Chapter 7 - rebelasyon

1.2K 55 23
                                    

Di namin inasahan ang aming nakita ni Carlo sa dorm ni ulley...napanganga kami parehas sa pagkamangha

Isang lalaking matangkad..may malaking katawan na animo wrestler....malalaki ang namumutok nyang mga muscles sa katawan..nakakatakot kung titingnan mabuti..kasi parang isang suntok lang nito sayo titilapon kana ng sobrang layo..yung abs nya sa katawan akala mo tig tatatlong pisong pandesal sa laki..may suot syang sandalyas na may simbolo ng kidlat

Carlo: woah pre! Sino kaya yan??

nagulat ako nang biglang nilapitan ni carlo yung lalaking may malaking katawan..huli na para pigilan ko pa sya..kaya mabilis ko syang sinundan..naku wag naman sana nya kaming saktan..wala kaming laban sa laki nito..

Carlo: kuya excuse me po..magtatanong lang po sana kami kung dito po ba yung kwarto ng kaibigan namin na si u-........

Carlo & Kulas: ULLEY?!!!

Lumigid ako palapit kay ulley..gulat na gulat pa din ako sa aking nakikita..

Kulas: ulley ikaw ba talaga yan?! Anong nangyari sayo?! paanong naging ganyan yung itsura mo?!

Ulley: hep!! Isa isa lang ang tanong kulas..mahina ang kalaban..

Napaatras at napanganga kami ni Carlo nung marinig naming magsalita si ulley..akala mo kulog na dumadagundong..nagulat na lang kami nung bigla nya kaming nilapitan at sabay na tinapik dahan dahan ang aming mga panga paitaas

Ulley: baka pasukan ng langaw..kanina pa kayo nakangangang dalawa dyan...hehehe

dahil sa ginawa ni ulley medyo nakabawi kami sa aming pagkabigla..

Ulley: ako talaga ito..at ito talaga ang tunay kong itsura..nagbalat kayo lang ako dahil sa misyong nakaatang sa akin..galing ako sa exousia..lugar ito kung saan ang lahat ng nakatira dito ay may di pangkaraniwang abilidad..superpowers kung tawagin sa inyong mundo....nakangiting saad ni ulley

Kulas: misyon? Ano namang misyon yun?

Ulley: hinahanap ko kasi sa mundo nyo ang hinirang..sya ang magiging susi para mabalanse ang kapangyarihan sa aming mundo..dahil sa pagkapunta ng hinirang sa inyong mundo nawala ang balanse ng kapangyarihan sa aming mundo..sa ngayon kasi medyo nagkakagulo sa exousia dahil sa mga kalahi ko na ginagamit ang kanilang kapangyarihan sa kasamaan..ginagawang alipin ang may mahihinang kapangyarihan at minsan pa nga ay pinipilit kuhanin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng ipinagbabawal na ritwal na kung tawagin namin ay klopi..kailangan ko nang mahanap ang hinirang sa lalong madaling panahon

Kulas: paano naman napunta sa aming mundo ang hinirang? Saka kilala mo ba sya?

Ulley: hindi.. Ayon sa mga mago o mga pinakamatalinong tao sa aming mundo..nagkaroon ng hindi inaasahang salpukan ng mga bituin at mga buwan sa a-........

Carlo: mga buwan?! Ilan ba ang buwan sa mundo nyo?

Ulley: mas marami pa sa buhok mo

Carlo: ano?! Ganun kadami?! Grabe naman yang mundo nyo dinaig pa yung planet Jupiter na may 63 moons..anu yan kada isang bituin may katandem na buwan?

Ulley: hindi mas marami pa rin ang mga bituin sa amin kaysa sa buwan

Carlo: kaya pala nagkaroon ng salpukan ng bituin at buwan sa inyo dahil over populated na.. Anu ba yang mga buwan sa inyo..nanganganak?

Ulley: hahahaha! ganun na talaga ang mundo namin..simula't simula pa..natatawang sagot ni ulley kay carlo

Carlo: weird.. Pero astig..sana makita ko yung lugar nyo..Sobrang ganda siguro dun sa inyo...

Kulas: "pasaway ka Carlo..di na natapos ni ulley yung sinasabi nya..extra ka ng extra e".. sabay tingin ko kay carlo ng nakasimangot..si Carlo naman naka peace sign lang na tatawa tawa.."Ano nga ulit yun ulley yung tungkol sa salpukan ng mga bituin at mga buwan?.. natatawang bumaling ulit sa akin si ulley

Ulley: ayun nga nagkaroon ng di inaasahang salpukan ng mga bituin at mga buwan sa aming mundo at dahil dun nagkaroon ng malaking pagsabog sa kalawakan na naging dahilan para magkaroon ng mahiwagang lagusan sa kalawakan..yung paglabas ng lagusan sakto naman sa pagsilang ng bagong hinirang..ang mga hinirang kasi ay mga espiritu ng kalawakan na may basbas ng mga theos..sa sobrang lakas ng kapangyarihang taglay ng hinirang kaya nyang kontrolin ang lahat ng uri ng kapangyarihan sa aming mundo..ang hinirang kasi ay bababa sa aming mundo bilang isang bulalakaw..nung time na pababa na yung hinirang bilang bulalakaw..biglang hinigop ng mahiwagang lagusan at napunta sya dito sa mundo nyo...

Kulas: paano mo naman nalaman na dito sa mundo namin napunta yung hinirang nyo?

Ulley: nakalimutan mo yatang mundo kami ng may mga di pangkaraniwang abilidad kulas..

napakamot ako ng ulo sa sinabi ni ulley..shunga lang..

Ulley: meron lang akong isang bagay na pinapanalagin sa mga theos

Carlo: ano naman yun ulley?

Ulley: sana isang tao na may mabuting puso ang unang nakadaupang palad ng hinirang..dahil kung tao na may maitim na budhi na puno ng kasakiman galit at paghihiganti ang kanyang unang nakadaupang palad..malaking panganib ang dulot nito sa aming mundo at sa inyong mundo..

Kulas: wait lang tol..tama ba yung narinig ko pati mundo namin nasa panganib? bakit naman?

Ulley: kung naimpluwensyahan ng kasamaan ang hinirang..ang mundong kanyang sinilangan at pinagmulan ay maari nyang wasakin..tulad kasi ng isang bagong panganak ang pagsibol ng hinirang..kung ano ang ituturo ng kanyang magigisnang magulang iyon ang kanyang isasabuhay..kung puro kabutihan ang kanyang kagigisnan walang hanggang kapayapaan ang ating makakamtan..ngunit kung puro kasamaan asahan nyo ang katapusan ng buhay sa lahat ng nabubuhay na nilalang kasama na ang mundo namin

Carlo: e di ba sayo na rin nagmula may di pangkaraniwang abilidad ang mga tao sa inyong mundo..knock on wood.. di nyo ba kayang pigilan ang hinirang kung sa masamang tao sya napunta?

Ulley: ikinalulungkot ko Carlo ngunit hindi...masyadong malakas ang hinirang..kahit pagsamasamahin pa ang kapangyarihan ng lahat ng tao sa exousia..hindi namin sya kayang talunin

Kulas: alam mo na ba kung saan hahanapin ang hinirang?

Ulley: hindi pa nga e..

Kulas: gusto mo tulungan ka namin?

Carlo: oo nga ulley..the more yung naghahanap mas mapapadali mong makita ang hinirang

Namimilog na nagniningning ang aming mga mata ni Carlo sa excitement habang nakatitig kay ulley at naghihintay ng kanyang sagot

Ulley: hmmm....sige....pagiisipan ko.. Hahahahaha...nga pala bakit nga pala kayo nagawi sa dorm ko?

Bigla kaming nagkatinginan ni Carlo





Hi dear readers ^_^....sa tingin nyo isasama kaya ni ulley yung dalawa? hehehehe...by the way credits to google para dun sa mga greek words na ginamit ko na binigyan ko lang ng ibang kahulugan..hanyummy ni ulley..pwede bang sumama din ako..

Exousia - in greek word it means power....lugar kung saan ang mga nakatira ay may di pangkaraniwang abilidad or so called superpowers

Klopi - in greek word it means stealing.... Ipinagbabawal na ritwal sa exousia kung saan sapilitang kinukuha o inililipat ang kapangyarihan

Mago - in greek word it means wizard or wiseman.....pinakamatatalinong nilalang sa exousia

Superpower Village Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon