni Carlo sa uod
"ako si tagapamahalang Ymrow..alam ko ang inyong sadya sa pagpasok sa silid na ito (pronounce as imrow..wormy pag binaligtad para daw sosyal ^_^)
Carlo: ahh..wala po kaming balak na magbasa wala po kasi kaming library card...
Mr. Ymrow: hindi yun! Alam kong gusto nyong makausap ang mga magos ngunit kailangan nyo munang dumaan sa pagsubok...nakikita nyo ang pinto na nasa kaliwa ninyo..iyan na ang silid ng mga magos..magbubukas lamang yan pag naiayos nyo ng tama ang mga letra
Ulley: ano po ba ang pagsubok tagapamahalang ymrow? Mahalaga po ang sadya namin sa mga magos
Mr. Ymrow: nalalaman ko ngunit kailangan nyong malampasan ang pagsubok lalo na ang dalawa mong kasama
Kulas: ano po ba ang pagsubok saka nakataya po ba dyan ang buhay namin katulad nung sa sphinx? may mga bawal po ba?
Biglang pumalakpak ang uod na nakatoga..lumitaw ang maraming mga letra na nakapahalang
"SHLHEDRTO"
Mr. Ymrow: iyan ang pagsubok kailangan ninyong maayos ang mga letra sa kung anong salita ang mabubuo nyan..ito na ang huling pagsubok..kapag natapos nyo ito..maari nyo nang makausap ang mga magos..wag kayong Mag alala walang sibat na tatarak sa inyo kada maling hula..wala ring mga ipinagbabawal..ngunit kailangan nyong matapos sa itinakdang oras..
Bigla na namang may lumitaw na hourglass na malaki ngunit kaunti lang ang laman na buhanging ginto..bigla kaming kinabahan ibig sabihin kaunting oras lang ang inilaan sa amin para matapos ang pagsubok
Kulas: paano kung hindi namin natapos ang pagsubok na inilaan sa amin anong mangyayari sa amin?
Mr. Ymrow: uulit kayo sa simula ibig sabihin..babalik kayo sa tarangkahan ng bulwagan at makakaharap ninyo muli ang sphinx
Carlo, kulas, ulley: Ano?!
Kulas: Di pwede yun! chamba nga lang pagkakasagot ko sa bugtong.. tapos babalik pa tayo dun..paano kung hindi na ako makachamba e di goodbye prettyboy ng valenzuela city.. Nakow! Madaming fans ko ang malulungkot...
Ulley: dapat talaga masagot na natin yan mahalaga ang oras sa ating misyon..kailangan nang maibalik ang hinirang dito sa exousia
Carlo: masyado pong maigsi ang oras tagapamalang ymrow wala po bang clue?
Mr. Ymrow: simula't simula eto ang bumungad sa inyo..iyan lang ang clue na maari kong ibigay sa inyo...paano mga binata aalis na ako
Tuluyan nang gumapang paalis ang tagapamahalang ymrow..tumingin ako sa hourglass at bigla itong umikot hudyat na simula na ng oras
Kulas: Carlo, ulley kailangan maisip agad natin ang sagot..wait hindi kaya parang text twist lang yan...magaling ka ba sa larong yun Carlo?
Carlo: hindi masyado e.. Saka parang walang way para mareshuffle yung mga letters.. Panghawakan kaya natin yung clue ni tagapamahalang ymrow..simula't simula ito ang bumungad sa atin? Ummmm... yung sphinx?
Ulley: wala namang X dun sa mga letrang iaayos
Carlo: oo nga noh....ummmm...gate?
Nasa kalahati na ang gintong buhangin na laman ng hourglass
Carlo: ambilis naman ng oras...hay... Isip.....ano ba kasi yung unang bumungad sa atin pagdating natin dito??
Ulley: pinto! Tama pinto!
Nabuhayan kami ng loob sa isinagot ni ulley...oo nga noh..sa pagpunta namin dito pinto ang unang bumungad sa amin..pero di naman five letters lang yung salitang nakahain sa harap namin..siyam!
Kulas: Carlo! Hindi kaya english word yan..di ba malawak naman english vocabulary mo..isipin nating mabuti..english ng pinto.. door.. Kulang e...ano bang iba pang kahulugan ng pinto?
Carlo: syempre pag may pinto..may papasok..pwedeng pasukan..dalawa kasi yung H na letter e...ulley di ba magaling ka din sa english nung nasa mundo ka namin..
Ulley: dapat mag isip tayo ng mga ingles na salita na may kaugnayan sa pinto..
Carlo: katok? Syempre kung may pinto may kakatok..
Kulas: ingles nga di ba..kung anu anong sinasagot mo..3/4 na yung buhangin na nalaglag..konting oras na lang..hindi ba pwedeng gumamit ng dictionary?!
Ulley: may nabanggit ang tagapamahala na walang ipinagbabawal..kaya maari!
nagkaroon kami ng pag asa dahil sa naalala ni ulley na sinabi ng tagapamahala
Mabilis kaming tumakbong tatlo papalapit sa bookshelf at naghanap ng dictionary..konti na lang ang buhangin sa hourglass halos paubos na.. Nakupo!
Carlo: mga tol eto! Door..enter..entrance..infiltrate..
Kulas: Carlo bilisan mo! konting oras na lang natitira! Maghanap ka dyan na may dalawang H!
Carlo: wait eto na! alam ko na!
Threshold!
Wala naman palang bawal so pwedeng open notes at tumingin sa dictionary hahahaha..nagpakahirap pa sila....makakapasok na kaya ang magkakaibigan sa silid ng mga magos? Let's see ^_^
Please vote for my story and I'm open to any comments and suggestions
BINABASA MO ANG
Superpower Village
AdventureSabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa napili sa so called life changing experience at ang life changing experience na ito ay ang magkaroo...