Biglang parang may kung anong enerhiya ang humigop sa katawan namin ni carlo...
"aaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh"
Kulas: ouch! Sakit ng balakang ko! Huh? kaninong kwarto toh?!...Carlo gising!!! bigla kong niyugyog yung katawan ni Carlo
Carlo: ano ba yun kulas?! istorbo kang payatot ka!!! ayun na yun eh!!! Kissing scene na nawala pa!! bakit ka
ba kasi nanggigising?!Kulas: di ba nasa bundok sherikandra tayo kanina tapos parang may Kung anong enerhiya yung humigop sa katawan natin...
Carlo: oo nga noh...
Ulley: oh! Kulas Carlo! Gising na pala kayo!!
Kulas: gising?! bakit nakatulog ba kami pagkahigop ng enerhiya sa amin?! hindi ko ma-gets....
Ulley: hindi...ganito kasi yan...pagkatapos nating magpaalamanan para sa inyong pagsubok nakatulog na kayo....
Kulas: ano yun tinapik mo lang kami sa balikat borlogs na agad kami?!! aba ulley! hindi ko alam na may kapangyarihan ka rin palang magpatulog...
Ulley: hahahahaha! wala akong ganung kapangyarihan...sadyang ang espiritu nyo lang ang pwedeng makapaglakbay patungong bundok sherikandra..
Carlo: e paano kami napunta dito sa kwarto na ito??
Ulley: binitbit ko kayong dalawa..
Kulas: makabitbit ka naman ulley parang supot lang kami ah....
Ulley: hindi.. parang nakabiting karne hahahahaha!! pero sa totoo lang natutuwa ako at napagtagumpayan nyo ang pagsubok...tara na! hinihintay na kayo ng hapag kainan..naghanda ang mga magos ng munting salu-salo para sa inyong dalawa...
Carlo: salu-salo?! As in kakain na tayo?! woooo!!!! sa wakas!!!! pagtapos ng hirap.. sarap naman!!!! Yeah! Wooo!!!
Tawa kami ng tawa ni ulley kay Carlo... Kasi sayaw sya ng sayaw at kembot ng kembot kala mo sumasayaw ng trumpets...hahahaha...sobrang saya nya talaga...sabagay kahit naman ako kasi gutom na rin ako....
Sa hapag kainan....
"maligayang pagbabalik mga xénos
binabati namin kayo sa inyong tagumpay"Kulas: marami pong salamat mga magos...kami po ay natutuwa at makakatulong na po kami kay ulley...este gurzil sa kanyang misyon..
"ang munting salu-salong ito ay para sa inyo..kasiyahan para sa inyong tagumpay...busugin ninyo ang inyong mga sarili..gantimpala para sa lahat ng pagod at hirap"
ngumiti ako sa tinuran ng mga magos..munting salu-salo e dinaig pa nito ang fiesta sa amin napakaraming pagkain at mukang napakasarap...hmmmm.. Nakakatakam...ngayon lang ako natakam sa pagkain ng ganito...napatingin ako kay Carlo... himala si Carlo kinailangan ko pang ayain para kumain na..paano para na namang nahipnotismo nung nakita ang mago na si Anna..mukang malakas ang tama ni carlo...nagniningning yung mga mata...tulala...pasulyap sulyap sa mago na si Anna...tengene!! Kilig na kilig si taba hahahahaha!
Kulas: hoy Carlo kumain ka na!!! pag ganitong gutom na gutom ako baka maubos ko yan lahat!!
tila natauhan naman si Carlo kaya dali daling pinuno yung plato nya...hahahahaha...talagang walang makakatalo sa pagmamahal ni Carlo sa pagkain kahit ang pinakamagandang mago pa hahahaha!
Sari saring pagkain ang nasa aming harapan...may karne...may gulay, may tinapay, may isda,may prutas at sari saring inumin...kaso hindi ko alam kung ano bang klaseng ulam iyon o kung ano bang luto..
Kulas: ulley....ano itong ulam na ito?
Ulley: iyan ay stifádong litochoro...katumbas ng nilagang baboy sa inyong mundo pero ang litochoro sa amin ay isang higanteng elepante kaya parang nilagang elepante...yung katabi naman nyan ay vodíno kreás brizóla.. Katumbas ng beef steak sa inyong mundo..ang vodinó kreás ay mga higanteng buffalo dito sa aming mundo..yung nasa dulo ay choirinó sychna parang pork menudo naman yun..pero yung choirinó sa aming mundo ay isang higanteng itlog galing sa higanteng butiki lasang karne ng baboy yung itlog nun..at iyang nasa plato mo na parang inihaw na manok..iyan naman ay psitó strouthokámilos isa yang higanteng ibon na may sampung pakpak..katulad yan ng kinain mo sa bundok sherikandra..
BINABASA MO ANG
Superpower Village
AdventureSabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa napili sa so called life changing experience at ang life changing experience na ito ay ang magkaroo...