Sa malawak na silid ng panalanginan naroon ang isang bilugang entablado na napapaligiran ng walong matataas na haligi..sa sentro ng entablado makikita ang simbulo ng araw na kahalintulad ng simbulo na nasa parteng itaas ng haligi ng bulwagan na nagsasaboy ng puting liwanag sa buong paligid..Sa loob ng silid na ito maririnig ang mala anghel na tinig ng mga magos na sabay sabay umuusal ng dasal para sa pagsisimula ng ritwal.. habang inuusal ang dasal sabay sabay ding umiimbay ang katawan ng mga magos..at sa bawat imbay ng kanilang katawan maririnig ang pagkalansing ng mga pulseras na nasa kanilang mga braso..habang tumatagal ang kaninang usal na dasal ay nagsisimulang maging awit.. na sumasabay sa ritmo ng pagkalansing ng mga pulseras..
ang bawat kumpas naman ng kamay ng mga magos ay tila may iginuguhit sa kawalan..patuloy sa ganoong gawi ang mga magos habang ang hinirang ay nakasalong palad sa puting liwanag na sumasaboy sa kapaligiran habang nakapikit ang mga mata..pagkalipas ng ilang saglit..natapos ang mga magos sa kanilang panimulang ritwal na nakasalong palad na rin katulad ng hinirang..ilang saglit lang dinilat ng hinirang ang kanyang mga mata..ang dating bolang itim sa kanyang mata ay napalitan ng kulay bahaghari..
Ilang saglit lang ang hinirang naman ang kumukumpas ng kanyang mga kamay..sa bawat galaw nito ay may kasunod na liwanag na kulay ginto..napaka graceful ng galaw ng kamay ng hinirang..isang hand dance na kahit kamay lang ang gumagalaw masasabi mong buhay na buhay ito..
nilapitan ng hinirang ang mga magos na nakasalong palad at mula sa palad ng hinirang nagsaboy sya ng gintong pulbos ng liwanag..sa isang iglap..lumitaw ang tatlong simbulo sa kamay ng tatlong magos..buwan sa kamay ng magos na sina leticia at minerva ngunit saliwa..nakaharap sa kanan ang kay leticia at ang kay minerva ay nakaharap sa kaliwa..bilog na may bituin sa gitna naman ang nasa kamay ng mago na si anna
BINABASA MO ANG
Superpower Village
AdventureSabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa napili sa so called life changing experience at ang life changing experience na ito ay ang magkaroo...