"Maligayang pagbabalik sa exousia Gurzil at mukang may kasama kang mga panauhin"Lumingon lingon kami ni Carlo sa aming paligid..bigla kasing may nagsalita..e wala namang tao
Carlo: Gurzil??
Ulley: Gurzil ang aking pangalan dito sa exousia..
Carlo: so pseudonym mo lang ang Hercules or shall I say ulley?
Ulley: oo pero mas gusto kong tawagin nyo akong ulley mas pangkaraniwan ang dating.. "astec..sila ay aking mga kaibigan sa mundo ng mga tao"
Carlo: hala kulas! multo yata yung kausap ni ulley..natatakot ako
Kulas: anu ka ba!..mundo ito ng may mga superpowers..malamang espesyal na abilidad yan
Ulley: astec ipinapakilala ko sayo ang aking mga kaibigan..si Carlo at kulas
Astec: ikinagagalak ko kayong makilala...ako nga pala si astec
Kulas: ay!! Impaktong kuba!!
napatalon kami parehas ni Carlo dahil sa gulat sa aming nakita..kamay na itsurang makikipagkamay ang nakalutang sa ere
Ulley: hahahaha! wag mong takutin ang aking mga kaibigan astec...ipakita mo ang iyong buong kaanyuan..
biglang lumitaw ang kabuuan ni astec sa aming harapan..isang lalaking may malaki ring katawan ngunit kung ikukumpara sa katawan ni ulley mas malaki pa rin ang katawan ni ulley..nakasuot si astec ng kulay puti na parang sweater..mahaba ito at manipis ang tela na humahakab sa kanyang katawan..may kulay puting brilyante sa kanyang dibdib..ang kanyang pang ibaba ay parang leotards na sinusuot ng mga lalaking ballerina na kulay puti.. na napapalamutian ng kulay asul na mga crystal sa magkabilang gilid..kita ang naglalakihang muscles nya sa hita at binti..may suot syang kulay puting boots bilang panyapak
Astec: paumanhin kung kayo'y aking natakot..ang pakay ko'y pakikipagkaibigan at hindi ang kayo'y takutin..turan ni astec na medyo nakayuko
Kulas: ok lang yun brad...charge to experience.. Hehehe..hulaan ko invisibility ang power mo?
Astec: tama ang iyong hula binata..
Ulley: kaya ni astec na mapaglaho ang kanyang sarili katulad kanina..kaya nya ring gawing invisible ang bagay na kanyang hahawakan.. Kahit ako o kayo kaya nya ring gawing invisible basta hawakan nya tayo at gustuhing maging invisible..nagagamit nya rin ang kanyang isipan para mapaglaho ang mga bagay bagay kung kanyang gugustuhin
Kulas: wow astig!! Astec pwede bang gawin mo akong invisible kapag uutusan ako ng nanay ko laging ako na lang kasi ang nakikita nya kahit nandyan naman yung ibang kapatid ko.. kaya ako lagi ang nauutusan...hehehe..joke lang yun brad ha..pero kung maisipan mo pwede rin.. by the way ako nga pala si kulas..ito naman ang aking matalik na kaibigan na si Carlo.. Sabay lahad ng kamay ni carlo at nakipagkamay kay astec
Astec: ano nga pala ang inyong pakay at napadpad kayo sa aming mundo?
Ulley: ito ay may kinalaman sa aking misyon..tutal damay ang kanilang mundo sa tadhana ng hinirang kaya minabuti ko na sila ay isama dito upang humingi ng basbas sa mga theos at makausap ang mga magos para sa pagsubok na iaatang sa kanila upang maging karapat dapat na maging katuwang sa aking misyon
Astec: kung gayon kayo ay tutungo sa bulwagan ng mga magos.. tango naman ang isinagot ni ulley sa pahayag ni astec..."nawa'y mapagtagumpayan nyo ang pagsubok na inyong haharapin upang sa gayo'y makatulong kayo sa dagliang pagtagpo sa hinirang..masaya ako na kayo'y aking nakadaupang palad
BINABASA MO ANG
Superpower Village
AdventureSabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa napili sa so called life changing experience at ang life changing experience na ito ay ang magkaroo...