Nag iisip kami ngayon ng gameplan kung paano matatalo si priestess sharina..habang patuloy sa pagsasanay ang mga kasama namin..ramdam namin ang batuhan ng mga kapangyarihan pero di namin pinapansin sapagkat nahaharap kami ngayon sa napipintong labanan sa pagitan naming magkakaibigan at ni priestess sharina..Buti na nga lang napabago namin ang kanyang isip na labanan na lang kami..kundi namatay kami ng walang kalaban laban
Scene earlier
Priestess sharina: napagisip isip ko ang sinabi mo binata na subukan ang kapangyarihan na mayroon kayo..maiba lang..baka sakaling mas masaya kapag patas na laban..
Kulas: mas masarap sa pakiramdam ang tagumpay na pinaghirapan..
Priestess sharina: may kundisyon lang ako..kayo dapat ang unang aatake..pero gagamitin ko ang ganap kong anyo..at dahil tatlo kayo..tatlo din ako..
nagkatinginan kaming magkakaibigan..bilang pagsang ayon tumango lang si carlo at ulley
Kulas: sige..pumapayag na kami..
ilang saglit lang nakagalaw na kami pagkatapos pumitik ni priestess sharina at banggitin ang "dispersed"
Silid sa palasyo ni thymos
Paravallò: "hanging sing itim ng gabi kumalat at hanapin mga buhay na nagkukubli kung saan.."
mula sa bintana ng palasyo ni thymos umihip ang mala usok na hangin na tinatawag na dark wind
..bawat madaanan ng dark wind ay unti unting nangangamatay..mga halaman ay nalalanta..mga hayop ay nangangamatay..kabundukan ay nakakalbo at mga batis ay natutuyot..
umakyat sa kalawakan ang darkwind at doon nagpaikot ikot hanggang sa tuluyang maglaho..
Paravallo: panginoong thymos..wala pong natagpuan na kahit na ano ang darkwind sa kanyang paglilibot sa buong exousia..maging sa kalawakan..
Thymos: maaring nasa ibang dimensyon nagsasanay ang mga mahihinang nilalang na iyon..grrr...paano ba ako makakapasok sa isang dimensyon..
Paravallò: panginoon..hindi po ba't napasakamay na ninyo ang kapangyarihang meta time manipulation? maari niyo po itong magamit upang makapasok sa mga dimensyon
napatigil si thymos sa pagiisip..nilapitan si paravallò at tinapik tapik sa balikat..
Thymos: mahusay paravallò..marunong ka rin palang mag isip..hahaha!!! maiwan ka dito paravallò may bibisitahin lang ako..
Sa kinaroroonan ng magkakapatid na parvati..maravela at araullo..
Parvati: araullo..maravela!! lumapit kayo saglit..
Araullo: alam ko na ang iyong sasabihin aking kapatid..may gumagamit ng meta time manipulation ni calleon..at nararamdaman ko ang lakas nito
BINABASA MO ANG
Superpower Village
AdventureSabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa napili sa so called life changing experience at ang life changing experience na ito ay ang magkaroo...