Dahan-dahan akong lumapit sa kanila na may ngiti. Kitang-kita sa mukha nila ang pagka-irita at pagtataka.
"Saan ka galing?" tanong ni Grace
"Bakit ka biglang umalis kanina?" Tanong ni Jessica.
"Bakit ka umalis ng walang paalam?" Tanong naman ni Ivony.
Itinaas ko ang kamay ko bilang pasang-awa tsaka sila isa-isang tinignan.
"May pinuntahan lang ako saglit," Sagot ko tsaka isiniklop ang buhok sa pagod.
Kitang-kita mula sa gilid ng mata ko ang titig nila. Inangat ko ang ulo ko bago sila nginitian.
"Magkasama kami ni Matteo," Dugtong ko kaya nanlaki ang mata nila. Halos lumuwal ang kanilang mata sa gulat.
"Omg...." sabay ng tatlo at dali-daling lumapit sakin.
"Bakit kayo magkasama? San kayo nagpunta?" Yug-yog sakin ni Ivony habang nasa gilid niya si Jessica at Grace.
"May pinag-usapan lang kami." Umiwas ako ng tingin tsaka inayos ang mga gamit.
"Gosh. Hindi ako makapaniwala na itong kaibigan natin ay nakikipaglandian sa isang C.E.O" Agad akong lumingon kay Ivony sa sinabi niya.
C.E.O? Si Matteo?
"C.E.O?" Ulit ko na di makapaniwala. Sinamaan nila ako ng tingin.
"Mag-kasama kayo kanina. Nag-usap kayo diba? Pero hindi mo alam na isang big time si Sir Matteo?" Taas kilay sakin ni Grace na ikinatahimik ko.
"Hindi ako nagtanong," tanging naisagot ko. Wala akong alam tungkol sa buhay niya dahil wala naman akong pakialam sa lalaking iyon.
"Nanliligaw ba si sir Matteo sayo?" napaubo ako sa katongan ni Jessica. Umiling ako ng ilang ulit.
"Eh bakit kayo magkasama?" Taas kilay din ni Grace. Napalunok ako, ano ba itong napasokan ko. Pati mga kaibigan ko ay sobrang kulit.
"Hoy kayo huh... personalan na yata yan. Hayaan na nga natin si Maey." Ngiting aso ni Ivony na ikinatikhim ko ng bagang.
Bakit nga ba ako sumama sa kanya?Yan din ang palagi kong itinatanong saking sarili.
"Im sorry Maey," Umupo si Grace sa kabilang kama tska ito humarap sakin. Kakaiba ang awra niya ngayon. "Kong may gusto ka kay sir Matteo, kalimutan muna ang nararamdaman mo para sa kanya. Sobrang hirap nilang abotin Maey. Ang mga katulad nilang mga lalaki ay iba ang habol sating mga babae. Mayaman sila at kaya nilang bilhin ang kaluluwa ng mga babaeng gusto nila." napabuntong hininga ako sa sinabi ni Grace. Alam ko naman iyon, at palagi akong pinapa alala ni Nanay niyan noon.
"Grace baka iba si sir Matteo sa mga sinasabi mo." Sambit ni Ivony na nakatayo sa gilid ko.
Hindi ko naman yan iniisip eh. Wala rin naman akong gusto kay Matteo. Pero kay Rocky sigurado akong meron na meron.
"Wala akong gusto sa kanya." Tipid kong sagot tska ko narinig ang buntong hininga nilang lahat.
"Hayy buti nalang talaga. Alam nyo guys mag aalas siete na baka mapagalitan pa tayo ni Ma'am Shelo nito." Putol ni Jessica sa usapan tska nagtungo sa closet niya.
Isa-isa na kaming nagbihis at nag-ayos ng aming mga sarili. Ginawa kong ponytail ang aking buhok dahil masyado narin itong mataas. Sa gabing ito ay kulay itim ang susuotin namin. Nasanay narin ako sa sobrang kaiklian ng uniporme namin gabi-gabi.
BINABASA MO ANG
The Virgin Mary [Edelbario Series#1]
Romance[Edelbario Series#1] -COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE...