10- His memories are back

2.2K 60 1
                                    

John's POV

Hay, bakit ba kailangan ko pang pumasok? Tska ang pagkakaalam ko, nag graduate ako ng high school tska college sa ibang bansa. Anong trip ni Leo? Kainis naman kasi, dapat hindi na lang ako pumayag, kung hindi niya lang sinabi kung ano meron dito sa skwelahan na to e.


Flashback


"John." Ano na naman kailangan ng matandang to? Hindi pa nga ako nakakamove on kay Sheron at sa mga nangyari tapos punta ng punta siya dito sa unit ko? Lumalayo na nga ako kay Sheron this past few days para hindi ko na siya maisip. Gulong gulo na nga ako, tapos dadag pa siya?!

"What are you doing here?"
"We need to talk."
Pinapasok ko siya sa unit ko, hindi naman ako bastos para hindi. Pero ang nakakapag taka, bakit siya pumunta dito ng mag isa? Hindi niya naman to ginagawa dati ah. 

"Speak." he let out a deep sigh. 

"Mag aral ka ulit." He handed me a folder which contains information about the school. Napa kunot ako ng noo, bakit naman ako mag-aaral ulit?

"Bakit? Anong meron dito? Bakit kailangan ko ulit pumasok?"
"You'll find the answer sooner or later. May parte sa skwelahan na yan na maalala mo." And he left me dumbfounded.


End of flashback


Kainis naman kasi yung matandang yun. Tss. Pagka park ko ng kotse sa may parking lot, bigla na lang may mga grupo ng estudyante nagtatakbuhan galing sa cafeteria. Paano ko ba nalaman na cafeteria yun? Malamang may nakasulat e. Lumabas ako ng kotse ko,
"Ah miss! Ano bang---" magtatanong na sana ako sa isang estudyante nang banggain lang ako. Langya, wala bang manners yun? Well I don't have a choice kundi--------


*Boom* *Bang*


Napatingin ako sa cafeteria kung saan nanggaling yung mga putok ng bala. Bigla na lang ako napatakbo hindi ko alam pero tumakbo lang ako.
Pagka bukas ko ng pinto bumungad sakin si Red na may hawak na baril at tinutok sa lalaking naka handusay na sa sahig.

TEKA! SI RED?! ANONG GINAGAWA NG HAYOP NA TO DITO?!

Hindi mo na talaga matantsa kung ano nangyari sa loob ng cafeteria, yung mga lamesa tska yung mga upuan, sira sira na. Nilibot ko yung paningin ko, at sa hinding inaasahang pagkakataon nakita ko si Sheron may hawak na katana at sinaksak sa isang lalaki.
Napangiti ako ng lihim. 

Sheron

Bigla kumunot ang noo ko nung may isang lalaki na nakatutok yung silencer sa ulo ni Sheron. 

Damn!

"SHERON!"


Sheron's POV

This dumbass, akala niya mapapatay niya ako? Hindi niya ata ako kilala.
"SHERON!" Napatingin ako kung sino yung tumawag sakin, pero bigla na lang may tumulak sakin. Naramdaman ko na lang na may tumulo na kung ano sa pisngi ko, pagka bukas ko ng mga mata ko nagulat ako sa nakita ko.

"J-John?!" Anong ginagawa niya dito?! Ba't naka uniform din siya katulad sa school na to?!
"Hi." Maikling bati niya sakin. Pero mas ikagulat ko yung makita ko na may tama siya sa ulo niya.
"WHAT HAPPENED TO YOU?!" Napatingin ako sa gumawa nun, at may hawak ng silencer. That bastard. Kinuha ko yung baril ko, babarilin ko na sana yung lalaking gumawa nun kay John nang agawin ni John yung baril ko at binaril yung lalaki. 

It's The Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon