Biglang napuno ng nakasisilaw na liwanag ang buong silid aklatan..may narinig kaming dagundong parang mabigat na bagay na hindi ko maipaliwanag kung gumuguho ba o ano...pagtingin ko sa kaliwa bumubukas ang pintong bato na parang sobrang kapal ng tipak na nasa aming kaliwa..yung pintuan papunta sa silid ng mga magos bumubukas! nakahinga kami ng maluwag sa wakas makakaharap na rin namin ang mga magos..nag-high five kaming tatlo..woo!!! eto na yun! medyo kinakabahan pa rin ako kasi hindi ko alam kung ano ba ang mangyayari sa pakikipagharap namin sa mga magos..ano ba sila mabait? Strikto? Namamalo ng tungkod? Hehe..ano kayang mga itsura nila?
tuluyan nang bumukas ang silid ng mga magos..humakbang kami papalapit sa pintuan ng silid..bumungad sa amin ang napakalaking silid na napakaraming nakapalamuting ilaw at sa parteng gitna ay may nakapalamuting napakagandang chandelier na may kulay puti na ilaw na tila sumasayaw..nilapitan namin ang chandelier at nagulat sa aming nakita yung mga puting ilaw hugis maliliit na babae na sumasayaw.. parang fairy..tapos from fairy form to light form.. Ang ganda...
"maligayang pagdating sa aming silid mga xénos..gayundin sa iyo gurzil"
Biglang lumitaw sa aming harapan ang tatlong babae...homaygad!!!!!! Eto yung mga magos?!!! Ang gaganda naman nitong mga toh!! Ok lang na nahirapan kami sa pagsubok..parang knight In shining armor kaming tatlo..woo! Tag iisa ng partner since tatlo kami...mini mini maynimo mo na lang! kaso patas sa ganda yung tatlo! Walang tapon lahat panalo..
"pagdampi pa lamang ng inyong mga panyapak sa aming mundo alam na namin ang inyong pakay sa pagbisita sa amin..at binabati namin kayo dahil napagtagumpayan ninyo ang mga pagsubok patungo sa aming silid ngunit hindi pa iyan ang pagsubok na dapat ninyong harapin upang maging katuwang kayo ni gurzil sa kanyang misyon at makuha ninyo ang aming basbas.."
natigilan ako sa pagpapantasya sa tatlong magos at napatingin kay Carlo..si Carlo! Nakatulala at nakanganga!
Kulas: hoy Carlo! Pasukan ng langaw yan! Sarado mo! Tulo pa laway mo oh!
Carlo: naniniwala ka ba sa love at first sight kulas? parang nandito yata sa exousia yung destiny ko at wala sa mundo natin...hay..ano kayang pangalan nya...tila naenkantong wika ni Carlo... Mesmerize na mesmerize si Carlo sa mga magos
Natawa ang tatlong mga magos
"hindi pa pala kami nagpapakilala ako si Leticia...sabi nung babaeng pula ang buhok...
"ako naman si Minerva.. sabi nung babaeng dilaw ang buhok...
At ako naman si Anna.. sabi nung babaeng itim ang buhok..
Carlo: ah-nna? napakaganda mo..para kang anghel na bumaba sa lupa at nagsabog ng kaligayahan sa puso ng mga tao at ako lahat ang nakasalo dahil sa sobrang ligaya na nararamdaman ko dahil sa nasa harapan kita ngayon
Napahagikgik naman ang mago na nagngangalang Anna
Kulas: ahh..mawalang galang po...magagandang mga pantas ng exousia.. Ano po ba ang pagsubok na kailangan naming harapin?
"kailangan ninyong akyatin ang bundok sherikandra..dito namin malalaman kung mayroon kayo ng aming hinahanap"
Kulas: kailan po kami namin sisimulan ang pagsubok?
"ngayon din..."
Kulas: po?! walang pahinga?! kakarating lang po namin dito
"wala nang oras..kailangan nyo nang maisagawa ang pagsubok..nakikita nyo ba ang lagusan na iyan na natatakpan ng baging? Diyan kayo papasok papuntang bundok sherikandra"
Kulas: tara na ulley..ba-.......
" maiiwan dito si gurzil..kayong dalawang xénos lang ang gagawa ng pagsubok"
Kulas: xénos?
Ulley: estranghero ang ibig sabihin ng xénos sa aming salita
Kulas: Carlo tara na saka ka na lumablife pag natapos na natin yung pagsubok...
Hinila ko na si Carlo..nagpapabebe wave pa sa mago na nagngangalang Anna... Ano yan aldub lang...kelan pa naging batchoy si alden hahahaha!
Tinapik kaming parehas ni ulley sa balikat..ingat kayo pre..aantayin ko ang inyong pagbabalik...
Taray ni Carlo inlababo...ano kayang haharapin ng magkaibigan paakyat ng bundok sherikandra? Saka ano ba yung hinahanap ng mga magos? We'll See........have a great day everyone ^_^ keep safe always ^_^
BINABASA MO ANG
Superpower Village
AdventureSabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa napili sa so called life changing experience at ang life changing experience na ito ay ang magkaroo...