Chapter 26 - balik tanaw

683 41 2
                                    


Naglalakad lakad kami sa pampang at patuloy na sinusundan yung dilaw na liwanag galing sa kwintas

Kulas: ulley tingnan mo yung dilaw na liwanag nasa ibang direksyon na yung tinuturo at palayo na sa tubig...yung totoo nagteteleport yung hinirang..palundag lundag lang kung saan saan..

Ulley: hindi rin kita masasagot sa parte na yan kulas..hayaan mo pag nakita na natin yung hinirang interrogate natin sya para malaman natin sagot sa tanong mo hehehehe

Kulas: nagtataka lang kasi ako..kung saan saan syang direksyon napupunta..ano yung hinirang malikot lang?? parang kitikiti lang??

Carlo: hayaan mo sya trip nya yun eh..titigil din yun pag napagod na...pero ako pagod na kakalakad..paano ba tayo aalis dito? wala na tayong bangka..wala tayong ibang means of transportation dito maliban na lang kung lilipad tayo..

Nag-isip saglit si ulley at inutusan kaming pagdikitin ang kwintas at sabihing àrma

mula sa kalangitan isang karwahe na hila ng isang kabayong may pakpak o Pegasus... Ang papalapit sa aming kinatatayuan...

Carlo: Wow!!! sasakay ba tayo dyan ulley?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Carlo: Wow!!! sasakay ba tayo dyan ulley?

Ulley: oo..nagrereklamo ka na kasi e hahahaha!

Carlo: anu ka ba nagsasabi lang naman ako ng totoo..

Ulley: patola ka naman e.. binibiro ka lang..ok na din yan para mapabilis ang paglalakbay natin..

Tuluyan nang nakababa ang karwaheng hila ng kabayong may pakpak..isa itong kulay puting pegasus na may kumikinang na mga pakpak...napakaganda nya...

Ulley: kamusta aking kaibigan?


"ikinagagalak kong makita ka gurzil"

Ulley: Carlo,kulas..eto ang aking kaibigan na si horatio...

Ngumiti kami ni Carlo sa Pegasus at yumukod ito sa harap namin

"ikinagagalak ko kayong makilala..halina't hayaan nyong tulungan ko kayo sa inyong paglalakbay...sumakay na kayo sa karwahe"

nakakamangha talaga yung mga hayop na nagsasalita pero di na ako nagulat ilang mythical creature na ba ang nakasalamuha namin at lahat nagsasalita..

Sumakay na kami sa karwahe na hila ng pegasus..ilang segundo lang nasa himpapawid na kami...ito yung katuparan ng pangarap ko na makalipad..ang sarap sa pakiramdam..ang sarap ng simoy ng hangin..fresh na fresh..tapos yung mga ulap ka-face to face ko lang...napakamagical nung pakiramdam tapos may pegasus pa sa harap namin na animo punumpuno ng fairy dust yung pakpak at isinasaboy sa buong paligid dahil sa mga makikinang na bagay na nahuhulog sa pakpak nya...

ang saya siguro kung magkaroon ako ng alagang ganito..iwas traffic..iwas..baha..at higit sa lahat libre pamasahe hehehe..astig lang kung iisipin..

Superpower Village Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon