7- Letting go

2.7K 68 0
                                    

Sheron's POV


It's been a week simula nangyari yung pag sabotahe samin. Hindi na rin natuloy yung tournament namin sa arena dahil na din sa nangyari. Nakausap ko na rin si Dad about sa nangyari, pero pati siya walang alam sa nangyari. Bakit ba nila ginagawa to? Hindi pa nga ako gumagawa ng move para ibagsak sila, ganun na lang ba sila katakot sakin? isa lang masasabi ko sa ginawa nila, takot sila sakin, takot sila mamatay. Pero pasensyahan kami dahil wala akong ititira ni isang kasamahan nila.


Nasa park ako ngayon, trip ko lang mapag isa ngayon. Lagi ko naiisip kung ako kaya yung namatay, siguro walang mangyayari na ganito. Walang mamatay. Maybe I'm cursed or something. I was still young nung namatay ang Mom ko, but when Mom died Dad changed. He wasn't my Dad anymore. He's somebody else, somebody that I don't know. 

Naalala ko may pasok na pala ako bukas. Marami na namang guards magbabantay. How I wish to be free.


"Lalim ng iniisip natin ah?" Bigla ako tumingin sa likuran ko at nakita ko si John. Teka sinusundan ba ako ng lalaking to?
"What are you doing here? You should be practicing." At tumingin ulit ako sa tinitignan ko kanina. Bigla kong naramdaman tumabi siya sakin, what's wrong with this guy?
"Mmmm, diba dapat ang isang prinsesa nasa palasyo niya lang? E anong ginagawa mo dito?"
"It's none of your business."
Tama naman ako, wala siyang alam. Wala.

"Well, as long you're the heiress, I think you are my business." Bigla ako tumingin sakanya. I raised my eyebrow.
"You're insane."
"So you are."
I glared at him. Me? insane? Not a chance. 

"Alam mo malamig na dito." Bigla siyang tumayo. I deep sigh. 
"Ayoko na bumalik dun." Bigla ko nasabi. Totoo naman, I just want my freedom. Gusto ko na maging malaya. Kahit hindi pa ito ang panahon ng pagiging malaya ko, kahit sa ganitong pagkakataon maramdaman kong malaya ako. Pero alam kong hindi.

"May problema ka nga." At bumalik siya sa kinauupuan niya kanina. Should I tell him? No, wala naman dapat siyang malaman tutal hindi naman kami mag kaibigan. 
"Alam ko iniisip mo, ayaw mong malaman ko anong problema mo dahil sino nga ba ako?" Tama tama. Sino ka nga ba? Kamukha ka lang naman ni John, but you're not John. You're different than John. You're a different person pero kamukha mo si John, but you're not. 

Bakit nga ba ako nakikinig sa taong to? Tatayo na sana ako nang nagsalita siya ulit.

"But, I'm willing to listen. Remember that." At tumayo na siya at nagsimula maglakad. I looked at his back and trying to understand what he means. He's willing to listen? I don't know, I just had that feeling na totoo yung sinabi niya. Alright, I'll remember that. Pero hindi pa ngayon, Hindi pa.

Matapos nung paguusap naming dalawa, napag isip-isip ko dumalaw sa puntod ni John. Maybe he's right. I need a hand, I need someone. Kahit kilala ako bilang isang matapang na tao, still I have weaknesses. And I still need a hand to hold on. 
Nakita ko yung lapida ni John, and it still breaks my heart. I killed him. Kung hindi ko siya pinatay, masaya kaya kami? Meron pa kayang kami? Siguro.

John Lawrence Tiu

And I started crying.

"John, I'm really sorry. I am really. Every day pinagsisihan ko yung nangyari, it still hunts me John. Kung alam mo lang kung bakit ako nagkakaganito, it's because of you John. I'm sorry. I hope you can forgive me someday." Behind those sobs, behind those tears, Pagsisi ang nararamdaman ko ngayon. I hate myself for killing John.
"John, I love you. But I need to let go. I need to move on. For your sake, and for my sake also." Pinahid ko yung mga luha na pumapatak sa mata ko, pero pati yun hindi ko magawa kontrolin. My tears still falls from my face. Iyak ako ng iyak. I remembered all the happy moments with John, with him I'm happy, I'm free. But he's gone, because of me. Oo Pinagsisihan ko lahat, and I think it's time to let go. Nilapag ko yung binili kong bulaklak para kay John. 


"I'm sorry John, And I love you."



John's POV

Kanina ko pa siya sinusundan, hindi ko alam pero gusto ko siya laging kasama, laging ligtas. Pero nabigla ako nung tumigil siya sa isang liblib na lugar, at nakita ko ang isang lapida. Siguro siya yung sinabi ni Mute, na pinatay niya. It's my first time na nakita ko siyang umiiyak. Siguro napaka sakit mawalan ng isang kaibigan, hindi ko masyadong makita yung pangalan na nakasulat sa lapida. Masyadong malayo. Pero kahit sa ganitong paraan, nakikita ko siya. Pero nakikita ko siyang nasasaktan, kapag umiiyak siya nasasaktan ako, kapag masaya siya nahahawaan niya ako. Bakit ako nagkakaganito sakanya? Bakit may naalala ako sa lugar na to? Ano meron dito? Parte rin ba to sa alaala ko? Kilala ko ba si Sheron dati? 


Biglang sumakit ang ulo ko, at may isang imahe akong nakita. Isang babae, isang babae na umiiyak. At kamukha niya si Sheron. Hindi kaya?
Tumingin ako sa kinaruruunan ni Sheron at may nilapag siyang bulaklak sa lapida. Imposible yung nakita ko. Nung nawala na sa paningin ko si Sheron, hindi ko alam pero may nag udyok sakin na lapitan ang lapida.
At ganun na lang ang pagka bigla ko sa nakita ko. 

"John Lawrence Tiu." Bigla kong nasabi. Kapangalan ko siya. At parang nakita ko na ang pangalang yan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, nung una gusto ko lang lagi makita si Sheron, at ngayon kung saan siya pumupunta konektado sa nakaraan ko. Laging may mga imahe. Parte ka nga ba Sheron sa nawawala kong alaala? 

Sino ka nga ba Sheron? Kung ikaw nga yung babaeng umiiyak, bakit ka nandun? Magkakilala ba tayo? Ano nga ba ako sa buhay mo? Ano ka sa buhay ko? 

Gusto ko malaman lahat. Gusto kong maalala na ang nakaraan ko, para matahimik na ako.


Napag disisyunan ko pumunta sa isang tao, sa isang tao na nagligtas sakin sa bingit ng kamatayan. Isang tao na nag udyok sakin na pumasok sa Thrones. At ang taong yun may alam sa nakaraan ko.

Pumasok ako sa isang bahay na hindi kalayuan sa lugar kung saan nanggaling si Sheron.


"Leo."

"John, what a pleasant surprise. What're you doing here?"

"Sino ba ako?" And I saw him stiffed. Pero nanatili parin siyang nakatayo. 
He sighed. Lumapit siya sakin, at nakita ko kung gaano siya ka seryoso.

"I think it's time."






















ITO NA PO! DAHIL 200+ READS NA SIYA! MARAMING SALAMAT PO TALAGA SA MGA READS AND EVERYTHING T-T MAHAL KO PO KAYO CHAROT. DAPAT PO SA NEXT UD KO 250 READS NA! AY HAHAHAHAHAHAHA! LOVELOTS ♥


It's The Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon