Sheron's POV
"Princess, your car is ready." Sabi ni Lyre. Kailangan ko rin pumasok sa school, kahit heiress ako normal din naman akong tao. Pumapasok ako para may alam. Pero hindi ko naman kailangan pumasok pa e. Matalino na naman ako, pero dahil ito lang yung kalayaan meron ako lubuslubusin ko na. I'm not friendly towards other people. Sinusuri ko muna yung mga ugali nila bago ko sila maging kaibigan, if they want me to be their friend. Pero parang lagi silang takot sakin e. Wala namang nakakaalam sa school na kasali ako sa Mafia. Ang alam lang nila, anak ako ng isa sa pinaka mayaman na businessman sa buong mundo. Kaya siguro walang lumalapit sakin, except na lang sa isang tao.
"All right. Be right there." Lumabas na ako sa kwarto ko at dumiretcho na sa garahe, sumakay na ako sa kotse at nakita ko dun si Lyre. Kaklase ko rin si Lyre, same school kami ng pinapasukan. Yung nag dridrive si Mute, always. Sinabihan ko si Dad na si Mute na lang mag hahatid at susundo samin tutal parehas lang naman ng skwelahan yung pinapasukan namin.
"So Sheron, are you ready?" Tumingin lang ako sa labas at nag lagay ng headset. Kunwari hindi ko siya naririnig. Daldal kasi niyan e.
"Ay grabe sila oh! Ano ba pinapakinggan niyo ha?! Mas maganda pa ba sa boses ko?" I half smiled.
"Pwede ba? Mag drive ka na lang Mute? Baka ano pa mangyari samin e." Tumingin ako sa katabi ko, at kita kong umuusok na sa galit si Lyre. Ganyan talaga yan pag nagsasama yang dalawang yan e. Kala mo sila lang yung tao.
"Pwede ba? Hindi naman ikaw kinakausap ko, kaya shut up kana lang ha?"
"Ay so, sino pa ba yung 'SILA' na yan?" Nilakasan niya talaga yung salitang sila. Nasanay na rin ako sa dalawang to e, kapag nagsasama to hindi mapakali."Hindi ba pwede yung kotse?!"
"WOW! TAO NA PALA YUNG KOTSE!" At nag simula na nga ang bangayan.
Lyre's POV
I can't believe this guy! Siya na nga tong nagmamaneho, dapat naka focus lang siya sa daan diba? Tama ako diba?! Tapos siya pa tong nakikipag away sakin! The nerve!
"BAKIT SINABI KO BANG TAO YUNG KOTSE?!"
"TANGA! SABI MO SILA?! MALAMANG TAO! USE YOUR BRAIN STUPID!"
"AY WOW! AKO NA NGA NAGMAMANEHO, AKO PA STUPID. HALIKAN KITA JAN E!"
"WOW! NATATAKOT AKO! GRABE SOBRA!" Hah? Kala niya magpapatalo ako? Never."ABA DAPAT LANG!"
"PWEDE BA?! TUMIGIL KAYO SA BANGAYAN NIYO?! NAKAKARINDI NA KAYO AH?! HOY MUTE! MAG MANEHO KANA NGA LANG! INGAY NIYO!" Biglang sigaw ni Princess. Kasi naman e, yang taong yan. Hindi mapakali, hindi matikom yung bibig. Ang daldal! Nagalit tuloy si Sheron. Tatamaan na talaga tong lalaking to sakin. Umupo na lang ako ulit ng maayos, at hindi na pinansin yung unggoy na nagmamaneho. Nakakabadtrip talaga pagmumukha niya! Nakakabuisit!
Sheron's POV
Buti naman natahimik na yung dalawa. Ang sakit sa tenga, e ang lapit lapit lang nilang dalawa tapos kailangan sumigaw? Jusko. Naramdaman kong huminto na yung kotse, at lumabas si Mute at pinag buksan ako ng pinto.
Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga estudyante kahit nasa gate pa kami."OMG! QUEEN SHERON!"
"MUTE! KYAAAH! I LOVE YOU!"
"OMG! YUNG ROYALTIES MAGKASAMA ULIT!"
"NAMISS KO ANG ROYALTIES! KYAAAH! QUEEN SHERON! PRINCESS LYRE! PRINCE MUTE!"
"Oy Pre, nandyan na sila oh. Ang ganda talaga ni Sheron."
"Si Lyre maganda din, nangligaw ako jan kaso hindi ako pinansin."
"Sayang wala pa si Prince Red!"
"Ay girl babalik na daw siya! OMG!"
"Kung ganun siya yung bagong King?! I can't take this! KYAAAH!"
At kung ano ano pa sinasabi nila. Kilala kami sa school as Royalties. Ni isa sa kanila walang kumakalaban samin, takot sila lahat sa Royalties. May iba pang members ang Royalties, kasama na dun si Red. And I think dito na rin ulit mag-aaral si Red. John and I are called the King and the Queen of Royalties. But after he died, ang alam ng lahat namatay siya sa aksidente wala silang alam na ako yung pumatay sakanya. Ang alam ng lahat, ay hindi nauugnay sa katotohanan. Siguro kung alam nila ang lahat, hindi nila nasasabi ang mga ganyang bagay. Hindi nila ako hinahangaan, mandidiri nga siguro sila sakin.
"You okay Sheron? Ano bumabagabang sayo?" bigla nagsalita si Mute. I know he's concerned about me, pero sobra na yung tulong na ginagawa niya para sakin, hindi ko kaya pati siya isipin ang lahat. It's my problem, and I will take care of it.
"I'm okay Mute, don't worry about me." Sinuri niya muna ang mukha ko, bago ulit mag salita.
"Alright." Salamat naman at hindi na siya nagpupumulit pa tanungin ako. Alam kong marami na akong atraso sa kanila, ayoko na sila masangkot pa sakin. Ayoko na may madamay pa sakanila."Princess, I talked to the Dean and sinabi ko na rin na magkaklase parin tayo. For your own safety."
"Lyre, I told you many times, wag mo na akong tawagin ng Princess pag nasa school tayo." Nakailang ulit ko na sinabi sakanya na wag na akong tawagin na Princess hindi parin nagpapaawat."But still, it's my duty to call you that. As your servant."
"No. You're my friend, so shush." At tinalikuran ko na siya. Friends naman talaga kami ah, siya lang tong nagpupumilit na tawagin akong princess e.
"Duty daw." Rinig kong sabi ni Mute.
Umupo na lang ako sa assigned na upuan ko, at syempre sa likuran yun.
"Will you shut up? Kanina ka pa ah?"
"Duh! Ikaw kaya tumahimik! Daldal mo!"
"Ako pa madaldal?! ABA'T!"
At nagsimula na po ulit ang bangayan ng dalawa. Kelan kaya to magbabati? Ang sakit na sa tenga e.
Nasa Media po yung style ng uniform nila. HAPPY 300+ READS! KEEP ON READING! MWAMATS.
BINABASA MO ANG
It's The Mafia Princess
ActionIn her world, it contains HATRED, LUST, VENGEANCE, FAME, AND POWER. But what if the next heiress is living in the world that are full of LIES? LIES about her life. But can this Lies break her? Or someone will break her trust? Who's going to start th...