"hindi nya talaga ako titigilan..kailangang may gawin ako aabutan na nila ako"wiikikik...wiikikik...wiikikik...
Lizardo: kung ako sayo magandang binibini..sumama ka na lang sa amin ng mahinahon..gusto ka lang namang kamustahin ng panginoong thymos..
Komaò: wag ako lizardo!! bistado ko na ang tunay na layunin ng pinaglilingkuran mong pinuno! Kayo ang dapat na magising sa katotohanan dahil kapag naghari si thymos papatayin nya kayong lahat!
Lizardo: hahahahaha! matagal ko nang alam yan..
Nagulat si komaò sa kanyang narinig..
Komaò: a-alam m-mo ang tunay niyang hangarin?
Lizardo: dahil sa kakaibang kakayahan ng aming mga pang amoy...pati hangarin ng kaharap naming nilalang alam na alam namin..hindi ba't gusto mong isiwalat sa lahat ang iyong mga nalalaman upang ang kanyang mga alagad ay mag aklas laban sa kanya upang sa gayo'y maraming kumalaban sa kanya at siya ay mapabagsak..
Komaò: nalalaman mo pala ang kanyang hangarin ngunit bakit patuloy ka pa ring sumusunod sa kanya?
Lizardo: hanggat nakikinabang kami sa mga pinagagawa niya sa amin..walang dahilan upang hindi namin siya sundin..kung saan kami makakakain ng marami..kung saan mabubusog ang aming mga sikmura..maganda man o masama ang hangarin niya sa amin..doon kami sa mas makikinabang ang aming lahi..
Komaò: mababaw! puro makasariling pagnanais!
Lizardo: wala akong pakialam! nakuha na namin ang paunang kabayaran para sa pagbalik namin sayo sa palasyo ng panginoong thymos..marapat lang na makuha namin ang buong kabayaran kaya sasama ka sa amin! damputin ang babaeng yan! nang makabalik na tayo sa palasyo..
Wiikikik..wiikikik..wiikikik..
Komaò: gusto niyo pala ng pabuya..kung ganun..paghirapan niyo!
waving hair blades!!parang may sariling isip ang mahabang buhok ni komaò nakikiramdam..at handang atakihin ang sinumang lumapit sa paligid nito..gamit ang matutulis na dulo nito na hugis patalim..
Lizardo: iyan ba ang gusto mo? sinabihan na kita na sumama ka na lang ng mahinahon ngunit sa inaasal mo mas pinili mong mahirapan..bigyan ng leksyon ang babaeng yan!
Biglang pinaikutan ng mga kalahi ni lizardo si komaò..habang labas masok ang kanilang mahahabang mga dila..at nakausli ang mga pangil at matutulis na kuko..napakabilis ng kanilang mga galaw..na parang gumagawa ng formation na panlito sa kanilang kalaban..
Komaò: mabibilis sila..kailangang maging alisto ako..
Lizardo: ngayon na!
BINABASA MO ANG
Superpower Village
AdventureSabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa napili sa so called life changing experience at ang life changing experience na ito ay ang magkaroo...