Taong 1705Fernando: "Anak di pa ba tapos yan pinapagawa ko sayo?"
Gomordino: "Malapit na po ama!..konting pukpok na lang po maayos na yung hulma ng espada.."
Fernando: "Patingin nga..ang galing galing mo talaga anak..manang mana ka talaga sa akin..pagdating ng panahon magiging isang magaling na panday ka din..o sya..tawagin mo na ang kakambal mong si soddomina baka hinahanap na tayo ng inyong ina..halina at kumain na ng pananghalian..
Gomordino: "Soddomina!!! nasaan ka na ba?"
Soddomina: "nandito ako kapatid ko..halika at may ipapakilala ako sayong bagong kaibigan..alberto ito ang aking kakambal na si Gomordino"
Alberto: "Ikinagagalak kitang makilala gomordino..ako nga pala si alberto"
Gomordino: "Ikinagagalak din kitang makilala alberto"
Soddomina: "Anak sya ng punong tagapamahala sa bayan aking kapatid..tinulungan nya ako sa pagdala ng mga pinamili ko sa bayan na ibinilin ni ina sa akin"
Gomordino: "Salamat sa pagtulong sa aking kakambal alberto"
Alberto: "kasiyahan ko na siya ay matulungan..sa muling pagkikita soddomina..paalam sa inyo.."
tinanaw namin ang papaalis na si alberto...
Soddomina: "napakamaginoo nya hindi ba gomordino.."
Gomordino: "may pagtatangi ka ba sa kanya mahal kong kapatid?"
Soddomina: "Ha? w-wala.."
Gomordino: "wag mo nang itanggi soddomina kambal tayo..anumang nararamdaman mo ay nararamdaman ko din..batid ko ang kasiyahan na iyong nadarama..ngunit paalala ko lamang sa iyo..bagong kakilala mo pa lamang siya..kailangan mo muna siyang makilalang mabuti"
Soddomina: "naiintindihan kita kapatid ko..hindi ko lamang mapigilan na humanga sa kanyang pagiging maginoo.."
Gomordino: "natural lang iyang nararamdaman mo..sa akin lang naman ay mas makakabuti kung makikilala mo siyang mabuti..kung anong klaseng tao sya..o kung anong ugali ang meron siya..o sya..halika na at baka hinahanap na tayo ni ama't ina.."
Lumipas ang mga araw..napapadalas ang pagbisita ni alberto sa aming tahanan..batid ko ang sobrang kasiyahan na idinudulot ng presensya ni alberto sa aking kakambal..hindi naman ako tutol sa kanilang pagkakaibigan..ngunit batid kong hulog na hulog na ang loob ng aking kakambal kay alberto..
Sa paglipas ng panahon mas lalo pang naging malapit si alberto at si soddomina..ako naman ay abala sa aming munting kabuhayan bilang panday kasama ng aking ama..kahit ganitong payak lang ang aming pamumuhay masasabi ko naman na hindi magpapahuli ang aming simpleng kabuhayan sa mga kilalang bilihan ng mga sandata..mayroong kakaiba sa mga sandatang aming ginagawa na binabalik balikan ng aming mga parokyano...ang iba ay para sa isang buong sandatahan kung kumuha sa amin ng aming mga gawang sandata..ang iba ay para pambenta lamang..sabi ng aming mga parokyano kakaiba daw ang aming mga sandata sapagkat hindi ito nangangalawang o pumupurol..parang palaging bago..
Dahil sa aming mga gawang sandata naging tanyag ang aming kabuhayan sa iba't ibang lugar..nag akyat ito sa amin ng limpak limpak na kita..umunlad ang aming pamumuhay at ang dating payak naming pamumuhay ay aming napaunlad..ang aming pandayan ay aming pinalago..nagkaroon na rin kami ng mga tauhan na tumutulong sa amin para mas lalo pa naming mapaunlad ang aming pamumuhay..
BINABASA MO ANG
Superpower Village
AdventureSabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa napili sa so called life changing experience at ang life changing experience na ito ay ang magkaroo...