14 - Half of the Truth

2.5K 59 0
                                    

Mute's POV


Argh. Kainis. Bakit kasama ko pa tong amazona na 'to? Ano na naman kaya ang pumasok sa isip nitong si Sheron? 
"Hoy! Tumingin ka nga sa gilid, baka may naka masid satin no!" Kanina pa to sigaw ng sigaw sakin. Akala mo naman ang layo layo ko sakanya, e magkatabi lang naman kami. Kung hindi lang to babae, pinalayas ko na to sa kotse ko. Buti gwapo lang ako.
"Oo na, oo na. Kanina ka pa. Nakakarindi kana." 

"ANONG SABI MO?!"
"Oh tignan mo? Ayan kana naman. pfft."

Kung nag tataka kayo kung paano kami nahantong sa ganitong sitwasyon... Let me flashback. 


Flashback


"Babe..." 
"Mmm?"
Ang likot naman nitong babaeng to. Kita niya na gusto kong mapag-isa dahil sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Ang gwapo ko talaga kaya hindi ako nilulubayan e.

*Phone Rings*

Kinuha ko agad yung cellphone ko, baka isa na naman to sa mga chikababes ko.


-Calling Sherry Baby-

Napamulat ako agad ng mata, teka! Ba't tumatawag si Sheron? Aba ayos to ah. Ilang araw ko na rin hindi nakakausap tong babaeng to, namiss siguro ako nito.
"Hello baby? Napatawag ka? Miss moko no?" I smirked.

[Ew. Don't talk to me like that, it's gross.] Pfft. Ang sarap niya talaga asarin.

"Oh bakit ka napatawag?" Ininom ko ng straight yung inorder kong alak, tapos yung babae kanina na tinatawag akong 'babe' umalis na din. Hindi ko matandaan pangalan nun.

[I need you to do me a favor, I'm outside the bar.] My eyes widened. I immediately ended the call.  

Nasisiraan na ba ng bait tong si Sheron? Pumunta siya sa ganitong lugar? Tapos sa labas pa nais mag hintay?! E maraming manyak sa labas! 

Dali-dali kong kinuha yung jacket ko at naglagay na lang ako ng tip sa ibabaw ng mesa. Nako naman! Ako pa mapapahamak sa mga kapatid nito e. Oo alam kong buhay ang mga kapatid niya, matagal na. Pero hindi ko pa kayang sabihin sakanya na alam ko lahat ng plinaplano ng pamilya niya. Hindi pa ito ang tamang panahon. Kaya lagi ko siyang pinipigilang umalis Thrones para narin sa ikakabuti niya, maraming nakaabang panganib sakanya kapag umalis siya ng Thrones.

Tinakbo ko talaga in full speed kahit nakakabangga na ako ng mga tao.

Pa lingon-lingon ako sa palagid baka sakali nandito lang siya. Haaay! Saan na naman iyon?!

Nabigla ako nang may nambatok sakin. "ARAY NAMAN! SINO KA BA?!"
"Who told you to enter this freaking place again?" Naka hinga ako ng maluwag nung nakita ko siya. Pero ang nakakapagtaka, bakit-

"Don't ask what happened to me." Pag tingin ko sa likuran niya, laking gulat ko na lang na may mga naka men in black na naka handusay sa sahig. Agad agad akong pumuwesto na parang si Jackie Chan. At nabatukan ako ulit ni Sherry Baby. Nakakailan na to ah? Miss niya talaga ako.
"Tanga, tapos na kaya."
"May nakakita ba sayo?" Pinagpag niya yung jacket niya, na parang walang nangyari.
"No. Actually it's kinda dark here kaya siguro walang nakakita."
"Sinundan ka ba nila?"

"Yeah, nung sinusundan ko si Zeus." Nanlaki agad ang mata ko. Teka ba't niya naman sinusundan si Zeus? 
"Gusto mo si Zeus?" *Poink*
"ARAY KANINA KAPA AH!"


It's The Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon