Bumungad sa akin ang napakalawak na hardin..napapalibutan ng mayayabong na puno ng olibo..at makukulay na mga bulaklak na tila sumasayaw dahil sa malakas na ihip ng hangin..Sa gawing kanan ay may malaking fountain na may estatwa ng babaeng may bitbit na banga na nakapatong sa kanyang balikat..ang tubig ay mala Kristal sa linaw at tila may mga diamanteng kumikinang..
maraming mga paru-paro at iba pang insekto na nagliliparan sa hardin..hindi ko lang alam kung ano yung ibang insekto hindi ko kilala e parang kakaiba..patuloy ako sa paglalakad nang biglang may tumawag sa pangalan ko....si Carlo at ulley..nilapitan ko yung dalawa
Carlo: buti na lang nasagot mo yung bugtong kulas..kanina pa ako nagdarasal na sana ok ka..at hindi ka napahamak
Kulas: oo nga e para kayang butas ng karayom yung pinagdaanan ko sa sphinx..muntikan na ko dun konti na lang tinuhog na butiki na labas ko
Ulley: ano bang nangyari?
Kulas: ganito kasi yun.........
(scene earlier bago magkita kita ang magkaibigan)
Muli kong tiningnan ang hourglass.. Paubos na ang laman!
Sphinx: ano ang iyong sagot binata?
Malapit nang tumama sa akin ang dalawang sibat
Kulas: sasagot na ako! Ang aking sagot ay..........
(tengene bahala na!....kung oras ko na oras ko na...pumikit na lang ako sabay sabi ng aking kasagutan)
NGIPIN!!!!!
Gabuhok na lang ang pagitan ng tulis ng sibat sa aking dibdib..pinakiramdaman ko ang aking sarli..wala akong nararamdaman..mukang namanhid yata ang buong katawan ko sa sobrang kaba kaya wala na akong maramdaman..bigla akong may narinig na parang lumangitngit...dinilat ko ang aking mata at nagulat sa aking nakita..yung tarangkahan bumukas na! Ibig sabihin tama yung sagot ko! bigla namang nagsalita yung sphinx..
Sphinx: tama ang iyong kasagutan binata..maari ka ng pumasok..
Kulas: marami pong salamat!
Lumingon ako sa sphinx bago ako pumasok sa loob at unti unti syang naglaho na parang haliging buhangin na hinipan ng hangin
(present scene)
Kulas: at iyon nga ang buong nangyari kanina..
Carlo: paano mo naman naisip na ngipin sagot?
Kulas: sa totoo lang di ko alam yung sagot..handa na nga akong mamatay..nakachamba lang ako..nung nakaamba na kasi yung sibat sakin tinanong nya ako kung anong sagot ko.. E medyo nakausli yung ngipin nya..napaisip tuloy ako na maaring iyon ang sagot kasi ang sabi sa bugtong "hindi makita ng nagbukas, ang kaharap ang nakamalas" o isipin mong mabuti..hindi nakita ng nagbukas..e di naman nakita ng sphinx na nakausli ngipin nya nung binuka nya yung bibig nya nung tinanong nya ako..tapos ako yung nakamalas ng ngipin nya dahil ako yung kaharap nya..
Carlo: ang galing mo sa part na yun tol ha..
Kulas: naku! wag na natin isipin yun..para akong maiihi sa salawal tuwing maaalala ko yun.. ang mahalaga nakapasok tayo at ligtas tayo..
Tumango tango naman ang dalawa bilang tugon sa aking sinabi..
Nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang pintuan ng bulwagan..napakalaki ng bulwagan parang isang palasyo...
sa parteng pintuan may mga nakaukit na simbolo na hindi ko maintindihan..halos mapuno ang buong pintuan ng simbolong nakaukit..
Carlo: ulley ano yung mga nakaukit na simbolo?
Ulley: mga letrang nakaukit ang mga iyan
Carlo: napakadami..anong ibig sabihin ng nakasulat?
Ulley: Bawal ang Bobo!
Carlo: ano?! Sa dami dami ng nakaukit na simbolo..bawal ang bobo lang ang ibig sabihin?!
Carlo: siguro sobrang daming "bobo words nyan"
Natatawa ako na nawiweirduhan sa pintuang nasa harap namin..kahit kasi ako nagulat na iyon lang ang ibig sabihin nun..
Ulley: kaya nga may punong bantay sa tarangkahan ng bulwagan para subukin ang inyong kaalaman..dahil hindi basta basta ang loob ng bulwagan..hindi maiintindihan ng mga mangmang na nilalang ang hiwaga ng bulwagan..dahil bago ka makarating sa loob marami pang pagsubok ang dapat harapin
Kulas: ibig sabihin hindi lang sphinx ang pwede naming makaharap bago kami makapasok sa loob at makausap ang mga magos?
Ulley: hindi ko masabi pwedeng oo..pwedeng hindi depende..bawat pinto kasi sa loob may natatagong sikreto
Nakapasok na kami sa pintuan ng bulwagan nang may biglang bumungad na naman sa amin na pinto
Kulas: pinto sa bungad..pinto na naman..pustahan pagkalagpas natin sa pinto na yan..may pinto na naman..
May nakita kaming mga letra na nakasulat sa dahon ng pinto
"KZHLP YFPZH ZMT KRMGL"
Kulas: ulley alam mo ba yung ibig sabihin ng nakasulat?
Ulley: hindi eh
Carlo: wait parang may nakita na akong ganito sa mga pinapanood ko na movie na about sa mysteries and secrets
Pinakatitigan ni Carlo ang mga letra at saglit na nag isip
Carlo: alam ko na! Decoding of letters! Backward alphabet code!
Lumabas ulit si Carlo sa unang pinto nagtataka kami kung saan sya pupunta kaya sinundan namin ni ulley
Pumulot ng maliit na putol na sanga si Carlo at nagsimulang magsulat sa lupa
Kulas: English alphabet?? Tapos English alphabet na binaligtad? Anong gagawin mo dyan?
Carlo: basta magdedecode tayo para makapasok tayo sa pinto..secret message yung nakalagay sa pinto dapat nating malaman
Pagkatapos magsulat ng English alphabet ni Carlo sa lupa..kumuha naman sya ng dahon na nalaglag sa lupa pero fresh pa yung dahon then may hawak pa syang manipis na sanga...ano kayang gagwin ni Carlo dun?
Pumasok na naman si Carlo sa loob..saglit kaming naghintay ni ulley sa labas..wala kaming matutulong sa kanya sya ang mas nakakaalam nun..ilang saglit lang lumabas na si Carlo.. Dala pa din yung dahon na bitbit nya kanina papasok sa loob..lumapit sya sa mga letrang nakasulat sa lupa..tiningnan nya yung dahon..pagsilip ko sa dahon nakasulat yung mga letrang nakaukit sa dahon ng pinto..ibig sabihin ginawa nyang papel yung dahon at lapis naman yung maliit na sanga..taba talaga ng utak nitong bestfriend ko parang katawan lang nya hehehe..
Sinimulan na ni Carlo ang pagdedecode ng secret message.. Buti na lang kasama namin si Carlo at alam nya yan kundi pare pareho kaming kamote..pumulot na naman si carlo ng dahon at sinulat dun yung dinecode nya...
Ilang saglit lang tawa na ng tawa si Carlo napatingin kami sa kanya na may halong pagtataka
Kulas: hoy Carlo! Mautot ka dyan tawa ka ng tawa..may nakakatawa ba sa ginawa mo?
Di makausap ng maayos si Carlo kakatawa, di kaya nasapian na si Carlo ng kung anong espiritu kaya nagkaganun..napatingin ako kay ulley..napamaang lang sya..
Ano kaya yung secret message?
Bakit kaya tawa ng tawa si Carlo? At
Ano nga kaya yung message na nasa pinto? Kayo ba nadecode nyo na? Hehehehe....try nyo po masaya ^_^ do it yourself..baka matawa din po kayo katulad ni Carlo..Pinto ng bulwagan on the multimedia fit yung dalawang tao na nasa picture parehas ni kulas at Carlo..mataba at payat hehehe
BINABASA MO ANG
Superpower Village
AdventureSabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa napili sa so called life changing experience at ang life changing experience na ito ay ang magkaroo...