Ulley: kanina ko pa kayo hinahanap na dalawa saan ba kayo nagsususuot?? saka bakit nasa inyo yang sandata nung kambal na zombie??
Carlo: dito lang sa tabi tabi..pumaslang ng maraming uwak tapos nakipagfriendship sa mga zombies kaya voila!! may pamana sa aming sandata..
Ulley: weh? binigay talaga yan sa inyo??
Carlo: oo nga brad..binilin sa amin ni kulas na gamitin daw namin sa kabutihan..alang alang sa legacy nung magkapatid na zombie..
Ulley: e ano pang tinatayo nyong dalawa diyan..tara na bitbitin nyo na yan..
Kulas: yun nga yung problema e kahit anong bitbit namin di namin mabuhat..ikaw nga ulley try mo nga buhatin yung mga sandata since may superpower ka naman baka ikaw mabuhat mo..
Ulley: sige..ummmppphhhh!!! Ambigat nito ha..try ko idoble yung lakas ko..eto na..uuuummmppphhh!!! Haaahh!! Haahh!! Mukang kahit ako na may superpower na super strength di ko mabuhat..umangat nga pero gakuko lang..hay....
Carlo: ganito kasi yan base sa istorya ni shreky kung kaninong dugo yung nakaregister diyan iyon yung kikilalanin ng sandata..e since dugo nila nakaregister diyan..ayun..access denied tayong tatlo..
Kulas: lupet pala ng sandata nila e parang cellphone kapag di mo alam password hindi mo magagamit..ok sa verification code ah..dugo ang basehan..
Ulley: mukang kailangan natin ng tulong ng mga mago..pano ba..hmmm...alam ko na..dadalin ko toh sa exousia..idudulog ko sa kanila ang bagay na ito..kayo muna ang magpatuloy sa paghahanap sa hinirang..babalik din ako agad..
Carlo: e pano mo dadalin hindi mo nga din mabuhat di ba..
Ulley: teleport..hahawakan ko lang naman yang dalawang sandata na yan kasama ko din na mateteleport yan papuntang exousia di ko nga lang mabibitbit..touch touch mode lang ako..
Kulas: sige..pero bilisan mo ha..alam mo namang newbies lang kami nitong si carlo e..baka mamaya makaharap kami ng kalaban na pangmalakasan..di namin alam yung gagawin namin..
Ulley: ano ba kayo..nandiyan man ako o wala sa tabi nyo kayang kaya nyo lahat..magtiwala lang kayo sa inyong mga sarili saka lalong lalo na sa dakila sa lahat..saka di kayo papabayaan ng kwintas..pangako babalik din ako agad..
Mabilis na nagteleport si ulley pabalik ng exousia..kaya naiwan ang dalawang magkaibigan..napagpasyahan nilang umuwi muna sa kanilang mga bahay upang magpahinga..habang tinatahak nila ang daan pauwi sa kanilang bahay..biglang umilaw ang dalawang kwintas..nagkatinginan ang magkaibigan..dahil kaiba sa lahat ang inilalabas na liwanag ng kwintas...
ngayon lang nila nakita na naglabas ng kulay bahagharing liwanag ang kwintas..mula sa kanilang mga leeg lumutang ang kwintas sa ere at naging isa..ang kaninang bahagharing kulay na nakapalibot sa kwintas ay naging maliliit na bola ng liwanag na kasing laki ng holen..pinalibutan nito ang paligid ng kwintas at isa isang pumasok ang bola ng liwanag sa kwintas at sa isang kisapmata naglaho ang kwintas..naiwang nakamaang ang dalawang magkaibigan..
BINABASA MO ANG
Superpower Village
AdventureSabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa napili sa so called life changing experience at ang life changing experience na ito ay ang magkaroo...