Nagulat kami sa sinabi ni ulley na kailangan naming sumama sa kanya papuntang exousia..mukang seryosohan na talaga ito
Kulas: kailan naman ang alis natin papuntang exousia?
Ulley: ngayon din
Carlo: saglit lang! wala pa tayong baon sa byahe magugutom tayo nyan..pwede bang mag drive thru muna tayo sa jollibee? saka di ba pwedeng umuwi muna kasi baka kulangin yung pamasahe ko
Ulley: wag ka na bumili ng pagkain Carlo.. maraming masasarap na pagkain sa mundo namin na wala sa mundo nyo..saka di mo kailangan ng pamasahe dahil dito tayo dadaan sa lagusan na bubuksan ko
Carlo: talaga?! Wow.. mas lalo akong naexcite na pumunta sa exousia..nagniningning ang matang sagot ni carlo
Biglang humangin ng malakas at biglang nawala si ulley sa aming paningin..napaatras kami ni carlo sa sobrang lakas ng hangin sa paligid tila may ipo ipong nabuo sa silid ni ulley..tumigil ang malakas na hangin at bigla na lang may lumitaw na nakasisilaw na liwanag..tinakpan namin ang aming mga mata ng aming mga braso dahil hindi kami makakita ng maayos dahil sa nakasisilaw na liwanag..napansin kong unti unting humuhupa ang nakasisilaw na liwanag..at dahil doon inalis na namin ang pagkakatabing ng aming mga braso sa aming mga mata..isang lagusan ang tumambad sa aming harapan..kulay ginto ang sinag ng liwanag na lumalabas dito at sobrang aliwalas sa pakiramdam ng hanging tumatama sa aking balat na nagmumula rito
Carlo: tol patay na ba tayo? bakit parang nasa pintuan na tayo ng langit?..hindi kaya nakulitan sa atin si ulley at pinatay na nya tayo?
Kulas: baliw! bakit naman gagawin sa atin ni ulley yun e ang bait bait nun..saka di ba sabi nya gagawa sya ng lagusan patungong exousia..baka ito na yun
Kinabahan kami parehas ni carlo nang bigla na lang may aninong papalapit sa amin galing lagusan..naramdaman ko na lang na may humila sa aking mga braso na aking ikinagulat
Kulas: ay sampung kunehong kuba!!!!!
Ulley: relaks lang kulas..ako lang ito si ulley
Kulas: pambihira ka naman brad ginulat mo kami!
Ulley: paumanhin kung natakot o nagulat ko kayo..kanina ko pa kasi kayo inaantay sa lagusan ngunit hindi kayo gumagalaw sa inyong kinatatayuan
Kulas: sorry tol shock lang kami..akala kasi namin ni carlo..pinto papuntang langit na yan e
Ulley: hahahaha! napaka mapagbiro nyo talagang dalawa ni carlo..halika na at nang makita nyo ang ganda ng exousia
Dahan dahan kaming humakbang papalapit sa lagusan..huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa lagusan
Napakaganda ng tanawing tumambad sa aming harapan pagkapasok namin mula sa lagusan..sobrang pagkamangha ang aking nadarama dahil sa kakaibang ganda ng paligid..
Mula sa aming kinatatayuan na tila isang maliit na burol makikita ang isang pamayanan na kulay ginto....ang mga kabahayan ay tila gawa sa diamante na may halong kulay ginto..nagniningning ang bawat kabahayan..ang kalangitan ay punong puno ng mga bituin na may iba't ibang hugis at laki kasama ng napakaraming mga buwan na may iba't ibang kulay..napakagandang titigan ng repleksyon ng mga bituin at mga buwan sa mga kabahayan na tila lumilikha ng laksa laksang kulay sa himpapawid..parang mga hibla ng sinulid na napakalambot..at ang mas nakakamangha sa lahat ang kastilyo na tila lumulutang sa ibabaw ng pamayanan..na kahit na konting kadiliman ay hindi nagdulot sa buong lugar..
Carlo: ang astig naman dito sa inyo ulley..napakaganda ng buong lugar..parang sa panaginip lang nag eexist..saka yung kastilyo sa ibabaw na parang lumulutang kahit konti hindi nagdulot ng kadiliman dito sa ibaba
BINABASA MO ANG
Superpower Village
AdventureSabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa napili sa so called life changing experience at ang life changing experience na ito ay ang magkaroo...