KABANATA 1

18K 342 5
                                    

(A/N)
This is the First Story of EDELBARIO Boys.

Sumasabay ang malakas na agus ng ulan saking mga luhang patuloy ding umaagos.

Pangungulila at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Pilit kong ayaw maniwala ngunit nagigising lang ako sa katotohanang wala na si Nanay at Tatay. Iniwan nila akong wasak at nag-iisa na di umano'y ayaw ko ng mabuhay pa.

Kalilibing lang ni Nanay kahapon kaya hanggang ngayon ay nagluluksa parin ako sa sakit. Hindi ko manlang napansin na matagal na niyang itinatago sakin ang sakit niyang iyon. Sakit sa puso na ganon din ang ikinamatay ng Tatay ko noon.

Ang hirap at ang saklap ng nangyari sakin ngayon. Ang hapdi ng aking puso ay dumadaloy saking isipin at paulit-ulit na ipina paalala saking sarili na wala na si Nanay at Tatay.

Nakatayo ako sa harap ng puntod nila sabay ng mga luhang sumisimbolo ng pag-tanggap. Basang-basa na ako sa ulan at tila alam niyang nasasaktan ako ngayon at sumabay pa sya saking paghihinagpis.

"Nay,Tay. Alam kong masaya na kayo sa piling ng Diyos. Wag na po kayong mag-alala sakin. Pilit ko pong bubuohin ang sarili ko at magpakatatag. Mahal na mahal ko po kayo. Salamat sa pag-aruga at pagmamahal na sainyo ko lang po naramdaman. Ma mimiss ko kayong dalawa. Paalam Nanay at Tatay." Sabay patak ng mga luha ko na agad kong pinunasan.

Ayaw na ayaw nila akong umiiyak dahil doble ang sakit na nararamdaman nila. Hinimas ko ang lapida ni Nanay at Tatay sa huling pagkakataon.

Marita Floora Montano
Goncillio Montano

Paulit-ulit kong binabasa ang pangalan nilang dalawa. Ngayong ulila na ako ay wala na akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko lamang.

"Anak Mary, kailangan mo ba talagang umalis?" Tanong ng kapitbahay namin na si Aleng Marta.  Matalik na kaibigan sya ni Nanay at Tatay. Naging kaibigan ko rin ang mga anak niya.

"Kailangan ko talagang gawin ito Ante. Kailangan kong maghanap ng trabaho. Wala na po akong maaasahan ngayon kundi ang sarili ko lang po." Sagot ko habang inaayos ang maleta. Kanina pa gustong umiiyak ni Ante subalit pinipigilan ko lang iyon.

"Pwede ka naman sa bahay Anak," anyaya ni Ante. Nakakaingganyo subalit nakakahiya.

"Huwag na po Ante, nakakahiya po. At isa pa po kailangan kong matutong tumayo sa sariling sikap. Okay lang po talaga ako, Ante." nakangiti kong sagot. Lumapit sya sakin at hinawakan ang magkabila kong kamay.

"Ito numero ko iyan. Tawagan mo ko pag kailangan mo ng tulong huh?" Sabay bigay niya sa maliit na papel na may numero.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon