(A/N) WARNING SPG:
Dahan-dahan akong tumagilid bago hinimas ang kabilang gilid ng kama. Kumunot ang noo ko dahil wala si Matteo.
Dinilat ko ang aking mata at tanging kunot na kumot lang ang bumungad sakin. Bukas ang mag kabilang bintana at tanging ihip ng hangin ang humahampas sa puting kurtina. Dahan-dahan akong bumangon saka luminga-linga sa paligid. Ang bahay ay binabalotan ng katahimikan.
Napadpad ang tingin ko sa bago niyang cellphone na kulay gold. Inabot ko iyon mula sa maliit na mesa sa gilid at napagdesyonang buksan. Biglang lumapad ang ngiti ko ng bumungad sakin ang mukha ko mula sa screen. Sumimangot naman ako dahil tulog ako sa larawang ito ats obrang panget pa ng mukha ko.
Bakit walang lock o kaya pin ang phone niya? Nirirespito ko ang privacy ni Matteo. Binalik ko ang phone sa mesa. Wala naman siguro akong karapatan halungkatin ang cellphone niya. Pero hindi ko maiwasang ngumiti dahil larawan ko ang naka wallpaper sa phone.
Napagpasyahan kong lumabas ng kwarto ngunit wala si Matteo sa sala at lalo na sa kusina. Luminga-linga ako sa paligid habang ginawang ponytail ang buhok.
Nakarinig ako ng iilang ingay mula sa labas kaya dali-dali akong nagtungo sa balcony. Nasa hagdanan palang ako ay literal akong nagulat dahil may iilang kapitbahay namin na pinalilibotan si Matteo habang nag-iigib ito sa posu. Wala syang suot na damit mula sa itaas na bahagi kaya pinag kakagulohan ang katawan niya. Dali-dali akong bumaba sa hagdanan kaya napadpad ang tingin sakin ni Matteo. Huminto ito sa ginagawa niya.
"Anong ginawa mo? Anong meron dito?" Isa-isa kong tingin sa mga babae. May matanda at meron ding bata. Nahuli ng mata ko ang dala nilang balde at iilang pang-igib na tubig.
"Naku Mary hija, hindi namin alam na nakauwi kana pala." Unang salita ng matandang babae sa gilid ko. Sumulyap ako kay Matteo at may kausap itong babaeng dalaga. "At tska nag-asawa ka na pala huh!" hindi ko matandaan kong sino ang matandang to.
"Hooooo?" namilog ang bibig ko sa sinabi niya.
"Sabi ko may asawa ka na pala. Tapos ang gwapo gwapo pa oh. Siguro ay mayaman yan noh?" Kalbit niya sa balikat ko habang kinikilig. Kumunot ang noo ko at literal na hindi makapagsalita.
"Tika lang manang huh.... bakit may dala dala kayong balde?" ningkit mata ko kaya kinati niya ang kanyang ulo.
"Naku hija pasensya na sa disturbo huh? Wala kasing tubig samin hanggang ngayon. Ilang araw na itong wala." Isa-isa kong tinignan ang mga babae. Ang kanilang tingin ay titig na titig sa katawan ni Matteo.
"Sainyo din walang tubig?" isa-isa kong tingin sa kanilang lahat. Sabay silang tumango kaya mas lalong naningkit ang mata ko. Hindi ko alam kong maniniwala ba ako sa kanila o baka dahil si Matteo ang pakay nilang lahat.
"Nag gi'gym ka pala?"
"Nah,"
"Hindi? Bakit ang laki ng katawan mo?"
Lumingon agad ako sa direksyon nila Matteo at nahuli kong nakikipag-usap parin sya sa babaeng sobrang ikli ng palda. Kailan pa ito naging probinsyana? Dali-dali akong lumapit sa direksyon nilang dalawa.
"Ahem! Ahem! ahem!" Tikhim ko kaya lumingon sakin ang babae at literal itong namutla. Kilala ko ito at nasa harap lang ang bahay nila.
"Hi Mary hehe nag-uusap lang kami ng asawa mo." Utal niyang sabi saka ako lumapit kay Matteo at inabot ang damit niya mula sa sampayan saka iyon padabog na binigay sa kanya. Asawa talaga huh? Pwes mag aasta akong asawa niya ngayon.
BINABASA MO ANG
The Virgin Mary [Edelbario Series#1]
Romansa[Edelbario Series#1] -COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE...