26 - The Revelation

1.7K 36 2
                                    

3rd Person's POV

Dinala nila si Stefan sa isang bodega, na malayong malayo sa mga tao. Napapalibutan ito ng mga matataas na puno. Kung titignan mo ang mukha niya, walang bakas na takot. Pero sa kaloob-looban niya, natatakot siya para sa kanyang pamilya. Hindi niya alam kung alam na ba ni Leahi ang nangyari sakanya. Pero pinagdadasal niya na hindi sana mahuli ang kanyang asawa. At sana walang masamang mangyari sa mga anak niya. Lalo na kay Sheron.
Tinulak ng mga lalaki si Stefan dahilan para mapaluhod siya. 
"Akalain mo nga naman. Ang hari." Nanatiling naka yuko si Stefan.

Naglakad ang isang pigura na lalaki patungo sa direksyon ni Stefan. May nakakalokong ngiti ang nasa kanyang mga labi. 
"This is so strange, you know?" Tumawa ang lalaki. 
"Anong kailangan mo saakin?" Stefan clenched his jaw.
"Aw, wala akong kailangan sayo Hari. Ang kailangan ko, ang anak mo." Agad napatingin si Stefan sakanya. 
"A-anong sinasabi mo?" Nauutal na saad niya. Tumingin ng seryoso ang lalaki, Stefan can see into this man's eyes. Desire, lust, hatred, and admiration. Pero to whom?
"Sheron Rose Dublin. The heiress, the Demonic Princess. And also..." Marahang hinawakan ng lalaki ang panga ni Stefan. Bakas sakanyang mata ang takot. Takot sa lalaking kaharap niya ngayon.

"Your Daughter." Agad na tumawa ang lalaki. A Laugh that gives shivers to all of the men inside the room. A Laugh of a devil.
"A-anong kailangan mo sakanya?"
"Her. I want her." At umalis na sa silid ang lalaki. Nagulat si Stefan sa sinabi ng lalaki. He wants his daughter? Ang masasabi niya lamang sa lalaki ay,

Isa siyang baliw.


Exile's POV

Sinasabi ko na nga. Hindi dapat pagkatiwalaan yung lalaking iyon. Psh. Kung pwede nga lang suntukin ko ulit siya sa harap nila, e gagawin ko talaga. Hindi ko alam kung bakit mahal ng Kapatid ko yan. Mukha namang haponesong aso ang mukha. Kung tutuusin mas gwapo ako. Syempre, ako ang pinaka gwapo sa buong mundo. OH ANGAL KAYO?
Bakit ba nagbalik pa ang lalaking iyan dito? 

I crossed my arms in my macho dibdib. Napatingin si Lavender sa gawi ko, at alam niyo yung ginawa ko?
Syempre, inarapan ko lang naman ang Ate ko. I'm so genius.
"Exile." Hindi ako tumingin sa gawi niya at nakatoon lang ang mga magagandang mga mata ko sa lalaking iyon. Hindi kami talo kung yan ang iniisip niyo. Ayoko lang talaga sa lalaking iyan.
"Yes, Kuya?" Naramdaman kong tumabi si kuya saakin. Kelan pa to nandito? Ang alam ko kasama siya nakikipag usap doon sa living room. 

"Don't act stupid, Ken." Nanliit ang mata ko. Bakit kapag sinasabi ni Kuya yung second name ko, gusto ko tuloy matakot. Pero syempre, hindi ko pinakita iyon. Baka anong sabihin ng magaling kong kuya e.

"I'm not acting one kuya." English speaking. Syempre papatalo ba ako? Malamang hindi. Gwapo ako e.

Bumuntong hininga siya. Lalim nun ah?
"I know you're worried about Lavender. But she's still your older sister, Ken."
"Alam ko iyon."
I deep sighed. Hindi ko naman talaga mapigilang hindi mag-aalala kay Lavender. She's so vulnerable. That anytime, mababasag at mababasag. And I won't let that happen again. She was broken once, and I don't think kakayanin ko pa. Masakit makita siya laging umiiyak at dahil sa isang lalaki na hindi naman kagwapuhan katulad ko. Kaya ganito na lang ako ka possessive sa mga kapatid kong babae.

"Hindi ko lang talaga mapigilan kuya. But you felt the same way, right?" Tumango lang siya sa sinabi ko. Alam kong masaya na siya ulit. But to tell you the truth, kung pwede nga lang hindi ko na siya ipapakita sa lalaking yan.

"Let's trust her." Hindi na ako nagsalita. Sana, sana tama ang desisyon mo Lavender.


It's The Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon