18 - The Transferee

2K 55 2
                                    

Sheron's POV


Makalipas ng ilang araw, na discharge na ako. Hindi ko alam akala ko mamatay na talaga ako. Kung namatay nga ako nun, atleast nasabi ko na sakanya ang dapat sinabi ko. Kahit nawalan ako ng alaala, hindi parin siya lumalayo saakin. Well, parehas namin kami nawalan ng alaala kaya siguro ganun. Pero, I can't believe this. Ang daming nangyari sa isang buwan. Maraming unexpected happenings ang nangyari. But I'm thankful, kasi binigyan niya pa ako ng isang chance.

"Sis! John's outside waiting for you." Sigaw ni ate Rose sa labas ng kwarto ko.
"Oo nanjan na!" Simula rin ng araw na iyon, nagbago na siya. He started courting me, He wasn't the John na masungit towards saakin, he wasn't the John who wants revenge in my family. Simula nung nalaman niyang si Anastasia ang pumatay sa nanay niya, at simula nung nakatanggap siya ng sulat galing kay A.S., pero parang hindi siya naniniwala na buhay ang Mom niya.

"Hey," pagkalabas ko pa sa pinto, bumungad ang isang gwapong nilalang na naka sandal sa porche niya. Why does his smile always turns me on? 
"Hey, kanina ka pa?"
"Hindi naman. Mga 1 hr pa lang naman." 
"Sira."
He guided me papasok ng kotse niya. Simula ng araw na iyon, naging masaya ako. Ulit. 

"May nalaman ka bang inpormasyon?" Well, basically we're going back to school. Kinukulit niya ako kagabi na bumalik na raw ako sa school para ma kasama siya. pero sabi ko, ayoko dahil busy ako. Which is not. Ginawa ko lang iyon para malaman ang real intention niya saakin. at bakit kinukulit niya akong pumasok ulit. So he just said, na gusto niya lang may kasabay siya papuntang school and lagi niya daw ako makita. Cheesy right?

"What information are you talking about? Information about you and me? Or me and you?" I saw him smirked kahit nasa daan ang mga tingin niya. Hinampas ko yung balikat niya. At tumawa siya.
"Anong pinagkaiba nun ha? Ikaw, araw-araw nagiging korney ka. Tigilan mo yan." Napatawa ako ng konti. Ang lakas maka banat e ang cheesy naman.

"Okay, okay. What're you talking about? What information?"natatawang sabi niya.
"About the letter." Parang wala lang sakanya iyon e. Matagal ko na rin gustong malaman kung sino si A.S. babae ba yan o lalaki? Ang daming mystery na nangyayari sa buhay ko. Well, lahat naman siguro.
"Psh. You believe on that stupid letter?"
"Why not? Baka totoo, wala namang mawawala e."
Araw-araw ganito kami. Nag aaway dahil sa letter na iyon. Hindi ko alam, pero malakas ang pandama ko na buhay nga si Tita Avelina.
"Nah. Hindi ko na pinahanap yung nagbigay ng sulat. Siguro prank lang iyon." Hindi na ako nagsalita pa.

Alam ko naman na ayaw na niyang pag usapan ang tungkol doon. Pero, hindi parin maalis sakin yung suspense. Ugh! 

"OMG! JOHN'S BACK!"
"WAIT! WAIT! HE'S DEAD RIGHT? OMG BACK FROM THE DEAD?!"

"This is insane!"
"Pare, si John ba iyon?"

"Hala pare, nimumulto ata tayo sa school ah." 

Pagkababa pa lang namin sa sasakyan niya, bulungan agad ang bumungad saamin. Bumalik na rin kami sa pag-aaral kasi nga marami na akong namiss na lessons. Pero sino naman ang hindi matatakot? Ang alam nila patay na siya, pero ito ang bumungad sayo pagkabalik mo. Pfft. Natawa na lang ako sa itsura ni John, he found it irritating base na rin sa mukha niya. Sabay na kaming pumasok sa hallway.

"John..."
"mmm?"
"They thought you came back from the dead. Pfft!"
I want to laugh until my hearts content. Pero ayoko, baka kung anong gawin ng lalaking to saakin. Lalo na nagbalik na ang mga alaala niya.
"Psh. Well, sasabihin ko na lang na ako si John Steinford." Oh that name. It's been a mystery to me. Bakit ba tinago ni Tito Leo si John? And sa lahat lahat ng pangalang ibibigay, e yung obvious na obvious pa? Last name lang ata ang hindi tugma. Ang alam ko, last name yun ni Tita Avelina.

It's The Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon