Chapter 20 - And we're back

916 49 9
                                    


Astig yung kwintas nagpalit din ng itsura tulad namin...hmmmm...ano kayang kapangyarihan nito....

"ingatan nyo ang mga kwintas...mga xenós...mahalaga ang gagampanang papel ng kwintas sa pagbabalik ng hinirang sa exousia..wag nyong hahayaang makuha ito ng iba sa inyo"

Kulas: ummm...ano po ba ang mangyayari sa amin kapag may ibang nakakuha ng kwintas?

"delikado....maaring malaking kapahamakan ang maidulot nito kapag napunta ito sa isang nilalang na may maitim na budhi"

Kulas: makakaasa po kayo na iingatan namin ang kwintas..

"kayo'y humayo na dahil nakarating sa aming kaalaman na bukod kay gurzil hinahanap din ni thymós ang hinirang

Carlo: thymós? Sino po sya? kaibigan mo din ulley?

Ulley : oo...ngunit sa tingin ko'y hindi na kaibigan ang turing nya sakin...

Kulas: bakit may pinagkagalitan ba kayo?

Ulley: ang totoo nyan matalik kong kaibigan noon si thymós...ngunit bigla na lang syang nawala isang araw sa hindi malamang dahilan..isang araw napabalita na lang sa buong exousia na gumagamit sya ng klopi o yung ipinagbabawal na ritwal...

Kulas: di ba iyon yung sapilitang pagkuha ng kapangyarihan....

Ulley: tama ka kulas....kailangan maunahan natin si thymos na mahanap ang hinirang...dahil kapag naunahan nya tayo...mawawasak ang exousia pati na rin ang inyong mundo

Carlo: ummm...kelan tayo aalis pabalik sa mundo namin?

Ulley: sa lalong madaling panahon Carlo...

"gurzil...binuksan na namin ang lagusan patungo sa mundo ng iyong mga kaibigan....tandaang mabuti ingatan nyo ang kwintas...nakasalalay sa inyo ang kaligtasan ng buong exousia at ng inyong mundo.....humayo na kayo... nawa ang pagpapala ng mga theos ay sumainyo...

Ulley: maraming salamat po mga magos...kami po'y lilisan na....

Tumango lang ang mga magos biglang tugon sa sinabi ni ulley...si Carlo naman lalapit pa sana sa mago na si Anna pero nahila ko agad.. magpapaalam lang daw sana..baka daw kasi malungkot...umiistyle pa si Carlo....hay pag ibig.....tumungo na kami sa bukana ng lagusan pabalik sa aming mundo.....saan kaya kami magsisimulang hanapin ang hinirang...hmmmm...bahala na si batman

Tuluyan na kaming nakapasok ng lagusan pabalik sa aming mundo..as usual makabulag na liwanag na naman yung sumalubong sa amin...nakalabas na kami ng lagusan....nandito na kami sa amin!!!

Carlo: ulley di ba ito yung kwarto mo?

Ulley: oo...ummm...tara na ihahatid ko na kayo sa labasan bukas na lang ulit tayo magkitakita...pagabi na kasi baka nag-aalala na mga magulang nyo

Carlo: hala!!! Oo nga pala nung umalis tayo hindi kami nakapag paalam sa mga magulang namin!!...naku baka sobrang nag aalala na mommy ko sakin...baka inireport na sa mga pulis pagkawala ko..tapos akala nakidnap ako...tapos may nagpanggap na kidnapper ko tapos humingi ng ransom money kila mommy..tapos nagalit yung kidnapper ko kuno tapos binantaan buhay ng mga magulang ko.. tapos takot na takot sila tapos wala na silang mahingan ng tulong..tapos pinili na lang nilang magsuicide kasi pakiramdam nila wala ng pag asa na mahanap ako...kawawa naman mga magulang ko...kawawa naman ako ulila na ako....huhuhuhu

Ulley: hahahahahaha! ang layo na ng inabot ng istorya ng buhay mo Carlo.. Walang ganun..saka relax ka lang...humihinto ang oras nyo dito sa inyong mundo kung kayo ay nasa exousia...so kahit abutin pa kayo ng 100 years sa exousia kung ano ang iniwanan nyong oras...gawain...o kahit ano pa man sa mundo nyo iyon yung babalikan nyo

Superpower Village Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon