Chapter 29 - Kasunduan

608 38 0
                                    


"masyadong mabagal!..naiinip ang panginoong thymós..."

Nagbalik sa dati nyang anyo si Pagoméno..at hinarap ang pinanggalingan ng boses kanina..

Pagoméno: wag kang makialam dito arcus! laban ko ito!

Nanatiling nakakubli ang tinawag ni Pagoméno na arcus..kami naman ni Carlo hinahanap yung may ari ng boses..pero tingin ko nakakubli sya dun sa sanga ng malaking puno na malapit sa pwesto nila ulley

"naiinip ang panginoong thymós... Pagoméno....hinihintay na nya ang kwintas para mahanap natin ang kinaroroonan ng hinirang"

Pagoméno: alam ng panginoong thymós na hindi ito magiging madali..ngunit sa tingin ko ikaw ang naiinip.. hindi ang panginoong thymós..huwag kang makialam dito kung ayaw mong madamay!

"hahahahaha! Wala akong balak na guluhin ang iyong laban..napadaan lang ako upang magbabala..pinapunta ako ng panginoong thymós dito upang makasigurado kung sumusunod ka sa napagkasunduan"

Pagoméno: huwag kang Mag alala hindi ako nakakalimot..susunod ako sa napagkasunduan..

" mabuti kung ganun..alam mo namang gusto ring kunin ng panginoong thymós ang kapangyarihan ni ulleynaia..napaka-kapakipakinabang nun sa kanya"

Pagoméno: wag nyo syang gagalawin..sumusunod naman ako sa usapan..

"paano Pagoméno..hihintayin ka na lang namin..at umaasang dala mo na ang kwintas"

Biglang gumalaw ang malaking sanga ng puno na malapit kila ulley..

Ulley: anong ibig sabihin nun Pagoméno? nakay thymós si ulleynaia?

Sumandal sa malaking puno si Pagoméno at tumingala sa kalangitan..

Pagoméno: wala akong magawa gurzil..napakalakas na ng kapangyarihan ni thymós..kung susuway ako sa gusto nya..gagamitan nya ng pinagbabawal na ritwal si ulleynaia..at alam nating parehas ang pwedeng kahantungan nun..bihag sya ni thymós sa kanyang palasyo..nakipagkasundo ako sa kanya..ang kaligtasan ni ulleynaia kapalit ng kwintas..hindi lang ikaw gurzil ang marunong magpahalaga at magsakripisyo..kaya ko ding gawin yun para sa pinakamamahal ko.. ngunit naiipit ako sa dalawang kasunduan...

Ulley: anong kasunduan iyon?

Pagoméno: bago ako pumunta dito..dumaan ako sa silid ni ulleynaia..hiniling nya sa akin na hanapin kita..kapag natagpuan na daw kita..tulungan kitang maligtas ang exousia..at panatilihin daw kitang buhay..iyan ang hiling nya sakin at ipangako ko daw iyon..dahil sa ayokong makita syang lumuluha at malungkot pumayag ako, isa pa nakita ko sa kanyang mukha ang matinding pagsusumamo...iyon ang kasunduan namin ni ulleynaia at yung isang kasunduan ay yung kasunduan namin ni thymós na makuha ang kwintas kapalit ng kaligtasan ni ulleynaia...anumang hindi ko masunod sa dalawang kasunduan parehas kalungkutan ang idudulot nito sakin...hindi ko na alam ang aking gagawin...Mahal na Mahal ko si ulleynaia..ayoko syang mawala sa akin..ikamamatay ko..ayoko din naman syang malungkot dahil sa bawat pagbalong ng luha sa kanyang mata dulot nito'y matinding kalungkutan sa aking puso..na tipong lahat gagawin ko wag lamang syang lumuha..ngunit paano ko gagawin??

Mahirap nga yung sitwasyon ni Pagoméno..

Ulley: may magagawa ba ako para matulungan ka?

Pagoméno: sa totoo lang wala pa akong naiisip na plano..masyadong malakas si thymós..lahat ng magustuhan nya kinukuha nya..lagi nyang ginagamit ang ipinagbabawal na ritwal..ang iba ay namatay dahil hindi kinaya ang ritwal..nakakalungkot isipin na ang dating masaya at payapa na exousia ay nababalutan ngayon ng takot at pangamba..

Carlo: bakit mo sa amin sinasabi yan? Hindi ba't pumanig ka na sa kanila..gusto mo ngang patayin si ulley..

Napatingin si Pagoméno kay Carlo na tila nagtataka..

Pagoméno: sinong ulley?

Carlo: ayan si gurzil..

Ulley: ang pangalang ulley ay ginamit kong pangalan sa mundo ng tao..kinuha ko sa pangalan ni ulleynaia..

napamaang lang si Pagoméno sa sinabi ni ulley..

Kulas: Pagoméno kung hindi mo mamasamain papatayin mo pa rin ba si ulley?

Pagoméno: hindi naman kasama sa kasunduan namin yun ni thymós dahil ang gusto nya sya ang papatay sayo..yung kwintas lang talaga ang kailangan ko..kaya ibigay nyo na ito sa akin para wala nang masaktan..

Kulas: yan naman ang hindi namin gagawin..dadaan ka muna sa aming dalawa ni Carlo..hindi biro ang pinagdaanan namin bago namin nakuha ang kwintas..dugo at pawis ang inalay namin dyan..sama mo pa ang uhog at luha..

Carlo: kadiri ka naman kulas..iyon yung inalay mo...eeeeewwwww...yak!

Kulas: arte mo Carlo!! Ikaw nga yung unang nahuli ni guruto...

Carlo: ako naman nakaisip ng paraan kung paano sya matatalo..

Kulas: e di wow! parang dalawa kaya tayo!

Pagoméno: hahahahahaha! Naaalala ko sa inyong dalawa ang aking sarili at si gurzil..ganyang ganyan kami noon..para kaming mga bata, kapag meron kaming di pinagkasunduan..

Carlo: oi....namimiss nya!! kiss mo nga sa noo!!

Pagoméno: ano yung kiss? Pagkain ba yun?

Carlo: oo yung tag pipiso..yung fish cracker...hahahaha!

Kulas: sira ulo ka talaga Carlo! Wag mong pansinin yang si Carlo...halik yun sa aming mundo..

Pagoméno: halik sa noo ni gurzil? parang hindi magandang tingnan..

Carlo: hindi talaga! Ano yun bromance ng may mga superpower hehehe...awkward..

Kulas: tumigil ka na nga carlo...puro ka kalokohan..

Nakatingin lang samin si Pagoméno at halatang di nya naiintindihan ang mga pinagsasabi ni Carlo...

Naglakad palayo sa amin si Pagoméno...

Ulley: saan ka pupunta?

Pagoméno: mag- iisip isip...kukunin ko pa rin ang kwintas sa inyo..paghandaan nyo ang araw na yun..may kailangan lang akong gawin..

Biglang nawala ang pagdilim ng kalangitan..ang nagyeyelong kapaligiran ay bumalik sa dati na parang walang pinagdaanang delubyo..kung anong itsura ng parke nung di pa ito nagyeyelo ganung ganun ang itsura nito ngayon..

Tuluyan nang nawala sa harapan namin si Pagoméno...

Ulley: halika na...

Sumunod na lang kami ni Carlo kay ulley..ganun lang yun...walang farewell message...tsk...ano naman kayang susunod na mangyayari..hay....






























Oo nga..anu bang susunod na mangyayari? Let's see... ^_^  yang mga villains talaga pa mysterious effect.. Mabisita nga sila sa next chapter hehe

Superpower Village Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon