John's POV
"John, kilala mo ba si Sheron Rose Dublin? The heiress of Thrones?" Bakit niya nabanggit si Sheron? Konektado ba talaga siya sa aalala ko?
"Bakit mo siya kilala? Ano siya sa nawalang aalala ko?" Naguguluhan na ako sa nangyayari sa alaala ko. Bakit ko ba gusto malaman ang lahat? Tama, para matahimik na ako. Para malaman ko lahat lahat. Para mabuo na ako, parang kasi may kulang. May kulang, siguro yun yung nawawala kong alaala. Gusto ko malaman lahat, lahat.
"She's your Girlfriend John." Nanigas ako sa narinig ko. Girlfriend? Si Sheron? Hindi imposible ang sinasabi niya.
"What do you mean Leo?! Kasama siya sa nawawala kong alaala?! Sabihin mo!" Napasigaw na ako sakanya, I grabbed his necktie. Galit ako ngayon, kaya ba pinasali niya ko sa Thrones para maalala ko lahat?
"Jhon, you don't know the story yet. Calm down."
"Calm down Leo?! Tell me then, what's your purpose bakit mo ako pinasali sa Thrones? Tell me." Umupo siya sa sofa, hindi ko na kaya kailangan ko nang malaman ang lahat."Your real name is John Lawrence Tiu." Nanlamig ang katawan ko nung narinig ko ang pangalan na iyon. Yung tao na pinuntahan ni Sheron, yung iniiyakan niya, yung humihingi siya ng sorry, ay ako? Sakin siya humihingi ng tawad? Sa anong dahilan? Sinaktan niya ba ako? Anong ginawa niya?
"You mean,"
"Oo tama ka. Yung puntod na malapit dito, ay yung puntod mo."
"Pero buhay ako!" Oo buhay ako, so ang alam nila patay na ako? O Hindi nila alam na ako yung sinasabi ni Leo na John? Ang gulo. Ano ba talaga ang nanyari?!
"Sheron almost killed you John. She almost killed you. I saved you from that catastrophe, niligtas kita sa bingit ng kamatayan, do you know why I did that?" Alam ko, siya yung sumagip sakin, siya yung unang tao nakita ko, pero bakit nga ba niya ko sinagip? Para saan Leo?
"Why?" It's all I can say. Hindi ko na alam, si Sheron kaya akong patayin? Alam kong wala pa akong naalala pero alam kong hindi nag sisinungaling si Leo. Hindi niya magagawang mag sinungaling sakin. Pero bakit ako gusto patayin ni Sheron? Anong kasalanan ko?"You're the Prince of Elites Mafia John. Your mafia killed Sheron's mother. But Sheron's Dad killed your mother. Kaya ka gusto patayin ni Sheron dahil gusto niya ipaghiganti ang nanay niya. Kaya kita sinagip, dahil kailangan mong mabuhay. Para sa Mafia natin." I'm out of words to say. Sheron's Dad killed my Mom? Yung imahi ni Sheron na umiiyak, may mga dugo, ay galing sakin? Dahil sakin? Hindi ko na alam anong iisipin ko. At ako, ako kaya ang dahilan ng pagkamatay ng nanay niya? Ako? Isang Prinsipe? I can't believe what I'm hearing right now.
"Who's my Father?" Out of the blue na tanong ko. Nasaan ang tatay ko nung nawala ang mama ko? Ba't hindi niya niligtas ang nanay ko?Nakita kong nagulat si Leo sa tanong ko, so alam niya kung sino ang tatay ko. Umiwas siya ng tingin.
"It's not the right time to tell you who is your Father John." At tumayo na siya dala dala ang kape na nasa mesa. It's not the right time? Then when? Kelan ko makikilala ang tatay ko? Gusto ko malaman lahat. Lahat.
"What I'm going to do now?" He looked back at tinignan ako sa mata.
"Ipaghiganti mo ang nanay mo John. It's the least you can do." At umalis na siya ng tuluyan. I know may storya pa ako dapat malaman. Pero hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ko. Kailangan ko malaman lahat, at si Sheron lang ang alam kong makakatulong sakin. Kung malalaman niya na ako yung John dati, papatayin niya rin kaya ako ulit? Hindi. Hindi niya dapat malaman na ako ang dating John. I'll stay as John Steinford.Sumakay na ako sa kotse ko at umalis sa bahay ni Leo. Tama si Leo, kailangan kong ipaghiganti ang nanay ko. Kahit hindi ko pa alam ang lahat ng detalye sa pagkatao ko. Pero hahanap ako ng paraan para malaman iyon. At anong dahilan ng pagkamatay ng Nanay ko, at bakit pinatay ang Nanay ni Sheron. Bakit? Bakit kailangan magkaganito ang nangyayari! Naguguluhan na ako!
Hindi ko alam pero bigla na lang ako umiiyak. May luha na pumapatak sa mga pisngi ko, pero bakit ako umiiyak? Biglang sumakit ang ulo ko at nakakita na naman ako ng imahe.Sheron
Masaya siya, yung mga ngiti niya, pero ba't siya nag susukat ng gown? Teka. Ikakasal ba dapat kami? Hindi ko alam pero bigla akong humagulgul ng iyak. Bakit? Bakit ako umiiyak? Para saan? Para kanino? Kay Sheron?Masaya ba kami dati? Bakit? Anong storya namin? Anong meron kami dati? Ang alam ko lang girlfriend ko siya dati, at gusto niya ko patayin. Naguguluhan na ako nangyayari.
Sheron's POV
Nasaan kaya si John? Gusto ko lang kasi magpasalamat sa kanya, dahil na realize ko, it's better to let go than to keep it. Pupunta na sana ako sa building niya nung nakita ko siya. Teka, umiiyak ba siya?
"John?" Napataas yung ulo niya at sigurado ako, umiiyak siya. Kitang kita ko sa mga mata niya na kakagaling niya lang umiyak. Pero bakit?
"Oh Sheron, anong ginagawa mo dito? Madilim na ah?"
"Umiiyak ka ba?""Sino? Ako?" Sabay turo niya sa sarili niya, I know he's trying to be funny, and I know may problema na gumagambala sa kanya.
"Sino pa ba? Alangan yung pinto?" Pabalik kong tanong.
"Ba't naman ako iiyak? Lalaki ata to!" Sabay pakita ng muscles niya. Hindi nga halata na may problema siya kung ibang tao ang nakakakita. Masayahin siyang tao, katulad ni John."Alright." I giggled.
Pabalik na sana ako sa building ko, nang napag isip kong may sabihin sa kanya.
"Alam mo, hindi masamang umiyak kung may problema ka. Kailangan mong ilabas, kahit alam mong para kang tanga, pero kapag masakit na, iiyak mo lang." Sabay palo ko sa braso niya. At iniwan ko na siya ng tuluyan.
John's POV
Paano kung sabihin ko sayo, ikaw yung problema ko? Paano kung sabihin ko na ikaw ang dahilan bakit ako umiiyak? Paano kung sabihin kong malapit na ako makakaalala? Masasabi mo pa kaya yang mga ganyang salita pag nalaman mong ako si John? Si John na minahal mo dati? Si John na muntik mo nang patayin? Paano kung sabihin ko sayo, may parte sakin na hindi ko kayang mawalay sayo at gusto ko lang nasa tabi mo lang ako? Hahayaan mo ba ako Sheron? Hahayaan mo bang mahalin kita as John Steinford? Not as John Lawrence Tiu. Hahayaan mo ba ako Sheron?
OMG MALAPIT NA TAYO MAG 300 READS! THANK YOU PO SA PAG SUPORTA! KEEP ON READING!
-KYXXNG
BINABASA MO ANG
It's The Mafia Princess
ActionIn her world, it contains HATRED, LUST, VENGEANCE, FAME, AND POWER. But what if the next heiress is living in the world that are full of LIES? LIES about her life. But can this Lies break her? Or someone will break her trust? Who's going to start th...