Chapter 17 - Ang Regalo

851 54 8
                                    

Patuloy kaming nagpahabol sa panget na higante...

Kulas: hoy panget nandito kami!!!!! Hahahahaha! ang laki laki mo ang bagal bagal mo!!

Guruto: kapag nahuli ko kayong dalawa tatalupan ko kayo ng buhay!!!! Grrrrrraaaawwwrrrrr!!!!

Carlo: kung mahuhuli mo kami!!!! Hahahaha!!! ano ba yan napakakupad mo!!! dito oh....

Guruto: sige lang...magsaya lang kayong mga kutong lupa dahil sa bandang huli ako ang magiging masaya pagnahuli ko kayo!!! wahahahaha!!

Kulas: malabo yan!! di mo nga kami maabutan e hahahaha!!!

Patuloy naming inaasar ang higanteng panget at patuloy din sya sa paghabol samin ni Carlo..infairness kay ugly giant alam nya talaga kung nasaan kami kasi kahit bulag sya nasusundan nya kami...patuloy kami sa pagtakbo para matunton namin ang aming pakay na lugar...

Kulas: bilisan mo Carlo!! malapit na tayo...

Guruto: hahahahaha...malapit ko na kayong maabutan...hahahaha...naamoy kong malapit lang kayo sa akin...

sa wakas narating din namin ang itaas ng talon... hingal na hingal kami ni carlo...sumilip ako sa ibaba...whoa!! nakakalula.. ang taas pala talaga...

Carlo: hah! hah! hah! Kulas..kapain mo na..dahan dahan lang baka mahulog ka...

Kulas: saglit lang...yun naabot ko na! O eto yung sayo tali mo na sa katawan mo..eto yung sa akin...anong sunod nating gagawin?

Carlo: aarte tayo...

Kulas: paanong aarte? naku siguraduhin mo lang na gagana yang naisip mo ha...

Carlo: basta go with the flow ka lang..ayan na sya....maghanda ka na....."naku kulas! wala na tayong matatakbuhan!...mukang nasukol na tayo ng panget na higante na yan..." sabay kindat sa akin ni Carlo

Kulas: paano na Carlo?! "mukang dito na tayo mamatay...paalam na kaibigan..talagang tadhana na yata natin ang maging pagkain ng halimaw na yan"..pinipigilan ko ang matawa dahil sa kalokohan namin ni Carlo...

Carlo: paalam na mahal kong kaibigan...sige na higanteng panget kainin mo na kami tutal nasa kamay mo ang aming buhay...

Kulas: mamimiss ko ang mataba mong katawan na tuwing naglalakad ka naglalangis..ang namumutok mong taba na parang lechon baboy...ang hita at braso mo na parang murcon...

Lalong naglaway ang halimaw sa sinabi ko..halatang takam na takam na kaming kainin..mabilis syang tumakbo sa aming pwesto...maabutan na nya kami kaya dahan dahan kaming umurong..wala na kaming uurungan at konti na lang mahuhuli na kami ng higante kaya nagpasya kaming lumundag pababa sa talon..

Carlo & kulas: aaaahhhhhhhhhhh!!!!

Nagdire- direcho ang higante kaya na-out of balance sya.. kasama namin syang nahulog sa talon..mabilis bumulusok pababa ang higante...rinig na rinig namin ang dumadagundong nyang sigaw.....

Kulas: muntik na tayo dun ah...buti na lang gumana yung plano mo salamat sa mga baging na ito..." bilisan mong umakyat carlo"

Kasalukuyan naming hinihila ang baging na nakapulupot sa aming katawan...para kaming nagwo-wall climbing paakyat sa tuktok ng talon....tuluyan na kaming nakaakyat sa tuktok...

Carlo: hah! hah! hah!..yes nagawa natin!!!! kala ko katapusan na natin kanina buti matibay yung mga baging na nasa gilid ng talon..

Kulas: hah! hah! hah! galing talaga ng naisip mo Carlo! sabay high five at fistbump ....napatay kaya natin si ugly giant?

Carlo: Malay ko..tara babain natin para makita natin!

tinatahak na namin ang daan patungo sa kinabagsakan ng higante...tumambad sa amin ang wala ng buhay na katawan ng higante...

Kulas: nakakaawa naman sya noh..pero sya kasi e imbis na nakipagkaibigan satin pinagtangkaan pa tayong kainin....tara puntahan natin si lola para mabigyan sya ng maayos na libing....

Biglang di inaasahang pangyayari ang gumimbal sa amin ni Carlo...yung katawan ng higante! naging usok...pagkawala ng usok..may lumitaw na kulay tsokolate na kristal tapos sumabog sa ere naging parang pulbos na kumalat sa buong paligid....at dahil dun nagdulot ito ng kulay gintong liwanag sa buong paligid..medyo nakakasilaw kaya nagtakip kami ng aming mga mata...pagdilat namin......

Carlo: wow ang ganda!!!! nasa paraiso ba tayo kulas?!

Napakaganda ng kapaligiran...yung talon na puro bato lang kanina nagkaroon ng makukulay na bulaklak...meron ding bahaghari na nagbigay ng kakaibang rikit sa talon..nawala na ang hamog na tumatabing sa paligid...nangingintab ang matingkad na kulay luntian ng mga puno at halaman...tumatagos sa buong paligid ang sinag ng haring araw na nagbibigay buhay sa lahat ng nilalang... dumami ang mga hayop sa paligid parang nagmultiply sa isang iglap...ang mga ito ay tila nagdiriwang at makikita ang saya sa kanilang mga mata...

"Salamat sa pagbibigay buhay muli sa aming paraiso"

Lumingon kami sa nagsalita at nakita namin si Lola.. habang naglalakad sya papalapit sa amin..unti unting nagbabago ang kanyang anyo...naging isang napakagandang babae ni lola at may pakpak sya na napakamakulay sa likuran..isang napakagandang diwata!!!

" ako nga pala si ómorfo louloùdi...ang tunay na taga bantay ng bundok sherikandra...

Kulas: lola este Mahal na diwata..sa amin po ang karangalan..ibig pong sabihin huwad si ugly giant? pero paanong si ugly giant po ang naging tagabantay nung unang nagkausap po tayo?

" si guruto ay isang nilalang galing exousia..mayroon syang extraordinaryong pandama...dahil sa hindi balanse ang kapangyarihan sa exousia..naging ganoon ang itsura ni guruto at napadpad sa bundok sherikandra para dito manirahan dahil nahihiya sya sa kanyang itsura..kahit ganun ang itsura nya naging napakabait ni guruto sa lahat ng nilalang sa bundok sherikandra maliit man o malaki..nung una lahat ng pandama nya ay napakatalas..paningin..pang amoy..panlasa at iba pa..isang araw may bumisita kay guruto isang lalaking nakabalabal na itim...hindi ko nakita ang kanyang itsura dahil balot na balot sya ng balabal..hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila ngunit isang araw...nasa anyo na ako ng isang matandang babae..ang kabundukan ay napuno ng hamog at ako ay nawalan ng kapangyarihan...ang extraordinaryong pandama ni guruto ay pumurol..tanging matalas na pang amoy na lang ang natira...naisip ko na ipinagpalit nya ang kanyang kapangyarihan para maging bantay ng bundok sherikandra..naging sobrang gahaman ni guruto sa pagkain...halos lahat ng hayop ay kanyang kinakain..walang kabusugan si guruto..pati mga tao na naliligaw sa bundok sherikandra kinakain nya...

Kulas: tao? As in katulad po namin?

"oo"

Carlo: paano po nangyari yun?

"sa pamamagitan ng panaginip"

Kulas: nakakapasok ang tao sa bundok ng sherikandra dahil sa panaginip?

tumango lang ang mahal na diwata...magtatanong pa sana ako ng biglang may umilaw sa parteng leeg ko...ganundin kay Carlo...

" tanggapin nyo ang simbolo ng aming lubos na pasasalamat sa inyo...isang regalo...iyan ang bato ng kósmima..dahil sa pinakita nyong kabutihang loob..katapangan at katalinuhan..tataglayin nyo ang kapangyarihan ng kwintas na iyan...marami pa sana akong gustong malaman ng biglang nagsalita ang mahal na diwata

"mukhang kailangan na kayong bumalik sa inyong mga katawang lupa...ang oras nyo sa bundok sherikandra ay tapos na.....muli....taos puso ang aming pasasalamat sa inyong dalawa"

Carlo & kulas: bumalik sa katawan?!















Hmmmm...hala kaluluwang ligaw kayo kulas at Carlo?!!!! Scary ha hehehehe....hmmmm....nu na kaya sunod na mangyayari saka nasaan yung katawang lupa ng dalawa??? Naintriga naman ako.....let's see....
By the way omórfo louloùdi means beautiful flower in greek word...on my story diwatang tagabantay ng bundok sherikandra

Kósmima means gem ornament in greek word...... In my story.. Mahiwagang bato na simbolo ng katapangan, katalinuhan at kabutihang loob...kapangyarihan ng bato- secret muna hehehehe..

Keep safe everyone... Have a great day ^_^




Superpower Village Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon